Kabanata XVII

1.2K 41 8
                                    

It's almost 7pm ng nagdesisyon akong tumayo sa maliit kong kama sa office. Hindi ko nanaman nainom ang gamot ko sa tamang oras. Dahan dahan kong sinuklay ang buhok ko at lumabas ng office.

Naglakad ako papuntang Serene ang tawag sa buffet restaurant namin dito sa resort.

"Good Evening Ms. Sunshine" bati saakin ng isa sa mga waiter.

Medyo madami ang tao kaya pinili ko na kumain sa sulok. Nilibot ko ang mata ko at nahagip nito agad ang pinsan ko.

"Badj!" Sigaw ko kaya napalingon siya sa pwesto ko.

"Uy my beautiful cousin!" Ngumisi siya at umupo sa harap ko.

"Kumain ka na?" Tanong ko.

"Hindi pa eh. Libre mo ko? Bigatin ka na kaya!" Napailang ako nagtawag ng waiter.

"Sila Unique kumain na rin? Papuntahin mo na sila dito. My treat" tinuro ko ang mga kilalang putahe na pinagmamalaki ng Serene.

"You sure? Kasama nila si Blaster?" Nag aalinlangan nitong sabi.

"I'm super sure Badj. Besides it's been 5 years noh. We really need to be civil with each other" kita ko ang pagbuntong hininga niya.

I am serious when i said we really need to be civil. I don't know kung hanggang saan na lang ang kaya ng paghinga ko. Kaya gusto kong ayusin ang mga maling nagawa ko dati.

Luminawanag ang mata ko ng makita sila Zild.

"Oh! Here they are! Nikoiii!!" Tawag ko.

"Hi, Ms. Sunshine!" napakamot pa ito sa ulo.
"Uy masyado ka namang pormal. Sunny lang" I chuckled.

Nginitian ko rin si Zild at tango lang ang naisagot niya. He's always cold miminsan ko lang siya nakikitaan ng emosyon.

Napatingin ako sa katabi niya. We locked our gazes and i swear ito ata ang pinakamatagal na sandali ng buhay ko. Nangangapa ako kung ano ang sasabihin pero mas mabuting itikom ko na lang ang bibig ko at pinutol ang pakikipagtitigan.

"Ah hehe upo kayo. Sagot ko na pala ang dinner niyo. Pasensya na kanina madami kasi akong ginagawa ni hindi ko na kayo naasikaso" agad na salita ko.

"Okay lang Sunny alam naman namin na busy ka mahirap kaya magpatakbo ng Resort!" Sabi ni Unique.

Nagsimula na kaming kumain. Sasandok na sana ako pininyahang manok pero napatigil ako ng makita ang dami ng pinya na nakalagay dito. I really hate pineapple, I don't get it hindi naman sila masarap pero lagi silang sinasama sa mga putaheng kagaya nito. Kausapin ko kaya ang crew na bawas bawasan ang pineapple dito sa Serene.

"Sunny, hindi ka na ba babalik ng Manila? I-I mean diba may company rin dun ang Daddy mo?" Nagkatinginan kami ni Badj. Should I tell them? Ito na ba ang tamang oras?

"I can't Unique. Hindi ko pwedeng iwan itong resort." Matamlay akong ngumiti.

Bumalik ang tingin ko sa pininyahang manok dahil natatakam talaga ako yung pinya lang naman talaga ang pumipigil saakin. Pero laking gulat ng makitang kunti na lang ang naroon at natira ay nasa gilid na lahat.

Napatingin agad ako kay Ter pababa sa plato niya. Gusto kong tawanan ang sarili ko sa naiisip. It's not time to reminisce the past Sunshine. Hindi na ito kagaya noon na alam niyang ayaw mo ng pineapple kaya siya ang kumakain nito.

Hindi ko na muli binaling ang tingin ko sa kaniya. Takot na baka traydurin ako ng puso ko dahil nasa harap ko siya. I am really bothered by his presence kahit naman noon na halos manginig ang kalamnan ko tuwing titigan niya ako. Siguro nga ay na giguilty lang ako. Sino ba naman kasing matino ang bigla na lang mawawala ng parang bula. Ano parang sa mga storya lang na nasaktan yung babae kaya nagpakalayo layo.

Kakaisip sa mga nangyayari ay hindi ko na namalayan na tapos na pala kaming kumain.

"Badj, text me na lang if there's anything you need. Or mag a-assign na lang ako ng bellboy or staff para sa inyo." Alok ko dito.

Nalukot ang mukha ni Badj na para bang may sinabi akong mali. I mouthed "What?". Napatingin ako kay Ter at halos mapaatras ako sa lamig ng tingin niya saakin.

"Uhm.. una na ko? Hope you enjoy here in my Resort" ngumiti ako at nagmamadaling naglakad papalabas ng resto. Halos takbuhin ko na ang villa namin na nasa gilid lang ng resort.

Tumunog ang phone kaya napatingin ako doon.

Badj:
Sunny, Ter is fuming mad. Don't give him answer kung maging matanong siya. Umiwas ka muna. I don't think you can handle him.

Me:
Okay I understand. Bakit siya nagalit? Did i do wrong?

Nilapag ko muna ang cellphone ko at nagshower. I jumped into my purple night gown manipis lang ito at komportable kapag sinusuot. Sinilip ko agad ang phone ko para tingnan ang reply ni Badj.

Badj:
Hindi ko ma explain dito. Let's talk tomorrow pupuntahan na lang kita sa office mo. Matulog ka na hindi ka pwedeng mapuyat.

Napahiga ako sa kama ko at kinapa ang tibok ng puso ko. Napangiti ako ng mapait.
Limang taon at araw araw pinapaniwala ko ang sarili ko na okay lang.. na lilipas rin siguro.

Kahit pala anong gawin ko hinding hindi ko makokontrol ang laro ng tadhana. Hindi ako makakatakas sa lahat ng saya, pagmamahal at sakit. Kungbaga sa math, given na ang mga ito. At wala tayong magagawa kundi maghanap ng tamang computation para lumabas ang tamang sagot.


A/N: Sorry for the late lame update. Dinadama ko pa kasi yung graduation day namin kahapon. At tawang tawa ako 😂😂 muntik na ko makatulog habang nagspeech yung guest 😂😂😂

Don't forget to leave comment and vote. 😍😚💖
XOXO

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now