3

180 6 0
                                    

Adira's POV:

"M-m... ma!"

"Adira, gising!" Napabalikwas ako bigla at habol na habol ang paghinga ko. "You okay, 'nak?" Bakas sa tono ni mama ang pag-aalala habang hinahagod ang likod ko.

Buti naNapatigil ako at tumingin sa paligid.

Bakit nasa kwarto ako?

"B-bakit ako nandito, ma?" Tanong ko habang hindi pa rin natigil ang paglibot ng mata sa paligid, hanggang sa napadako ang tingin ko sa balcony na ngayon ay nakasarado.

"Adira." Nabalik lang ako sa reyalidad nang hawakan ang baba ko at hinarap sa kanya. "Ayos ka lang ba, Adira? Binabangungot ka kanina pa kaya ginising na kita. Ano bang nangyari sa panaginip mo, anak? Bakit ka nakatingin sa balcony?" Gusto ko sanang sabihin ang totoong nangyari sa panaginip ko, kaso parang may kakaiba akong naramdaman.

Tipong parang may nagmamasid sa akin dito.

"W-wala po," sagot ko at umiwas ng tingin, at hindi maiwasang dumako ulit sa balcony.

Panaginip lang ba talaga 'yon? Pero bakit may boses? Saan nanggaling 'yon?

Paulit-ulit na lang akong huminga nang malalim bago ulit hinarap ang ina ko. "M-ma, ahm... a-ano pong nangyari bago ako pumunta rito?"

Bahagyang lumukot ang noo ni mama at mataman akong tiningnan. "Pinagtri-tripan ka ng kuya mo at ni Xavier kanina kaya nagalit ka at pumunta ka dito. Sinundo lang kita kasi kakain na. Nakatulog ka pala kaya hindi ka sumasagot kanina." Para namang napantig ang tenga ko.

Pinagtripan? So, hindi 'yon kasama sa panaginip ko? Sayang.

"A-ano pong pinagtripan?"

"'Yung sinabi ng kuya mong muntik mo na halikan si Xavier. Buti nga lang at sinabi niyang iniinis ka lang niya kung 'di, Adira. Patay ka sa 'king bata ka." Mahabang litanya ni mommy pero iisa lang ang tumatak sa utak ko.

Hindi nga yon kasama... sayang talaga.

"Oh? Bakit ka naman namumula? Asus, wag kang mag-alala botong-boto ako kay Xavier para sa' yo. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para sa mga ganyan." Nang sabihin iyon ni mama ay parang pakiramdam ko ay lalong dumoble ang pagmumula ko. "Magtapos ka muna at maghanap ng trabaho. Kapag nakita kong mukhang ayos ka na, anak. Doon kita hahayaan magpaligaw, o ligawan si Xavier."

"Ma!" Tinawanan niya lang ako.

Pagkatapos non ay tumahimik ang paligid na parang dinaanan ng anghel. "Adira, tell me. Do you still like him?" Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway sa tanong niya.

"O-of course, not! Ma, bata pa ako nung nagkagusto ako sa kanya, okay?" Tawa lang ulit ang sagot niya. Napagpasiyahan ko na lang na tumayo at iwan doon si mama at sobra-sobra ng kahihiyan ang naiipon sa loob ko.

Bahala siya.

Habang pababa ako ng hagdan ay namataan ko sila kuya kasama sila Xavier at Diem. May isang larawan ang kumislap sa isip ko, dahilan ng paninindig ng balahibo ko.

Bakit parang nakita ko ito sa panaginip ko?

"Ang galing talaga natin." Napatigil ako sa paghakbang at gulat na napatingin sa kanila. Sila naman ay napatingin din sa akin at saktong-sakto ang kanilang reaksiyon gaya ng nasa panaginip ko.

"Ano? Kamusta na ang pagpapantasiya mo kay Xavier sa panaginip?" Nagulat ako sa pambungad niya habang may malawak na ngiti.

Napatingin naman ako kay Xavier at mas lalo akong nagulat nang gawin niya rin 'yon.

"Ba't parang gulat na gulat ka naman Kay Xavier? Siguro, narealize mong hindi mo siya crush at mahal mo na siya 'no." Hindi ko pinansin ang mga pang-aasar nila.

Taken By An EngkantoWhere stories live. Discover now