300 years

119 1 2
                                    


Minsan sa daang madilim,
Akalain mong ika'y nag-iisa,
Ngunit nagkakamali ka,
Sapagkat nandyan lamang siya.

Buti na lang nandiyan siya't
Sinakripisyo ang lahat.
Bawat salita Niya'y,
Tayo'y magpasalamat.

Pagmamahal sa kapwa,
Mahirap bang magawa?
Pare-pareho tayong nilikha,
Yan ang dapat ipamukha.

Huwag tayong makalimot,
Sa mga salitang Kanyang dulot,
At sana maramdaman ng puso,
Ang hindi nakikita ng mga mata.

Walang taong dapat tapakan,
Dito sa mundong sinilangan.
Ang isipan ay lawakan,
Yan ang dapat tandaan.

Huwag manakit' magmalupit,
Kung ikaw ay ginigipit,
At ng dahil lang sa inggit,
Dahil sarili natin ang ating ginugupit.

Kagaya Niya, Tayo'y pinatalikod sa ating bandila,
At pinagmalupitan ng mga kastila.
Walang ginawang mali ang panginoong Hesus,
Ngunit minaliit at pinako sa krus.

Kailangan pa bang magsakripisyo,
Para makita ang pag-ibig?
Malalaman mo lang bandang huli,
At tsaka mo lang mamahaling muli.

Kailangan pa ba nilang pagbayaran,
Kailangan pa ba nating lumaban,
O mahalin na lamang sila't pabayaan,
At sila'y ating pagbigyan?

➖➖➖MOON WRIGHTS➖➖➖

Her PoetryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang