The Perfect Mismatch

1.8K 30 5
                                    

Siya si Cid. Ang pinaka gwapong nilikha ng Maykapal sabi ng nanay niya. Pangalan palang gwapo na diba? Pero ang totoo niyan screen name niya lang yon. Sikat kasi siya.



Placido T. Tigas sa totoong buhay. Apelyido palang tigasin na. Cid ang itawag mo sakanya ayaw niya kasi ng Placido. Mabaho daw pakinggan.



Kelangan ko pa ba i-describe? Iniisip ko pa lang nauumay na ko e. Pero sige na nga para makilala niyo siya. Baka sakaling masalubong niyo dyan sa kanto atleast aware kayo na siya yun.




Gwapo ba siya? Oo sabi niya.

Macho? Oo daw.

Habulin ng babae? Oo. Madalas pa nga daw may dalang itak yung mga humahabol sa kanya e.

Astig? Siguro. Sabi niya siya daw ang siga ng Noznev Village.


Founder nga pala siya ng isang samahan ng mga astig sa lugar nila. Ang InKaTuJa. Inom, Kain, Tulog, wag niyo na alamin yung isa pero Japorms ata ibig sabihin nun.

Sobrang dami nila sa kulto este samahan.Mga tatlo ata sila. Siyempre siya ang boss, tapos yung isa kanang kamay, yung isa naman kaliwa.

Baka interesado ka sumali. Balita ko naghahanap sila ng bagong myembro, meron kasi bakanteng pwesto, ang KANANG PAA at KALIWANG PAA. Okay lang naman daw kahit amoy alipunga basta astig gaya nila.

*

Siya naman si Queen Strawberry Field na kapatid ni King Suho Field. Isa siyang MAARTE in all caps para damang dama. Nanunuot sa kaibuturan ng kanyang bones, muscles at veins ang kanyang ka-conyohan. At kung may mas maarte pa sa maarte SI QUEEN yon!



Ayoko na nga mag-kwento. Wala namang kwenta to.






WARNING: Bawal ito sa fetus pero pwede sa infant. Haha. Maraming trashtalk dito, so if you are sensitive at ayaw niyo makabasa ng story na puro mura, kindly close this tab para walang problema. Thank you.

Para lang ito sa mga open minded na tao at handang umintindi sa mga weirdo.

Kung handa na kayong mabaliw at ma-nosebleed sa kwentong ito, hindi ko na patatagalin pa..

Enjoy reading.. 

The Perfect Mismatch [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon