6

568 19 18
                                    

Adira's POV:

"Hoy!"

"Ay, kabayo!" Napasigaw ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Arianne sa harap ko. "Ano ba! Ba't ka nanggugulat?!" asik ko sa kanya. Pumaywang  siya at pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang ulo.

"Kasi naman, kanina ka pa po diyan nakatayo. Tingnan mo po pinagtitinginan ka na po." 

Gumuhit naman ang pagtataka sa mukha ko. "Bakit naman?" Dismayado siyang tumingin sa akin bago tumalikod at may kinuha sa likod ko.

"O, ayan." May inabot siyang sticky note. Halos mag salubong naman ang kilay ko nang makita ko ang nakasulat dito.

'Back off girls. Xavier Ramirez is mine.

#Hisfuturewife'

"Hindi naman halata, 'no? No clue nor single gestures of how much you like that guy." sarkastikong pag deklara niya. Kumuyom ang kamao ko't nalukot ang papel dahil doon.

Alam kong iisa lang gumawa nito. At si kuya 'yon. 

 "Ay, sama ako." Nagmadali akong pumasok sa loob ng kotse. Punong-puno ng inis ang loob ko, ngunit napalitan ito ng kaba nang tila may nabangga akong tao sa ginawa kong pag-atras.

"Hala, nabalian siya ng buto!" Natatarantang anunsiyo ni Arianne pagkalabas namin ng sasakyan dahil may nakita kaming lalaki na naka-upo sa lupa habang iniinda ang sakit ng kanyang tuhod.

Imbis na sabayan si Arianne ay kaagad kong linapitan ang lalaki at hahawakan na sana ang kamay nitong nakahawak sa tuhod niya nang bigla siyang dumaing na parang napaso sa balat ko.

"Wow!" Nabaling ang atensyon ko kay Arianne na mukhang natameme sa lalaking nabangga ko. Linapitan ko muna siya saglit para kaltukan at nang magising siya sa katotohanan.

"Kung tulungan mo kaya ako sa kanya, 'no?" Para namang nagising si Arianne  at dali-daling inalalayan ang lalaki papuntang bench para ipa-upo roon. Ako naman ay dali-daling bumalik sa sasakyan para kumuha ng first aid kit tapos ay pumunta sa pwesto nila.

Pansin ko na kanina pa namin nakukuha ang atensyon ng iba, ngunit hindi ko na lang 'yon pinansin at ang mahalaga ngayon ay magamot ang nararamdaman niya. 

Ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito. Paano na lang kung magreklamo siya? Paano na lang kung malala pala ang pagkakabangga ko sa kanya?

Hindi ko mapigilang maitanong ito sa sarili ko. Paano kasi at sa buong oras namin na ginagamot ang iniinda ng lalaki ay si Arianne lang ang gumagawa nito. Hindi ko mahawakan ang lalaki at sa tuwing nagtatama ang balat namin ay para siyang nasasaktan.

Hindi ko alam kung bakit siya maselan sa balat ko. Lagi naman akong naglo-lotion, ah.

"Ayan, okay na," anunsiyo ni Arianne matapos niyang gamutin ang lalaki. Pinanood namin siyang gumalaw, pero sa totoo lang ay naweweirduhan ako sa kanya at kanina ko pa nahuhuli ang pagsulyap niya sa akin.

Tumikhim ako. "Ayos na po ba kayo?" Sa pagkakataong ito ay pumihit siya at humarap sa direksyon ko.

Nahuli ako ng berde niyang mga mata na parang hinihipnotismo ako sa sobrang ganda na 'to. 

"Hello? Tinatanong ka po ni Adira."

"Adira." Nanginig ang tuhod ko't parang ano mang oras ay babagsak na ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Wala akong masabing rason kung bakit ko ito nararamdaman.

Napasinghap na lamang ako. "H-ha?"

"Adira." Pag-uulit niya. Tila nagkakaroon na tuloy ng kaguluhan ang loob ko ngayon.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now