Chapter 8: 6 of Diamonds - Part 2

167 11 8
                                    


"Katulad ng sinabi mo noon...ang lahat ng records namin ay kailangang tanggalin. Puwera na lang ang iyo at kay Miss Amanda. Ganoon nga ang ginawa ko. Ang lahat ng records sa NBI, statistics, LTO, SSS at iba pa ay tinanggal ko. Ang mga kuha sa CCTV camera ng mansyon at ng De Louvre ay tinanggal ko na rin noon pa," sambit ni Bishop. Nakatitig lamang sa kanilang dalawa si Leivah. Tumayo siya at kumuha ng dalawang bote ng beer. Ibinigay niya naman ang isa kay Rush.


"Hmm...okay," wika ni Rush na tila hindi maipinta ang mukha.


"Bakit? May nangyari ba?" tanong ni Leivah.


"Kung makikipaglaro sa atin ang otoridad ay papayag ka ba?" tanong ni Rush.


"Bakit? Alam na ba nila?" tanong muli ni Leivah. Napailing na lamang si Rush at nagtungo sa upuan sa malayo at ipinahinga ang kanyang likod.


"Sinimulan na ulit ng CIDG ang imbestigasyon sa pagkamatay ni kuya," sagot ni Rush. Binuksan niya ang bote ng beer at lumagok ng kaunting alak pagkatapos. Napatingin naman ang dalawa sa kanya. Gulat ang reaksyon ni Leivah at tila kalmado naman ang kay Bishop.


"Magkakaproblema ba tayo sa mga gagawin natin?" tanong ni Leivah.


"Hindi...itutuloy ko ang larong 'to. Bahala na sila kung ano ang gagawin nila. In the first place, kasali naman talaga sila," nakangiting sagot ni Rush.


"Pero sana...hindi sumabit," wika ni Leivah.


Tumayo siya at tumalikod saka muling lumagok ng beer. Tila malagkit naman ang pagkakatitig ni Rush sa kanya habang nakangiti. Si Bishop naman ay tumitig ng kaunti sa binata, napailing ng saglit at muling humarap sa monitor ng computer. Maya't-maya siyang tumitingin sa binata. Matapos ng ilang saglit ay tumingin naman si Rush kay Bishop at nagkibit balikat. Animo'y nagbibiro ngunit tila seryoso pa rin ang mukha ni Bishop.


_______________________________

8:15 PM


Lumipas ang gabi, tila naglalaro na lamang ng tetris si Bishop sa harap ng kanyang computer at mabilis niyang nauubos ang mga bloke sa ilalim nito. Si Rush naman ay tila lalong pinag-aaralan ang gagawing nakawan. Nakalapat ang mapa ng Clark Airport sa mesa at tila iniikutan iyon at naglalagay ng marka gamit ang ilang mga piraso ng piyon na tila galing sa board game na Monoploy. Si Leivah naman ay kinalas ang kanyang baril at inilapag sa isa pang mesa sa sulok. Nililinis niya ang kulay silver na hand gun na iyon, pinupunasan niya at pinapakintab kahit na may mga guhit at gasgas na ang katawan nito.


Sa labas naman ay kumakain ng mainit na lomi si Aira habang muling pinagkakaguluhan ang kotse na kanyang dala. Nakapasok sa parehong tenga ang eaarphone upang mabalitaan ang mga nangyayari. Si Harry naman ay patuloy sa pagmamatyag gamit ang mga CCTV camera ng hotel. Nagkukunwari siyang naglilinis, aalis ngunit muling babalik upang makita kung naroon pa ang mga gwardya sa labas ng pinto ng kwarto ni Alfred Beal.


Mula sa hotel room ng The Manila Peninsula ay nagising si Miss Amanda. Wala siyang tapis sa katawan kaya't nang dahan-dahan siyang umupo sa kama ay ginawa niyang pangtapis ang puting kumot. Nakatalikod sa kanya noon si Alfred Beal at wala ring suot na damit. Dahan-dahang tumayo si Miss Amanda at lumapit sa kanyang bag, kinuha niya ang isang case ng salamin. Binuksan niya iyon at nanalamin muna saglit, inayos nang bahagya ang kanyang buhok at saka tumingin sa lalaking nakahiga sa kama. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pwesto ng lalaki. Binuksan ang salamin, umilaw naman ang salamin na iyon at makikita ang salitang: Upload. Inilapat ni Miss Amanda ang kaliwang kamay ng banyagang lalaki na mahimbing ang tulog. Agad iyong nags-scan at automatic na nag-upload.

The HeistNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ