Chapter 33: Bar

1.8K 43 0
                                    

Kinabukasan....

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko para akong magkakasakit. Nakatamad pumasok.

Bakit? Bakit si athena pa? Ang bata bata pa niya para sa ganun sakit

Namimiss ko na siya namimiss ko tawa niya jokes niya mukha niya kakulitan niya. Haaaay! Di ko namalayan umiiyak na naman ako

Bumangon ako at umupo sa kama... wala na. Wala na kong kasama wala ng sister wala ng kasama mg shopping wala ng kasama pg arcade. Wala na silbi buhay ko

"Knock knock" ~ pinunasan ko luha ko "Pasok po" bumukas ang pintuan at si kuya marky pala. Umupo siya sa tabi ko at hinagod ang likod ko "Umiiyak ka na nman eunice. Tahan na ayaw yan ni athena na umiiyak ka" lalo akong umiyak at niyakap si kuya

"Kasi naman kuya bakit siya pa. Ang bata pa niya sa ganun na sakit" niyakap ko pa ng mahigpit si kuya

"Ganun talaga ang buhay eh hindj natin kayang pigilan ang kamatayan. Si Lord ang may hawak saatin si Lord ang may alam kung kelan tayo mawawala sa mundong ito, si Lord lang may alam kung kelan ma-aaksidente at walang mabubuhay dito sa mundo ng matagal. Lahat tayo mamatay" mahabang sabi ni kuya

"Tapos kuya wala ng sasama saakin mag shopping mag arcade at bumili ng books" malungkot kong sabi "Sus yun lang pala eh. Edi ako isama mo" ngumiti si kuya "Talaga kuya?" Tumango siya at sabay gulo ng buhok ko

Tumayo siya at "Sge na mag bihis kana at may pasok ka pa" lumabas na si kuya.

Friday pala ngayun. Its means di kami uniform ngayun

....

Aral

Aral

Aral

Aral

KRING KRIN
LUNCH BREAK!

Sabay kami ni shawn ngayun kumain eh wala na kasi si athena. Siya ang lagi kong kasabay

"Ayus ka lang eunice?" Tumango ako bilang sagot

Nagbuntong hininga siya

Lahat ng sulok dito sa school lahat nakikita ko si athena

Alam na nilang lahat pati teachers wala na si athena kaya nag condolence sila saakin

Iniiwasan ko na maging malungkot pero pag tuwing may nag co-condolence saakin napalaiyak na lang ako nalulungkot ako ng sobra

Minsan nga sa cr ako umiiyak sa field sa gym sa auditorium

Hay. Ang hirap mag move on ang hirap mawalan ng mahal mo sa buhay.

....

Hapon

Aral

Aral

Aral

Kringggg!

Uwian na. Pero ayaw ko pang umuwi hay parang gusto ko uminom magpakalasing gusto ko munang makalimot kahit saglit lang

....

(Stoned ~ Bar)

Diko namalayan nasa harap na ko ng bar. Di nako nag dalawang isip pa at pumasok nako

Pumunta nako sa harap ng bartender "Kuya isang whiskey nga"

Inom

Inom

Inom

Inom

Inom

Inom

Diko na alam kung ilan na ang nainom ko ngayun. Hilong hilo na ko di ko alam pano ko uuwi mag isa.

May nag aaya na saakin sumayaw. Umiling ako. Wala ko sa mood sumayaw

Sakto sabado bukas walang pasok kaya maya maya nako uuwi. Mag tataxi na lang ako mamaya

Aktong aalis na ko dahil na iihi na ko may humawak sa braso ko "Hi miss beautyful" napatingin ako sa kanya "Wanna dance with me?" Ngumisi siya saakin at mukhang manyak to. Sa itsura palang eh

"No! Ayoko sumayaw wala ko sa mood. Kaya bitawan mo na ko" hinigpitan niya hawak niya sa braso ko "Ouch! Ano ba? Ayoko nga sabi eh" mag sasalita na sana siya meron sumuntok sa kanya galing sa likod ko kaya nabitawan niya na ko

"Sabi niya ayaw daw niya sumayaw kaya wag mo ng pagpilitan sarili mo. Ga*go" parang kilala ko boses na yun pero imposible dahil nasa amerika pa siya

Di ko makita sino sumuntok dahil hilong hilo nko at inaantok na ko

Binuhat niya na ko pinikit ko na lng mata ko at naramdaman ko binuksan niya pinto ng kotse at dahan dahan pinaupo sa passenger seat

Unti unti nakakatulog nako. Zzzzzz

Campus Nerd To A Campus Princess(COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now