Kabanata XXI

1.2K 45 13
                                    

Warning! I don't proof read.

For 5 years pilit kong binubura sa isipan ko ang mga nangyari sa Manila. I was hurt and sick. Isang taon akong hirap huminga ni hindi ako makatakbo o makagalaw ng maayos. Lagi akong naka wheel chair kung lalabas kami ng bahay. Alam konh desisyon ko ito na mawala na lang na parang bula. Sino ba naman kasi ako para sumingit pa sa buhay niya. Sino ba naman para magmakaawa sa pagmamahal niya.

Dinala ako ng mga paa ko sa side ng isla na nakatira ang mga locals dito. Nakayakap ako sa sarili ko at parang tangang nakatingin sa dagat.

"Manong mangingisda po kayo?" Tanong ko sa isang matanda na nag aayos ng lambat niya.

"Opo ma'am." Sagot niya at pinagpatuloy ang pag aayos ng lambat.

"Pwede ho ba akong sumama sa inyo?"

"Naku ma'am baka po hanapin kayo sa inyo niyang siguradong gagabihin tayo"

"Sige na ho" pagpupumilit ko.

Tiningnan niya pa ako ng seryoso bago niya suoting ang sumbrero at itulak ang bangka.

"O siya sumakay ka na ma'am at eto po sumbrero saka payo mamaya po ay buksan niyo ito nang hindi maarawan ang humapdi ang balat niyo" aniya.

Ngumiti ako at agad na sumakay sa bangka nakita ko doon ang mga net, lalagyan ng isda.

Umuga ang bangka ng makalayo kami ng pangpang. Tinulak niya ito gamit ang isang malaking kawayan. Kita ko ang kulobot sa katawan ng matandang mangingisda pano niya kaya nakakaya ang araw araw na ganito. Hindi ba ay dapat ang mga anak niya na ang kumakayod para sa kaniya.

When the engine started ay agad kong hinawakan ang sumbrero ko. Mabilis na umandar ang bangka papalayo sa isla.

Habang sinasalubong namin ang kalmadong alon ng dagat ay naalala ko kung gaano nag alala ang mga magulang ko. Kung paano umiyak si Mommy tuwing nag aagaw buhay ako, at kung paano matulala si Daddy habang nakatitig sa hinang hina kong mukha.

Napapikit ako nang maramdaman ang hangin na sa aking pisngi.

Nang tumigil ang bangka ay binato ng matanda ang net sa dagat. I stared at his thin body kulubot na ito dala ng katandaan. Bakit kaya nag iisa siya sa pangingisda hindi ba ay dapat tinutulungan siya ng kaniyang mga anak. I saw how his face glow when he see his net na puno ng mga isda.

I wonder kung mahirap lang kami. Kung simple lang araw araw ang buhay namin. Iyong tinatawanan lang ang problema sa buhay.

"Uhm.. kuya tulungan ko na ho kayo" tumayo ako para lapitan ang matanda na hirap na hirap sa pag angat ng kaniyang net.

"Ay nako ma'am wag na ho nakakahiya naman po" aniya pero lumapit pa rin ako at hinatak ang net gaya niya.

"Okay lang ho manong. Hindi niyo naman po siguro ako sisingilin sa pagsakay ko dito diba?" Pagjojoked ko at buti naman ay napatawa ko si Manong.

"Eh ma'am maraming salamat po. Siguradong mabubusog nito ang mga apo ko" hinatak naming dalawa ang net. Pinagpawisan ako at hiningal si manong.

"Ganun ho ba. Ilang taon na po ba sila" tanong ko.

"Si Ben na anak ng una kong anak ay nasa 8 na samantalang si Ana naman po na ate niya ay 13. Kami na lang kasi ng asawa ko ang nagtataguyod para makain kami sa araw araw. Iniwan na kasi sila ng mga anak ko samin." Kita ko ang paglungkot ng mata nito.

Lumubog na ang araw kaya nagpasya na kaming bumalik sa isla. Napuno ang tatlong balde na dala ni manong kaya tuwang tuwa ito habang papabalik kami.

Sa pangpang pa lang ay aninag ko na ang dalawang bata at isang matandang babae na kumakaway saamin. Kumaway pabalik si manong siguro ay yun na ang apo at asawa niya.

Nang tumigil ang bangka ay tinulungan ko si Manong Lucio na magbaba ng timba. Sinalubong siya ng yakap ng asawa niya at pati na rin ang mga apo niya. Siguro ay nag aalala sila dito dahil mahina na ang katawan nito para mangisda.

It reminded me that there are bigger problems out there.... Na akong nabuhay sa luho at perang pinaghirapan nila Mommy ay dapat nagiging thankful sa buhay. Na kahit may sakit akong ganito ay nabibigyan ako ng tamang gamot. Na the problem of my heart isn't problem at all.

Nagpaalam na ako kay Manong Lucio nagpasalamat ako sa pagpapasakay niya saakin sa bangka niya. Inimbitahan niya pa ako sa kanila pero tumanggi ako. Nangako ako na bibisitahin sila ng mga apo at asawa niya sa kanila.

Masaya akong naglakad papuntang villa. Marami akong napagtanto sa mga sandali na iyon. Marami akong natutunan at narealize.

Nang papalapit na sa villa ay nakita ko ang tumpok ng mga staff namin at gwardiya. Nahagip ng mata ko si Bea na mugto ang mata at si Jobert na inaalo si bea. Andoon din si Badj na kinakausap ang isang manager habang may kausap sa telepono.

Dahan dahan akong lumapit kayla Bea. Napatingin siya saakin at nanlaki ang mata.

"Shit naman SUNNY!" umiiyak niyang takbo saakin at yinakap ako ng mahigpit. Napatingi na saamin sila Badj at Jobert.

"What happen? Bakit ka umiiyak?" Takang tanong ko.

"Lechuggas ka! San ka ba nagpupunta!" Nagulat ako ng biglang akong paghahampasin ni Bea.

Tumakbo ako papunta kay Badj.

Tumili ako at tumawa dahil nadapa si Bea.

"Shit wahahahahahahaha" tawa ko.

"Langya! Magtutuos tayo bukas SUNSHINE!" sigaw niya dahil binitbit na siya ni Jobert papasok sa villa nila.

"We are so worried saan ka ba nagpunta?"tanong nito.

"Wala naglakad lakad" ngumiti ako.

Bumuntong hininga siya at ginulo ang buhok ko.

"Okay, magpahinga ka na. Don't forget to drink your meds Sunny" paalala niya. Sumaludo ako at humagikgik ng tawa.

"Yes sir! Bye bye!" Pumasok ako ng villa at agad na nagshower at nagpalit ng damit. Paglabas ko ng shower ay may pagkain at nakahanda na ang limang gamot na iinumin.

Napabuntong hininga ako at mabilis na kumain sabay ininom ang gamot ko. Humiga ako sa kama at nanood ng nakakatawa na show sa t.v.

I yawned and look at the clock beside me.
It's almost 12 oclock at mabibigat na rin ang mga mata ko. Pikit mata kong pinatay ang t.v sabay balot ng comforter sa katawan ko.

Bago pa ako hatakin ng pagtulog ay narinig ko pa ang pagbukas ng pinto. Pilit kong binubukas ang mata ko. Naramdaman ko na lang ang dahan dahan na paghaplos sa buhok ko kaya lalo akong inantok.

"Aking sinta.. ikaw na ang tahanan at mundo..
Sa pagbalik.. mananatili na sa piling mo..
Mundo'y magiging ikaw.."

I painly smiled. How I miss his voice.

If this is just a dream. Ayoko nang magising pa.









A/N: Hi Guys! Thank you for those peeps who always leave a message here and in my inbox. Sobrang nakakataba ng puso 😍💗

DON'TFORGET TO COMMENT AND VOTE 😄

Xoxo 😗

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now