Two Hours More - Eight - Day 15-30

Magsimula sa umpisa
                                    

Nanatili muna kami sa koro para makapagpahinga matapos makaalis ng mga bata. Nandito nga pala si Miguel. Pagkadating ko kanina, nandito na s’ya. Sa tuwing nakikita ko s’ya, hindi ko alam kung bakit biglang umiinit ang ulo ko. At pagkakataon nga naman na sa mga pagkakataong ‘yon, lagi lang din s’yang mukhang mainit ang ulo.

Parehas kami ng course at dahil mas matanda ako sa kanya ng isang taon, palagay ko, graduating na s’ya. Sa tuwing nakakasalubong ko s’ya sa school noon, kahit best friend pa ‘yan ng babaeng mahal ko, hindi talaga kami nagpapansinan. Hindi kami naging malapit sa isa’t-isa. Pero sinubukan ko naman, isang beses nga lang. Nginitian ko s’ya noon pagkabanggit ko ng “Bro!” nang nakasalubong ko s’ya sa hallway, pero hindi man lang s’ya ngumiti. Tumango lang s’ya sa’kin habang ang mukha n’ya, walang emosyon.

Panong hindi sasama loob sa’kin n’yan, e gusto n’ya si Jam. Sa palagay ko naman. Kahit hindi n’ya pa sabihin o aminin kay Jam, halata naman. Mabilis namang makita ‘yon. Sigurado akong hindi ako nagkakamali doon. Kaya siguro ang init rin ng dugo ko sa kanya. Alam ko kasing interesado s’ya kay Jam at aaligid-aligid s’ya sa kanya.

Best friend. Best friend naman talaga s’ya ni Jam, pero s’ya, best friend lang ba ang tingin n’ya sa kanya? I doubt it.

Pero ganun pa man, alam ko naman sa sarili ko na kung may pagkakatiwalaan man ako kay Jam, s’ya ‘yon, sa totoo lang. Kung may makakapag-alaga man sa kanya ng maayos, alam kong s’ya ‘yon. Masasabi ko rin naman na, mabuti na rin pala at nandyan s’ya.

“Jam, nakaalis na daw si Papa sa bahay.”

“Oo nga, nag-text sa ‘kin.”

“So, saan ang lakad nyo?” Sabay tingin sa’kin. Anong gustong sabihin nito? Nakakalabas nga kami kapag wala s’ya, pero hindi sa lahat ng pagkakataong wala ang Dad n’ya ay naalis din kami.

“Wa---“ Natigilan ako nang nagsalita si Jam.

“Wala, Migs. Bakit?” Sagot n’ya na para bang nararamdaman na rin ang tensyon sa pagitan ng tinginan namin ng Miguel na ‘to.

“Papaalalahanan ko lang kasi sana na baka aalis kayo, e gabihin na naman kayo ng uwi.” Hindi man lang n’ya nilingon si Jam at diretso lang ang tingin sa’kin. Naikwento nga sa’kin ni Jam ang maliit nilang away na ‘yon. Magtigil Miguel. Magtigil.

“Migs naman. Di na nga mauulit ‘yon.”

Kainis ‘tong Miguel na ‘to. Pero hindi ko ‘yan papatulan. Selos lang ‘yan kaya s’ya nagkakaganyan.

Ilang sandali pa ay umalis na rin kami ng simbahan. Birthday daw ni Nay Mira kaya nagbilin sa dalawa na papuntahin ako sa bahay nila Jam. Hindi naman kami close ni Nay Mira, pero siguro, baka gusto n’ya lang pala kong makilala.

Papasok na kami sa bahay nila, habang si Miguel na ‘yon ay nauna nang nakapasok sa loob.

“Hiro, sorry kay Migs kanina.”

Napatawa ako. “Wala ‘yon Princess no. Alam ko naman bakit ‘yon nagkakaganon.”

“Hmm. Nag-aalala lang siguro talaga. Alam mo naman ‘yon.”

“I doubt it.”

“Ha? Bakit?”

“Wala naman.” The innocent Jam deserves a pinch on her cheeks.

Pagkatapos ng kainan at kwentuhan, naiwan kami ni Jam sa salas habang nagliligpit agad ng pinagkainan si Nay Mira, at si Miguel, bahala s’ya kung nasaan man s’ya.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon