30

6.7K 125 7
                                    

IAN'S POV

"Cassandra, magdahan-dahan ka sa paglalakad, hindi naman tayo nagmamadali." Kahit hawak isang kamay ang asawa ay napakabilis pa rin nitong maglakad.

"Tsk! Mabagal ka lang talaga maglakad." Asik nito sa kanya habang palinga-linga dito sa loob ng mall.

Hinapit niya ito sa bewang upang di makapaglakad ng mabilis.

"Ano yan, bitiwan mo ako! Hindi ako makapaglakad ng maayos." Singhal nito kaya pinagtitinginan na sila ng isang nakakasalubong.

"Mabuti na itong ganito baka madulas o madapa ka sa pagmamadali." Hindi niya binitiwan ang asawa. "Kapag nagmatigas ka pa bubuhatin na lang kita kahit saan mo gusto pumunta, masiguro ko lang ang kaligtasan mo.''

"Wowww....ano yang mga pinagsasabi mo! Sige na nga, kung di ko lang gusto kumain ng ice cream sa Mcdo, hindi ako lalabas ng bahay."

Nakarating sila sa tinutukoy ng asawa at agad na umorder ng ice cream.

"Meron namang ice cream sa bahay, bakit dito pa sa Mcdo?" Usisa niya habang sarap na sarap sa kinakain.

"Malay ko dito sa anak mo! Kung bakit sa ganitong mumurahin ako gusto kumain ng ice cream." Pinunasan niya ng tissue ang gilid ng labi nito ng may kumalat dito.

"Hindi ka ba kakain, umorder ka kung ano ang gusto mo."

"Hindi na, Busog ako." Tanggi niya dahil kakatapos lang nila kumain ng tanghalian ng bigla itong magyayang lumabas.

Pagkatapos ng asawa kumain ng tatlong cup ng ice cream ay nagpasya silang lisanin ang lugar.

"Doon tayo sa babies section." Nagulat siya ng bigla na lamang siya hilahin nito sa isang kamay.

"Masyado pang maaga para bumili tayo ng mga gamit, malay mo babae ulit ang bahay natin, pwede na ang mga ginamit ni Cassidy." Bulong niya dito pero umirap lang ito sa kanya at ipinapatuloy ang ginagawa.

"Kukunin ko lahat ng nasa display, and this crib."

"Napakarami ng bibilhin mo bakit magkaibang klase?" Di mapigilang usisa niya.

"Since hindi natin alam ang gender, bibilhin ko ang para sa babae at lalaki."

Pinabayaan na lamang niya ang asawa sa gusto, dahil hindi rin naman ito mapipigilan.

"Ideliver ninyo sa addr na ibibigay ko."

Nakita niyang umabot sa fifty thousand ang binayaran ni Cassandra, halos lahat ng nasa display ay ipinakuha nito sa saleslady. Hindi na tinitingnan basta panlalaki at pambabae, lihim siyang nanghihinayang sa pera dahil alam niyang hindi magagamit ang karamihan sa binili ng asawa.

"Hey! Sabi ko umalis na tayo dito." Nakasimangot na sabi ng kasama at inilapit pa ang mukha sa kanya.

"Ha! Tara umuwi na tayo." Muli niya itong hinawakan sa bewang at naglakad palabas doon.

"Ano na naman ang gagawin natin dito? Mapapagod ka baka makasama sa baby, mahigpit na ibinilin ng doctor, bawal ka mapagod."

"Narito na tayo sa mall, anong gusto mo bumalik pa tayo bukas?" Pinandilatan siya nito.

"Ikuha mo siya ng iba't- ibang kulay nito at design, and this, saka iyong mga pants at six pocket." Walang tigil na pagbibigay nito ng instruction sa dalawang saleslady na di magkamayaw sa pagkuha sa bawat damit na ituro ng asawa. "Bilisan ninyo ang kilos, nagmamadali kami."

Wala lalo siyang nagawa ng bilhin ni Cassandra ang mga mamahaling damit para sa kanya.

"Nang magmukha ka namang tao." Bulong nito sa kanya ng pilitin siya nitong sulatin ang isang polo shirt at maong pants. Kung maraming binili ang asawa para sa magiging anak nila ay gayon din ang damit na para sa kanya at kinailangan ulit  ipadeliver nito.

"Hindi mo na dapat ako binilhan ng mga damit, may naisusuot pa ako." Mahinahong paliwanag niya sa asawa habang papalabas sila ng mall.

"Tumawag ka ng taxi, hindi ko nadala ang cellphone ko para makontak ang Grab." Inis na utos nito dahil sa sinabi niya. "Mag- aral ka kasi magdrive, para hindi ako nahihirapan, ayokong magtaxi sa susunod."

____

"What are you doing here Deo?" Taas ang kilay na siya nj Cassandra ng maabutang nakikipaglaro sa anak nila ang manager sa may sala.

"Masama na bang bisitahin ka, lalo itong cute baby na ito." Pinupog nito ng halik ang kanilang anak.

"Wag ako Del, alam ko ang likaw ng bituka mo! What is it? Money? Naghihirap ka na ba dahil nagpahinga ulit ako?" Inalalayan niya itong makaupo sa sopa.

"Ay, grave ka madam ang harsh mo sa akin ha."

"Sabihin mo na Davideo!" Inip na sabi ng asawa.

"Gretchin pakikuha ng tubig si Cassandra." UTO's niya sa katulong na nakatayo sa likuran ni Deo.

"Opo sir Ian."

"Ahm madam, nagkasakit si Zian-"

"Nagpunta ka dito para sabihin sakin iyan! I don't care, mamatay man sa sakit ang model mo."

"Cassandra ang baby natin wag kang magalit, patapusin mo muna si Deo." Pagpapakalma niya dito at bahagyang hinimas ang medyo maumbok nitong tiyan.

"Madam, pwede ko bang hiramin si fafa Ian?" Atubiling tanong nito.

Gusto niyang sumabat sa usapan pero pinigilan niya ang sarili.

"Para ano, maging kapalit ni Zian? Kaya ka biglang sumulpot dito! My answer is no."

"Madam, pumayag ka na, fafa Ian nakikiusap ako malapit na ang fashion show at kulang ako ng isang model. Hindi ko na kanyang humanap agad ng ibang model, kaya ikaw ang naisip ko." Sa kanya na nakatingin at nakikiusap si Deo.

"Ha? Wala akong alam sa modelling at saka mahiyain ako, pasensya na." Magalang niyang pagtanggi.

"See, that's why my answer is no! Dahil wala siyang alam, humanap ka na lang ng iba." Cassandra

"Mam Cassandra ito po ang tubig ninyo."

Agad niyang kinuha ang isang basong tubig mula sa katulong at ipinainom sa asawang bugnutin. Alam naman nitong bawal siya mastress, minsan maliit na bagay nagagalit kaagad kagaya ngayon.

my INNOCENT MAN #watty2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon