Chapter 26: Carnival of Feelings

11.1K 612 160
                                    

(This chapter has been revised and updated - 2/12/24)


Trigger Warning:

This chapter contains disturbing language and scenes.


My heart raced as I realized who he was. I nearly fainted. Sa lahat ng tao sa mundo, siya na yata ang pinakahuling gugustuhin kong makakita sa'kin sa sitwasyon ko ngayon. Ayokong makita niya 'ko sa ganitong kalagayan.

Nakapako lang sa kaniya ang mga mata ko, hindi ko na iniintindi ang paligid. Wala na 'kong pakialam sa mga ginagawa ng iba, basta ang alam ko, nasa harapan ko ngayon si Jump.

Nakita niya rin ako, I'm sure. Pero hindi niya 'ko pinansin. Para bang hindi niya 'ko kilala.

"Me first." Vince smirked. Sumampa na siya sa kama at lumapit sa'min. Nagyakap kami ni Rona nang mas mahigpit. Narinig kong tumawa si Vince at hinawakan niya ang pisngi ni Rona.

"Hahaha! Bakit ka umiiyak? Akala ko ba sanay ka na sa mga ganito? Hindi ba nagtatrabaho ka sa isang club?"

Sininghalan siya ni Rona. "Walanghiya ka, Vince! Kahit sa club ako nagtratrabaho, may pahintulot ng babae ang bawat kilos doon. Marangal at may respeto. Hindi ganito! Hayop ka!"

Nakatingin pa rin ako kay Jump. Bakit wala man lang siyang ginagawa? Nakatayo lang siya doon at nakahawak sa videocam. Tumingin siya sa'kin at nagtama ang mga paningin namin. Nangungusap ang mga mata ko sa kaniya na tulungan kami, pero binalik niya lang ulit 'yong mata niya sa videocam.

Shit. Ano'ng meron kay Jump? Bakit ayaw niyang kumilos?

This is insane. Just fucking insane.

I want to disappear.

I . . .

Everything faded to black. But my eyes were wide open. It took me a second before I realized that Jump threw the videocam towards the light switch.

Napasigaw ang mga kasamahan niya. "Fuck! Wala akong makita!"

Ilang sandali lang, naramdaman kong may bumuhat sa'kin.

***

"Where the hell did they go?"

"Nakatakas sila!"

"Asar! Ang bilis nila!"

After almost a minute, na-realize ko na kung nasa'n ako. Wala kami sa labas ng kwarto, nasa loob pa rin kami. Nasa ilalim kami ng kama—si Rona, si Jump, at ako. Nakadapa kaming tatlo. Tinatakpan ng dalawang kamay ni Jump ang mga bibig namin ni Rona.

"Tara! Habulin natin sila! Tiyak hindi pa nakakalayo ang mga 'yon!" Tumakbo na sina Vince at mga kaibigan niya paalis ng kwarto at narinig namin ang paglaho ng mga yabag nila.

Pagkatapos ng ilang segundo, binitawan na ni Jump ang mga bibig namin. "Let's go out. I think it's safe already."

Nang makalabas at makatayo na kami nang maayos ay nagsalita na ako. "Jump! Bakit kasama mo sila? Ano'ng—"

"Ako ang dapat nagtatanong niyan. Mga Crossed Bones sila. Bakit niyo—" He sighed. "Never mind. What matters now is that you're both safe . . ."

Crossed Bones? Kung malasin nga naman. Kriminal at miyembro ng sindikato pala ang naging boyfriend ni Rona.

Inakbayan ko ang nanginginig pa na si Rona, hinihimas ang kaniyang balikat para pakalmahin siya. "Let's go now. Tumakas na tayo rito."

Jump didn't agree and said something different. "The two of you should go already. Pero ako, mag-stay lang ako."

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon