Chapter 10: The High Roller - Part 1

177 16 1
                                    

Nag-ingay muna ang gulong ng sinasakyang van nina Rush, Harry, Aira at Leivah nang huminto sa malaking parking lot ng safe house. Kasalukuyan namang nakasandal si Miss Amanda sa pulang kotse ni Rush at humihithit ng yosi. Nasa ibaba naman ang maleta at nakasandal din sa kotse. Si Bishop naman ay nakaabang sa labas ng safe house habang bitbit ang isang cellphone at ilang mga wire.


Nakangiti namang lumabas ng van si Leivah, si Rush naman ay tinanggal ang nakasuot na shades at ngumiti rin habang bumababa. Tila maangas naman ang pagbaba ni Aira habang tinatanggal ang isang pares ng gwantes mula sa kanyang mga kamay. Takot na takot naman si Harry nang bumaba habang yakap pa rin ang maleta sa kanyang mga bisig.


"Oh? Anong nangyari dyan?" natatawang sambit ni Miss Amanda habang pinagmamasdan si Harry. Tila natatawa na rin ang iba pa habang nakatingin kay Harry. Sumimangot naman ang matandang lalaki habang naglalakad palapit sa gitna nilang lahat.


"Well...plan b," sagot ni Rush habang nakangiti.


"Saan ba nanggaling 'yang plan b na 'yan ha?! Bakit parang ako lang ang hindi nakakaalam?" reklamo ni Harry.


"Don't look at me! Kahit ako hindi ko alam na may plan b," sagot naman ni Miss Amanda. Napatingin naman si Harry kay Rush habang nakasimangot.


"Pambihira...kami lang ang hindi nakakaalam?!" sigaw ni Harry. Sa inis ay hinagis niya ang maleta kay Rush at naglakad palayo.


"Oh...teka lang, pinaghirapan natin 'to. Ayaw mo bang makita ang laman?" tanong ni Rush habang nakangiti.


Napatigil naman si Harry at nagpamulsa na lamang bago humarap sa kanila nang nakasimangot. Sa pagkakataong iyon naman ay nakalapit na si Bishop sa kotse ni Rush kung saan nakasandal si Miss Amanda.


"Harry...dahil ikaw ang bida ngayon, can you be our ring bearer?" tanong ni Rush.


"Haha...sige na! 'Wag ka nang magtampo dyan..." natatawang sambit ni Aira.


Napangiti naman si Harry at kinapitan ang hawak na maleta ni Rush. Tila nagsilbi siyang mesa sa pagkakataong iyon habang sabik na sabik makita ang nilalaman ng briefcase. Inabot naman ni Bishop ang isang pares ng surgical gloves. Hindi lamang isang ordinaryong surgical gloves ang mga iyon. Nang isuot ni Rush ang mga gwantes ay sinilip niya ang bawat thumbprint na nakaimprenta sa bawat gloves. Nagkabit naman ng mga wire si Bishop nang iangat ang touchscreen ng maleta. Nakakabit ang kabilang dulo nito sa kanyang cellphone.


"Kapag iba ang nadetect ng biometric scanner ay automatic na mag-a-activate ang tracker ng maleta. Ako ang magb-block ng tracker kung sakali," wika ni Bishop.


"Sa tingin ko naman ay hindi tayo magkakamali sa isang 'to," sambit ni Rush. Inilapat niya ang kanyang kanang kamay sunod naman ang kaliwa at pumitik ang lock ng briefcase.


"Safe," wika ni Bishop.


Lumapit naman lalo si Miss Amanda at Leivah sa briefcase na iyon. Tila sabik makita ang dyamante. Pa-suspense namang kinapitan ni Rush ang magkabilang gilid ng maleta ngunit hindi pa niya ito inaangat.

The HeistWhere stories live. Discover now