Chapter 1

764 22 4
                                    

Master Cid's POV

Langya. Kelangan ba talaga bilangin bawat Chapter nito? Tae yan. Hanggang apat lang kaya ko bilangin e.

Siguro naman nasabi na sainyo na ako ang pinaka-gwapo sa kwentong to noh? Kaya walang basagan.

May kwento muna ko tungkol sa lablayp ko. Palag agad kayo? Oo may lablayp ako. Gwapo nga ko diba?

Tungkol to sa perslab ko. Hooh! Tangina kinikilig ako pag na-aalala ko to e. Baka ma-ihi ako niyan.

Si Apol ang perslab ko. Ganyan ba spelling non? Basta Apol. Ang Apol of my eye. Weew. Umpisa pa lang yan. Kinikilig ka na noh?

Malakas talaga tama ko sakanya non. Sinusundan ko siya kahit san siya magpunta, nahihiya kasi ako aminin ang nararamdaman ko kaya tamang stalker muna.

Pag nakikita niyang naka-sunod ako sa kanya lagi niya sinasabi, "Eew. Stop stalking me you're creepy!". Di ko alam kung anung ibig sabihin non pero kinikilig talaga ko pag sinasabi niya yon. Bakit kaya? Siguro ibig sabihin nun naiinlab na siya sakin. Tangina nakakakilig.

Hanggang sa isang araw naglakas loob ako na ayain siya makipag-date. Pumayag naman siya pero may sinabi siya na di ko nanaman maintindihan. Minsan kasi bobo talaga mag-english si Apol. Pero mahal ko yun.

Ang sabi niya, "After this promise me you'll stop stalking me."

Ibig sabihin ata non sasagutin niya na ko? Muntik na ko maihi sa salawal non sa sobrang kilig. Tinulak ko pa nga siya para sweet. Pero napalakas ata kasi nakita ko siya nahulog sa imburnal.

Sinamantala ko naman yon para pakiligin siya. Bumanat ako ng ganito, "di ko alam ganyan ka pala kadali mahulog. Kung alam ko lang matagal na kita tinulak papunta sakin."

Tinignan ko reaksyon niya habang nasa imburnal siya. Puta, namula. Ang galing ko magpakilig. Yes!

Maya maya bigla siyang umiyak. Di ko akalain na mato-touch siya sa sinabi ko. T_T

Na-ospital siya pagkatapos non.

Nung bibisitahin ko siya sabi ng mga magulang niya layuan ko na daw ang anak nila. Syempre hindi ako pumayag. Nagmamahalan kami ni Apol at hindi nila kami pwede paghiwalayin.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko pumunta ko sa tapat ng bahay nila at pinagbabato ko yung bubong nila. Na-barangay pa nga ako nun. Nadagdagan na naman tuloy ang kasikatan ko.

Nabalitaan ko nalang na lumipat ng bahay sila Apol. Ang sama ng mga magulang niya. Nagawa nilang paghiwalayin ang dalawang pusong nag-iibigan.

 *

Matagal bago ako naka-move on. Mga isang araw. Grabe talaga. Di ko akalain ganto pala kasakit maiwan ng taong minamahal.

The Perfect Mismatch [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon