Doormat

27 0 0
                                    


Floor mat, doormat o kung ano man ang tawag,
Madalas ko lang madinig ang salitang 'wag,
Ang relasyon natin ay biglang nagluwag,
Ang masasabi ko lang ay isa kang duwag.

Ilang beses ng nagdahilan,
Ngunit nauwi pa rin sa kalokohan,
Sinungaling pa rin kahit kailan,
Kailan nga ba magigising sa katotohanan?

Ang sapatos mong kay rumi,
Alam kong you will just flee,
One day you'll just leave me,
Dahil apat ang paa is what I can see.

Hindi ako isang basahan,
Na labas't pasok ka sa aking tahanan,
Na pwedeng apakan ng maramihan,
Dahil ako'y isang taong pang-isahan.

➖➖➖MOON WRIGHTS➖➖➖

Her PoetryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ