Chapter 2: I'm Pregnant

9.8K 212 7
                                    

Nikita's POV,

"Huh?" Maang-maangan kong turan sa kaibigan ko. Kailangan kong pigilang manginig hangga't maaari dahil alam nito ang bawat ikot ng bituka ko. Nahahalata niya agad ako na may tinatago.

"What? I know you're hiding something. Come on, tell me. Parang hindi kaibigan." Seryosong ani niya kaya mas lalo akong natakot. Bakit kasi ngayon niya pa naisipang magtanong kung kailan kumakain kami? Baka mawalan ako ng gana kumain nito.

"A-ano ba yun?"

"Ano nga ba yun? May tinatago ka ba?" Balik tanong niya sakin.

"A-aba malay ko sayo. Kung anu-ano nalang naiisip mo diyan eh." Pinipigilan ko ang sarili kong h'wag mabulol dahil mas lalo lang 'tong mangungulit kakatanong sa akin hangga't 'di ko sinasabi. Daig pa nito ang NBI kung magtanong. Masyadong mapanghinala.

"Sige na nga 'di na kita kukulutin. Tutal mukhang nawawalan na rin naman ng saysay pagiging magkaibigan natin sa 'yo." Saad niya. Alam niya talaga kung paano ako konsensyahin.

"Wait..." Sambit ko sabay hawak sa tiyan ko.

"Nangyari sa 'yo?" Nag-aalalang sabi niya at bahagya pang inangat ang pwet sa upuan.

"Nag-iba pakiramdam ng tiyan ko, magbabanyo muna siguro ako. Diyan ka lang. Huwag kang kukuha ng mga pagkain ko kung 'di kukulamin kita." Paglilihis ko nalang ng usapan dahilan para mapatawa siya.

Dali-dali akong pumunta sa CR dahil pakiramdam ko'y matatae na talaga ako sa kaba. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya o hindi. Kilala ko rin kasi ang kaibigan ko. Tiyak na magtataka o magtatanong 'yun tungkol sa ama ng anak ko. Baka pilitin niya lang akong sabihin o alamin ang tunay na ama ng dinadala ko at sugurin si Kent para bugbugin o piliting panagutan ako. Masisira ang iniingatan komg sikreto kung ganoon.

'Baby, sasabihin ko ba dapat kay Tito Hanz mo o hindi? Hindi ko na alam gagawin ko, baby.'

Matapos kong ilabas ang sama ng loob ng tiyan ko ay lumabas na rin ako sa cubicle. Humarap ako sa salamin at nagbukas ng gripo upang maghilamos, baka sakaling malamigan ang ulo ko bago maisipang lumabas ng comfort room. Naalala ko na naman yung time na nagmall din kami ni Kent tapos natae ako kaya hinintay niya ko sa labas ng CR. Nang mainip siya ay kinatok niya na talaga.

'Mainipin!'

Napangiti ako nang maalala ko 'yun. Ewan ko ba at ang bilis ng metabolism ko kaya ilang oras pagtapos kong kumain ay makakaramdam na agad ako ng pagtawag ng kalikasan. Agad ding napalis ang ngiti ko nang sumagi ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Kent sa akin noong isang araw.

'Ano ba yan Nikita? For once, don't think about Kent. 'Di ka dapat ma-depress lalo na't buntis ka!'

Buntis nga pala ako. Bawal sa akin ang maging malungkot dahil baka mapaglihi ko ang anak ko sa sama ng loob at maging bugnutin paglabas. Imbes killer smile ang ibigay sa mga tao, baka lagi siyang nakabusangot siya.

Carrying My Ex-Boyfriend's Child [COMPLETED] ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя