Kabanata XV

1.1K 43 24
                                    

I woked up feeling dizzy. Napapikit ako sa sakit ng ulo.

"Argh" angil ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa hindi kilalang kwarto saka ko lamang napansin ang oxygen mask na tumutulong sa paghinga ko ng maayos. Bumukas agad ang pinto at iniluwa sila Badj, Mommy at Daddy.

"Jusko! Princess your finally awake!" Kita ko ang malalaking eye bags ni Mommy sa mata. Napatingin ako kay Daddy at kita ko ang pag ginhawa ng mukha niya. Ilang araw na ba akong tulog?

"Mom ano pong nangyari?" Tanong ko dahil ang huling pagkakaalala ko lang ay kung paano sumikip ang dibdib ko at paghahabol ko ng hangin para huminga.

Dumating ang doctor at agad na tumabi sila Mommy at Daddy. He do some test to check my breathing tinanong niya rin ako i feel dizzy.

"Mommy gusto ko na pong umuwi. Ayoko na dito" pagod akong tumingin sa kanila.

"Sorry princess but you can't" humagulgol bigla si Mommy at agad naman siyang inalo ni Daddy. Napatingin ako kay Badj na malungkot din ang mga matang nakatingin saakin.

"I'm sorry princess kung sana ay inilagaan lang kita ng mabuti ay hindi magkakaganito." Niyakap niya ako ng mahigpit. Gulong gulo akong napatingin kayla Dad. Ano bang nangyayari?

"Doc please explain to my daughter." Hirap na sinabi ni Daddy.

"Sunshine we're sorry to say that you have Chronic obstructive pulmonary disease it has no cure and it may result to Respiratory Cancer. " kumunot ang noo dahil wala akong maintindihan sa sinasabi ni Doc.

"Kadalasan itong nakukuha kung may history ng ganitong sakit ang family niyo. And according to your mother isa nga sa mga kamag anak niyo sa side niya ang meron nito. COPD will cause chest tightness and you will always experience shortness of breath." Natulala ako sa mga sinabi ni Doc.

"Malilimitahan na ang galaw mo ngayon Sunshine. Hindi ka pwede sa maraming tao. You are not allowed to go sa mga lugar na mausok hindi ka rin pwedeng mapagod. Hindi ka pwedeng makaramdam ng pagkagulat o extreme emotion. You can normally live your life but not here in Manila. I'll suggest that wag ka munang manatili dito"

Hindi pa naman ako mamatay pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Muling sumikip ang dibdib at bumigat ang paghinga ko.

"Sunshine! Doc!" Naghihisterya na si Mommy dahil sa mga daing ko.

"Mommy.. mommy.." pilit kong salita habang hinahabol ang paghinga. Hindi ko na rin namalayan ang pagtulo ng luha ko.

"Sunny calm down okay? Calm down" nag aalalang sabi ni Badj kita ko rin ang takot sa mga mata niya. Pinahiga ako ni Doc at may ginalaw sa mga makina sa tabi ko.

Pumikit ako at mahigpit na humawak sa kamay ni Mommy. Sinunod ko ang ginagawa ni Doc kaya muling bumalik sa normal ang paghinga ko.

"I'm sorry anak. I'm sorry." Hagulgol ni Mommy sa tabi ko. Lumapit saamin si Dad at yinakap kami ng mahigpit.

Tumingin ako kay Badj at nanghihina na ngumiti.

May ilang ginawang test pa ang Doctor at ng nurse saakin. May mga tinurok sila at pina inom ng gamot. Umuwi muna sila Dad at Mom para magpalit ng damit at kumuha na rin ng para saakin. Tanging si Badj lang ang naiwan dito sa tabi ko.

"Badj.." medyo pabulong kong tawag dahil sa nahihirapan pa rin akong huminga.

"Sunny don't push yourself to speak okay? Mas lalo kang mahihirapang huminga." Nag aalala nito sabi ko.

"w-wag mong s-sasabihin sa k-kanila" pilit kong salita. Kita ko ang pagkunot ng mata niya.

"Sige, ayokong itanong ang dahilan pero alam kong bibigyan mo rin ng sagot ang mga tanong ko sa tamang panahon." Ngumiti ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Kahit minsan ay madalas kaming magbangayan at mag asaran. I know na pag ganitong mga oras ay nagiging Kuya ko siya. He always stand up for me.

Napahawak ako sa puso ko ng naalala ang nangyari ng araw na yun. I know who is that girl sa buhay ni Ter. At sigurado akong walang sinumang babae ang makakapantay sa kaniya. Actually ay nandito rin siya sa Hospital na ito. Lyza is suffering from stage 4 cancer, kababata ito ni Ter ito nga ang first love niya kwento sa akin ng kaniyang ama. Matagal ko ng nakausap ang ama ni Ter dahil gusto kong malaman kung bakit sila magkagalit nito. Pero ako ata ang nasopresa sa mga sinabi saakin ng ama niya. Si Lyza ang una at huling mamahalin Ter siya ang dahilan kung bakit ito tumutugtog ng iba't ibang instrumento. Nakiusap ito saakin na sana ay layuan ko si Ter dahil nawawalan na siya ng oras para kay Lyza. Naiintindihan ko iyon dahil sino ba ako para magdamot sa taong hindi na rin magtatagal sa dito. Alam kong tuwing tatawag ang pangalang Lyza sa phone ay maaring nag aagaw buhay ay dalaga.

Ayokong dumating sa punto na mamili saamin si Blaster. Kaya ako na ang magdedesisyon. Ako na ang magpaparaya. I will let him go.

Nang ika isang buwan ko ay bumalik na sa dati ang katawan ko. Natatangal ko na ang oxygen mask pero dapat ay ginagamit ko pa rin ito kahit papaano.

"You sure your okay na princess?" Ngumiti ako kay Daddy at tumango. Ginulo niya ang buhok ko at binuhat ako pasakay ng wheel chair.

Hindi nagbanggit si Badj tungkol kayla Ter. Paminsan minsan ay naririnig ko siyang may katawagan na sa telepono. Alam kong kinukulit siya nila kung anong nangyari saakin pero hiniling ko kay Badj na wala sanang makaalam. Hindi naman ako ganun nagtagal sa samahan nila... siguradong mabilis din nilang makakalimutan ang pangalan ko.

Marami akong natutunan nitong nagdaang isang buwan. Na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko. Na it will never be enough. Na may mga bagay na hindi para saakin ngayon.
Na dapat ay may limitasyon ang lahat.

"Sunshine" ngiting ngiting banggit ni Badj saakin.

"Kuya" sagot ko at yinakap siya ng mahigpit.

"Kayong magpinsan parang nung nakaraan lang ay nagbabangayan kayo. Ngayon naman halos ayaw niyo ng mawalay sa isa't isa" puna ni Tita.

"Ma, kahit brutal tong babae na to eh siyempre nag iisa natin tong prinsesa." Iling iling na sagot ni Badj.

We're heading back to Cebu dahil hindi healthy ang pananatili ko dito sa Manila. Masyadong maraming usok at mga tao. Pero aaminin ko na gusto rin takasan ang mga tao na nakilala ko dito. Naalala ko pa kung bakit halos malagutan ako ng hininga noon kakaiyak. Naalala ko pa kung pano naging mas masakit ang puso ko kaysa dibdib kong nauubusan ng hangin.

Naalala ko pa lahat ng sakit.

At yun ang gusto kong takasan.

Muli kaming niyakap ng pamilya ni Badj alam kong mamimiss nila kami kahit mahigit dalawang taon lang ang nilagi namin dito. I mouthed thank you to Badj because I know that pwedeng magkalamat ang pagkakaibigan nila dahil saakin.

Siguro nga itong sakit ko na to ang magpapaalala saakin bawat paghinga ko ay dapat may magagawa akong makakapagpasaya sa mga taong mahal ko. Tama lang na magising tayo sa realidad na hindi puro saya lang ang buhay. Na Life doesn’t always introduce you to the people you want to meet but sometimes life puts you in touch with the people you need to meet – to help you, to hurt you, to leave you, to love you, and to gradually strengthen you into the person you were meant to become.

Huling beses kong sinulyapan ang lugar kung saan ko unang natutunan magmahal.

At kung saan ko rin siguro naiwan ang puso kong sugatan.



A/N: Hi guys di ko alam kung bakit emosyonal din ako ng binabasa kong ito

Anyway please don't forget to leave a comment and vote ♠️♥️
XOXO

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now