2

818 22 0
                                    

Adira's POV:

"Hi, ma!" bati ko nang mamataan ko siya sa sala. Mukha naman siyang nagulat sa biglaan kong pagsigaw.

"Ikaw talagang bata ka. Kamusta nga pala ang school?" Natatawa niyang tanong habang pinupunasan yung damit niyang mukhang natapunan ng kape.

"Same, same lang po," sagot ko at dumiretso sa hagdan para pumuntang kwarto. "Magpapalit lang po ako!" Sigaw ko habang paakyat. Nang marating ko na ang kwarto ay dali-dali akong nagbihis. Simpleng white T-shirt na may print na pusa and leggings na kulay black na may stripes.

Saktong pagkababa ko sa hagdan ay narinig ko ang ilang beses na tahol ng aso kong chow-chow na si Bunny. Sa sobrang excited na makita siya ay dali-dali akong tumakbo papunta sa likod ng bahay.

Pagkarating ko pa lang sa likod ng bahay ay nadatnan ko na ang magulong laruan ng aso ko.

Naku! Bakit ba hindi marunong magligpit ang mga aso ng laruan nila?

Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa mga naiisip. Bakit ba ang hilig kong kausapin ang sarili ko. "Bunny, catch!" Nabalik ako sa wisyo nang may maramdaman akong tumama sa may bandang dibdib ko.

"Bola?" Nagtataka kong tanong habang nakatingin sa bolang hawak ko. Pero bola ito ni bunny ah?

Hindi kaya....

Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Bunny nang marinig ko ang pagtahol niya at ngayon ko lang na pagtanto na papunta siya sa direksyon ko. Para akong na mental block at tanging pag-atras ang ginawa ko hanggat sa may nabunggo akong tao sa likod ko.

Inis ko siyang nilingon. "Ano ba?! Huwag ka ngang namamangga!" Bulyaw ko sa kanya.

Lukot naman ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "At ako pa talaga ang namamangga, ha? E ikaw nga 'tong atras nang atras mukha kang ta—" May bahid ng irita ang mga mata ko at gigil siyang dinuro, hindi na pinatapos ang sasabihin niya.

"Hoy! Hindi mo ba nakiki--" Lilingon pa sana ako sa likuran ko para ituro ang aso kong dambuhala na papunta sa pwesto namin nang walang sabi-sabing nakipagpalitan siya ng pwesto kaya ngayon ay siya naman ang nakatalikod kay Bunny at ako ang nakaharap sa aso kong palapit na sa amin.

Lalong nanlaki ang mata ko nang biglang dumagan si Bunny kaya't napahiga kami ng wala sa oras at siya ang nasa ibabaw ko.

We both yelp.

"Hoy Xavier, ang bigat mo!" asik ko at paulit-ulit na pinipilit siyang itulak kaso mukhang mabigat si Bunny kaya hindi siya kaagad na nakatayo.

Gosh! Ang bigat ng lalaking ito! "Out... goodboy, Bunny." Parang  kumulo ang mahinahon kong dugo nang sandaling umalis si Bunny sa likod ni Xavier dahil sa isang tinig.

"Kumusta na bunso?"

Kuya! "Patay ka sa akin, kuya!" Tili ko ulit. At nang sandaling nakatayo na si Xavier ay ako naman ang tumayo at hinabol si kuya na patawa-tawa lang na tumatakbo.

Hirap naman maging makupad, o. "Ma!" pagtawag ko sa ina namin sa  tinig na parang nagsusumbong. "Hm, bakit, Adira?"

Lukot ang noo kong tinuro si kuya na nakatakip ang kamay sa bibig habang ang mga mata'y sadyang nang-iinis.

"Ma, si kuya! Inaaway ako!" Parang bata kong sabi at nagpapadyak pa ng paa ng ilang beses.

"Ma, ako rin. Inaaway ni bunso kanina sa school." Panggagaya naman nitong isa at ginaya rin ang pagpapadyak-padyak ko.

Tadyakan kita diyan, e. "Kayo talaga." Tinawanan kami ni mama. "Siya, balik muna ako sa kusina, ha." Pagkaalis ni mommy ay tinapunan ko ng masamang tingin si kuya na ngayon ay pangisi-ngisi.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now