IJHF: 36 (POV)

2K 31 0
                                    

Faulen's POV

****************

Tumingin ng masama ang lalaki kay Keniah. Napapikit si Keniah. Nakataas na ang kamay ng lalaki at akmang sasampalin na rin niya nang may pumigil sa sa kanya.....




Unti unting napamulat si Keniah nang mapagtanto niyang may humarang sa kanya.



"Try to hurt her, and I will hurt you better" seryosong sabi niya. Halos mapanganga kami kasi hindi namin inaasahan na darating siya. Halos maestatwa si Keniah sa pwesto niya.


Biglang nainis ang lalaki kaya umalis na siya palayo. Sumunod rin ang mga barkada niya.


"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya kay Keniah. Halos manlaki ang mga mata ko nang papalapit dito ang barkada niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Omygad papalapit silang lahat dito kasama si Zher. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.



"H-hmm I'm o-okay" nauutal na sagot ni Keniah kay Saeyo. Diretsong nakatingin si Saeyo kay Keniah kaya umiwas ng tingin si Keniah. Lumayo siya ng konti kay Saeyo. Halatang natataranta si Keniah.


Halos hindi na ako makagalaw nang makalapit na sila.


"What happened Amby?" tanong ni Zher sa kanya.


"Nothing kuya, we're okay" sagot lang ni Amby.


Tuluyan na akong di makagalaw nang mapatingin siya sa akin pati na rin ang barkada niya.


"Diba ikaw yung nakabunggo kay Zher noon?" tanong ni Laggy sa akin. Napatingin na rin sina Amby sa pwesto ko. Walang alam si Awwiel sa nangyayari kaya tahimik lang siyang nakikinig sa amin.



"Y-yah s-sorry" nauutal na sagot ko.



"Kilala mo sila?" tanong naman ni Hendy sa akin at tinuro sina Keniah. Napatango lang ako. Nakita ko kung paano sila napalunok. Nagpipigil naman ng tawa si Hendy.



"Seriously kaibigan nila Amby yan?" bulong ni Hendy sa barkada niya pero rinig na rinig ko. Mukhang narinig rin ata nila Amby kasi napatingin sila sa akin. Napangiti na lang ako sa kanila..... pilit. Bigla akong nanghina sa sinabi niya. Para bang may tumutusok sa puso ko.



Alam kong ayaw nila sa akin. Alam kong ayaw nila na maging kaibigan ko sila Amby. Sino ba naman kasi ang gugustuhing maging kaibigan ang isang tulad ko? Panget. Pati ba naman yon? Kokontra sila?



Bigla kaming natahimik lahat.



"I saw you and that guy kanina. Umakbay siya sayo" medyo naiinis na sabi ni Saeyo para basagin ang katahimikan. Bigla namang natauhan si Keniah at napatingin kay Saeyo.



"Nevermind that, ang importante ay tapos na" sagot niya sa kanya.



"Nevermind?! Eh halos bastusin ka na niya" naiinis na sigaw ni Saeyo. Nagulat naman si Keniah sa sigaw niya. Nakatingin kaming lahat sa kanila.



"E-eh ba't sumisigaw ka?!" inis rin na tanong ni Keniah sa kanya. May narealize ako, ang sweet nila kahit naiinis sila sa isa't isa.



"S-sorry... I'm just concern..." mahinang sagot ni Saeyo at napaiwas ng tingin.



"Umamin ka na kasi Saeyo" pang aasar ni Laggy at nagtawanan naman silang apat.



"A-anong a-aminin mo?" takang tanong ni Keniah kay Saeyo. Ang manhid ng babaeng to. Halatang may gusto si Saeyo sa kanya kaya lang hindi niya masabi sabi.




"Wala. By the way, punta kayo sa Green Club mamayang gabi" sambit ni Saeyo at saka nilagay ang kamay niya sa kanyang bulsa.



"Yahh" maikling sagot ni Keniah.



"By the way kuya, what brought you here?" tanong naman ni Amby kay Zher.



"We just wanna have fun" sagot naman niya sa kanya. Halos mapanganga na ako kakatingin sa kanya. Ba't ang cute niya magsalita? Ba't ang gwapo niya? Wahhh....



"Ah I see" napapatangong sambit naman ni Amby.



"By the way, we need to go" paalam ni Keniah.



"Okay. Take care" sagot ni Saeyo sa kanya. Napatango na lang ang iba pa niyang kasama.


Pagkalabas namin sa Tom's World. Napahinga ako nang malalim. Like oh my ghad. Halos hindi na ako makahinga doon kanina.



"Guyss...." tulalang sambit ni Awwiel.
Nagkatinginan kaming tatlo. Anyare sa babaeng to.


"Anyare sayo?" takang tanong ko sa kanya.



"Panaginip ba to?" tulala pa ring tanong niya.



"Ano panaginip ang pinagsasabi mo?" takang tanong na rin ni Keniah.



"This is not a dream" sagot naman ni Amby habang inaayos ang skirt niya.




"Sampalin o kurutin o batukan niyo nga ako" wala sa sariling sambit niya. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad ko siyang binatukan.





"Aray! Ba't mo ginawa yon?!" reklamo mo niya. Eh? Shunga shunga lang?




"You told it a while ago" natatawang sabi ni Amby sa kanya. Naglalakad kami ngayon. Papunta kami sa comfort room.




Biglang natauhan si Awwiel at nanlaki ang mata.




"Ahhhhhhhhh!!!" biglang sigaw niya. Kaya halos mapatalon kami sa gulat nila Amby at Keniah. Halos mapatingin ang lahat sa amin pero humingi na lang kami ng paumanhin.



Bigla kong hinampas si Awwiel sa braso at agad siyang napahawak dun.




"Ba't na naman?" tanong niya.




"Ba't ka sumigaw?!" tanong ko rin sa kanya.




"Like ommm-" sisigaw pa sana siya nang bigla kong hinawakan ang bibig niya.




"Hey! Why are you screaming?" kunoy noong tanong ni Amby sa kanya.




"Seriously?? Nakita ko ang Groove Brigade Band??" kinikilig na sambit niya. Napabuntong hininga naman kaming tatlo.




"Ay hindi hindi.. Picture lang sila.. Picture lang" pambabara ko sa kanya.




"Ehhhhh" sagot niya lang sa akin. Natawa na lang kami sa reaction niya.








I'm just his Fan (COMPLETED)Where stories live. Discover now