Kabanata V

1.5K 62 10
                                    

Buong gabi akong umiyak kaya naman namaga ang mata ko kinabukasan.

"Morning My.." umupo ako at nagsimulang kumain.

"Sunshine bakit namamaga ang eyes mo? Did you cry all night?" Umayos ako ng upo at umiling. Nakalimutan kong mag aalala pala sila Dad at My pag nakita nila akong ganito.

Stupid Sunshine!

Buong breakfast ay kinulit ako ni My kung anong problema pero panay lang ang tanggi ko. Bakit ba naman kasi magkakagusto na lang ako sa lalaking yun pa! Grabe! Nakakaloka dapat kung gusto mo gusto ka din eh! Para naman patas! Para walang nasasaktan, para walang narereject ng luhaan.

Pero ang punto ko dito ay hindi yun! How can he accused me of flirting with Unique.

"Uy Sunny! Angyare sa eyes mo day? Ano dumrama ka kagabi" napairap ako sa baklang katabi ko.

"Jobert shut up or tatahiin ko yang bibig mo" banta ko.

"Ay brutal!!! Hahaha sige na nga sasagap muna ako ng balita. May magpe perform daw mamayang mga banda sa field. Bye araw!" Walangyang bakla toh nagawa pa kong asarin.

"May magpe perform daw mamayang mga banda sa field.."

"May magpe perform daw mamayang mga banda.."

"May magpe perform daw.."

Banda? Magpeperform mamaya?

I froze for a moment.

Nanginginig kong kinuha ang phone ko full charged naman toh pero pinatay ko kasi dahil sa sobrang pagkabadtrip ko kagabi. Nang nagopen ay agad akong pumunta sa inbox ko. Unique wag ka sanang magdilang demons at talagang pumunta kayo dito sa school para maghanap ng chicks!

"Sunshine kitakits sa school mo next week! Pakilala mo ko sa mga chicks!"

Nabitawan ko ang phone ko. Holy macaroons!

Pano na? Siguradong huhuntingin ako ni Badjao! Bwisit naman oh! Napahawak ako sa ulo ko. Nakakastressed!

Think Sunshine! Hindi kayo pwedeng magkita! Tama na ang dalawang rejection Hindi naman ako manhid noh nasasaktan din ako!

Nabangag ata ako kakaisip para magtago sa kanila kaya Hindi ko na namalayan na dalawang subject na pala ang lumipas.

"Arawwwww!" At isa pa tong baklang toh dadagdag pa sa problema ko.

"Tara sa canteen! I'm so hungry na kaya saka kahit nabusog na Ang mata ko sa mga banda na gwapo hindi pa rin yung enough noh!" Sabay angkla niya sa braso ko.

"Jobert tigil tigilan mo ko sa kalandiaan mo ha? At baka putulin ko yang tinatago mong antena hmp!" mataray kong banta.

"Araw naman eh! Napakabrutal mo talaga. Samahan mo na lang kasi ako sa canteen malay mo andun yung gwapo mga nagbabanda!" He squealed at napairap ako ng husto.

"Ayoko nga pupunta akong library!" Kinalas ko ang kamay ko sa braso niya. Ugh! Kairitang baklang toh!

"No no no araw! Pupunta tayong canteen."

Kaya ang tema namin ay naghatakan kaming dalawa papasok sa Canteen. At nasabi ko bang hindi hatak ang ginawa niya kundi kinaladkad niya ko papasok ng canteen!

Naupo kami sa isang mesa sa dulo. Hindi ako pwedeng makita ni Badj dahil siguradong pagtitripan niya nanaman ako saka kasama nila si Damuho! Naalibadbaran ako sa mukha niya ngayon baka masapak ko siya.

"Ako na oorder bakla mukhang may dalaw ka ano bang gusto mo?"

"Kahit ano basta hindi lason" bored kong sagot sabay buklat ng libro ko.

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now