Lakbay Pilipino

12 0 0
                                    


Ang ating pagkakaisa'y tumibay,
Nang sabay-sabay,
Tayong naglakbay,
Kasama ang sumusubaybay;

Ngayong tayo'y malaya na,
Ganoon pa rin ba?
Sana'y ating maalala,
Na tayo'y nagkaisa;

Ang lakbay Pilipino,
Hindi sumasama kahit kani-kanino,
Subalit kung saan-saan napapatungo,
Kaya't nagkalat ang kanilang mga bungo;

Ang kokote'y lumipad,
Kaya't kung saan-saan napadpad,
Kanilang pagkatao'y nagtadtad,
Huling sikat ng araw nang sila'y binabad.


➖➖➖MoonWrights➖➖➖
You can Idolize but never Patronize.
It's okay to be whitewashed,
but never be brainwashed.

Her PoetryWhere stories live. Discover now