"Huh? Edi hindi ko na lang siya io-order ng pagkain." Singit ni Ela na nasa unahan namin.

"Ayy oo nga. Di niya naman pinasabi sa'yo eh. Basta di siya sasabay." Sabi ni Andrei at tinanguan naman siya ni Ela.

Saktong pagbalik namin, dumating yung dalawa.

"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Ela at tinuro yung mga pagkaing binili sa kanila nila Mika at Yumi.

"Nagtago pa kami. May mga outsiders na nagpunta dito, may kasama silang teacher. Palabas na sana kami kaso nung nakita nila kami biglang humabol." Paliwanag ni Vince. Kaya pala medyo pawis.

"Oh.." Inabutan ng Panyo ni Yumi si Dane na medyo hinihingal.

"Thanks." Kinuha niya yun at magpunas.

"Nasan na yung mga babae?" Tanong ko.

"They are gone. Tinawag na ng teacher nila. Nagsorry na lang sa min yung teacher at umalis na." Sagot ni Dane.

"Kumain na kayo." Sabi ni Mika.

Nang matapos kami maglunch, bumalik na kami sa room. Nasa upuan niya na si Ethan, may headset na alam kong kay Andrei dahil sa kulay at design tapos nagbabasa ng libro.

Paano siya makakapag-concentrate sa pagbabasa kung may music?

Bumalik ako sa upuan ko. Tumabi na din sa kin yung tatlo.

"Guys wala daw tayong afternoon class. May meeting yung teachers natin." Announce ng isang kaklase namin.

Nag-ingay naman yung mga kaklase namin. Nagkanya-kanya na ng mundo. Napaka-iingay na kaya tinignan ko si Ethan kung sasawayin niya na kaso wala. Nanatili siyang nakatingin sa libro niya.

"Elaaaaa, sawayin mo na sila." Ungot ko. Ang ingay na talaga.

"Wait." Tumayo siya at pumunta sa harap.

"Guys! Tahimik muna kayo!" Saway niya pero hindi siya maintindihan kasi nga ang ingay talaga. "TAHIMIK!" Sigaw niya.

May mga tumahimik pero yung iba naghaharutan pa din. Meron ding nagbubulungan. Saglit nga lang dahil balik na naman sa kaingayan. May nagsabi na wala namang teachers kaya okay lang.

Napatingin ako sa gilid dahil biglang tumayo si Ethan. Si Andrei din. Si Ethan lumakad sa harap, si Andrei umupo sa tabi ko.

Sinundan ko lang ng tingin si Ethan kasi seryosong seryoso yung mukha niya. Nakakatakot. Hindi siya gaanong napansin ng mga kaklase namin kasi naghaharutan at nagku-kwentuhan sila.

Natahimik si Ela at umatras ng kaunti. Nung makarating sa harap si Ethan ay nilagay niya yung dalawang kamay sa bulsa ng pants niya saka tinignan yung lalaking nasa pinaka-harap katabi ng aisle na natahimik bigla. Pati yung mga katabi niya natahimik na din.

Tumango siya at iginilid ng kaunti yung ulo. Tumayo naman yung tinitignan niya saka gumilid nga. Binuhat ni Ethan yung upuan na bakal saka sumandal sa blackboard, nagcross arm siya at tinignan yung mga estudyante na mukhang walang balak tumahimik at hindi siya napapansin.

"Nakakatakot siya." Sabi ni Yumi.

"Paalalahanan mo kong wag gagalitin si Ethan. Nakakatindig balahibo yung tingi---"

"AYYY!" Naputol yung sasabihin ni Mika dahil napasigaw kaming tatlo sa gulat. Natahimik ang buong klase.

Sinipa kasi ni Ethan yung upuan kaya tumumba yun at tumunog ng malakas.

Umayos ng upo lahat at tahimik lang na nakatingin sa harap. Nagpamulsa ulit si Ethan bago umayos ng tayo at nilibot ang tingin sa buong klase. Ang cold ng tingin niya. Prente siyang naglakad pabalik sa upuan niya.

My GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon