Chapter 39: Mysterious Guy

Começar do início
                                    

"Kung hindi pa ito ang tamang oras para makilala kita at dahil I'm not dumb para hindi makapag read between the lines siguradong magkikita pa tayo kaya gusto kong malaman kung anong pangalan mo?... At kakampi ba kita o kalaban?" Humsrap naman sya sakin ng seryoso.

"Ako si Arthur at dun sa pangalawang tanong mo... Malalam mo din at nasa sayo kung ano ako" sagot nya. Yumuko sya saka ulit tumingin sakin "Sa muling pagkikita natin.." Sabi habang nakangiti saka nagpatuloy ng umalis. Nakatingin ako sa kanya hanggang sa nawala sya. Iniisip ko pa rin kung sino sya. Pano nya nalaman ang nangyayari sakin pero hindi ko naman siguradong ako ang tinutukoy nya dahil hindi nya nabanggit ang ang pangalan ko pero kung di nya ko kilala bakit kinausap nya ko ng ganun katagal. Sino ka ba talaga Arthur.

Biglang nagring ang phone ko kaya nawala ako sa aking malalim na iniisip. Tiningnan ko kung sino ang tumawag at nakita kong tumatawa si Nico.

"Hello."

["Nasaan ka andito na kami? Bat wala ka pa? Okey ka lang ba?"]

Napairap na lang ako dahil ang dami nya tinanong. And did he forget to breath tuloy tuloy eh?!.

"I'm fine don't worry. Papunta na ko may inayos lang ako siniguradong wala tayong nakalimutan" sagot ko sa tanong nya.

["Oh sige bilisan mo papunta dito pagkarating aalis na tayo"]

"Sige..." Sabi ko saka pinatay ang tawag.

Sumakay na ko sa motor ko pero bago ko paandarin iyon ay tumingin ulit ako sa dinaanan ni Arthur nung umalis ito.

Sino ka ba talaga Arthur? Bakit pakiramdam ko magiging malaking part ka ng mga susunod pang mangyayari sa buhay ko? Sana hindi ka maging kalaban o maging traydor dahil alam ko na isang magaling na tao...

Agad kong pinaharurot ang motor ko.

………………………………………………...……………………………………………….

"Buti andiyo ka na, bat ang tagal mo?" Bungad kaagad sakin ni Ace

"Kinuha ko lang 'tong phone hinanap ko pa" sabi ko sa kanya sabay pakita ng phone.

"Ah akala ko naman may nangyari na sayo" sabi nya.

Agad naman akong humarap sa iba pa "okey na ba ang lahat?" Tanong ko sa kanila. Tumango naman sila "sige tara na..." Agad naman silang pumunta sa yacht papunta sa islang pag manay-ari ni Archie.

Kailangan na naming iligtas si Bea dahil nalaman namin na kasama ang lalaking iyon sa isang malaking sindikato na nagbebenta ng iligal na droga pati narin iligal na mga fire arms.

"Ice nakasagap ako ng signal mula sa isla ni Archie may gaganaping party doon sa makalawa at lahat ng mga kasosyo ni Archie sa kanyang negosyo ay imbetado..." Sabi ni Andrea sakin

"Gaano katagal tayo bago makarating sa isla ni Archie?" Tanong ko sa kanya. Lumapit naman si Jake samin.

"Walong oras ang byahe kaya kinabukasan nandun na tayo..." Cold nyang sagot sa aking tanong
"Sino sino ang nagpapaandar ng yatch?" Tanong ko sa kanila.

"Si Nico at si Mico" agad namang sagot sakin ni Ace na kasabay ni Jake na lumapit sakin.

"Oh sige salamat. Magpahinga muna kayo mahaba haba din ang magiging byahe natin…" agad naman silang tumango "Ah Andrea meron ka bang blueprint ng buong isla?" Tanong ko kay Andrea

"Ah oo meron kukunin ko lang…" sagot nya saka mabilis na hinanap ang blueprint na hinihingi ko sa kanya. Nung nahanap naman nya kaagad ay agad nyang ibinigay sakin.

"Ito… gusto mo bang tulungan ka namin?" Tanong ni Andrea sakin.

"Wag na magpahinga na lang kayo mahaba pa ang byahe kailangan may lakas tayo para sa gagawin natin" sagot ko naman sa kanya.

"Sigurado ka?" Tanong nya ulit. Tumango lang ako sa kanya.

"Oh sige magpapahinga na muna ako" sabi nya saka naglakad papunta sa isang kwarto sa yacht.

Ako naman sy pumunta sa sala ng yacht malaki kasi iyo kaya parang nagiging bahay na rin ito. Pagkapasok sa loob ay agad akong umulpo sa sofa ang inayos ang blueprint sa center table saka iyon pinag-aralang mabuti.

Arthur's POV.

(Nung umalis na si Ice/Queen sa hideout/bahay nya)

Mag-iingat ka…………… First…………

××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××

Sino kaya si Arthur? Bakit nya binabalaan si Ice/Queen? Kalaban ba sya o kakampi?

May bagong Character ano kaya magiging ganap nya sa istorya?

Oh my gosh nakapag UD na ulit ang saya saya ko para ngang tinamad na kong gawin 'to pero dahil naisip ko na sinimulan ko na 'to dapat tapusin ko rin.

Hehe sorry guys kung sobrangggggggggg tagal kong nakapag upadate pero ito na nga pinush ko na para sa inyo

Western HighOnde histórias criam vida. Descubra agora