aretanaB

1.9K 67 42
                                    

"Miss den? Nawawala yung puso ko, pakicheck naman oh baka nasa bulsa mo" Banat niya sabay ngiti ng napakalawak

"Oh? ganun nalang ba kaliit ang puso mo para magkasya sa bulsa ko?" Mataray na ganti ni Den sa taong araw-araw siyang binibwisit ng mga banat nito

"Hahahahahahahahahahaha! Woah! Buuuurn! Grabe ka talaga besh! Idol talaga kita. hahahaha!" Si Ella na panay ang tawa sa banatera

Tanging tawa at kutya lang ang maririnig sa buong BEG kung saan sila nag-eensayo for their Volleyball game

Kapwa varsities ng Volleyball at heto sila nagkukulitan on their break

"Alam mo Aly, malala ka na. di ka pa ba titigil sa kababanat mo kay Den? Ning isa nga wala man lang siyang nagustuhan. Hahaha" Ella

"Alam mo Ells, para mo naring sinabing sumuko na ako in pursuing Dennise. Nah, not gonna happen! Ang isang katulad niya ay worth it ang paghihintay at paghihirap" Sagot ni Alyssa sabay kindat kay Dennise. Irap lang naman ang ganti nito

"Eh ate Ly, may suitor na yan eh. and Maybe sila na nga, May laban ka pa ba ha? Tapos panay date pa silang dalawa." Gatong ni Bea. Puro tango naman ang iba nilang teamates

Ang totoo nian, unang beses pa lamang nakita ni Alyssa si Den ay nabighani na agad siya rito. Hindi rin siya naging malihim sa kanyang nararamdaman kaya naman, nagtapat agad ito at pursigidong niligawan si Den

Noong una ay ayaw ni Den dahil hindi naman raw siya pumapatol sa kapwa niya babae. At dahil may nanliligaw na nga sakanya na gusto rin naman niya. At yun ay si LA.

Pero dahil mapilit si Alyssa at hindi maman maawat. Ay hinayaan nalang nito na ipagpatuloy ang panliligaw ng huli

Walang mintis na magpapadala ng blue roses si Alyssa, breakfast, lunch and even dinner if she could. Chocolates, serenade, lahat na ata ng paraang panliligaw ay nagawa na ni Alyssa.

Nagawa niya ito ng halos dalawang taon na. OO dalawang taon na ito nanliligaw. Pero wala talagang gusto si Dennise. Mas matigas pa sa bato ang kanyang puso.

Ganunpaman, hindi nawalan ng pag-asa si Alyssa. Nagpatuloy lang siya sa kanyang ginagawa kahit alam nitong nagkakamabutihan na si LA at si Den.

Ang akala naman ng lahat ay magnobyo na sila LA at dennise pero parang walang narinig si Alyssa at nagpatuloy ito sa panliligaw

Sa araw-araw na panliligaw nito ay hindi siya nauubusan ng Banat. Kaya naman, rinding-rindi na na ang huli

Kaya heto silang muli, tinutulungang mapahinto si Aly sa panliligaw kay den dahil alam nilang sobrang sakit kay Alyssa ang mga naririnig sa paligid tungkol kay Den at LA. Gusto nilang tumigil na si Alyssa para hindi na ito masaktan, kahit pa nakikita nilang mahal na mahal nito si Dennise. Alam ng lahat na walang pag-asa si Alyssa kahit anong gawin nito.

Pero kay alyssa? Alam niya ang punto ng kanyang teamates. Pero wala siyang pakialam. Susuyuin niya pa rin si Den hanggang sa ito'y mapansin kahit sobrang sakit na.

Ngunit nang dahil sa nasabi ni Bea ay nakaramdam nanaman ito ng kirot sa kanyang puso. Oo aware siya sa mga nangyayari sa kanyang paligid lalong-lalo na sa buhay ni Dennise and that includes HER ultimate Competitor which is LA.

Alyssa didnt talk and turned her back for the very first time! Realizations again were hunting her. Kaya naiiyak nanaman siya.

Don't fucking fall tears! Not now. Alyssa said to herself.

Nagulat ang lahat. Maskin si Dennise ay nagulat. First time itong nagawa ni Alyssa sa dalawang taong panliligaw sa kanya with all those discouragement from their teamates.

AD's still SailingWhere stories live. Discover now