Chapter 39: Deal Is Over

Magsimula sa umpisa
                                    

Inakbayan ko ang kaibigan ko and clapped her on the back "Thank you so much, beshie" sabi ko

Naglakad na kami papunta sa KTV kung saan kami usually na nagpupunta magkakaibigan kapag nandito kami sa mall at walang magawa. Bukod sa volleyball, kung mayroon man kaming napagkakasunduan pa na isang bagay ng mga kaibigan ko yun ay ang pagkanta. We all love to sing since we're gifted with a golden voice; atleast according to our family, hahaha! "Ano nga pala yung sasabihin mo sa'min? Siguro naman sasabihin mo na ngayon noh?" Trina asked as we waited for the attendant na ibigay ang susi nung KTV room na io-occupy namin. Hindi ko muna siya sinagot dahil abala ako sa pagtetext na kay Blaise.

"Yes, I will tell you later. Order na rin tayo ng foods. Pizza and chicken please" sabi ko na sinunod naman nila.

When we have settled everything pumasok na kami sa room. Gail and Trina started browsing for songs right away habang ako palinga-linga sa phone ko every five seconds just in case na may text na si Blaise. Sabi niya kasi sunduin ko siya sa labas nitong KTV pagdating niya.

"Hoy, Ari ano ba?! Magpasok ka na ng kanta!" Trina snapped at me pero umiling ako.

"Mamaya na may hinihintay pa ako" I said. Sakto naman na nag vibrate ang phone ko. I almost jumped off my seat when I read na nasa labas na si Blaise.

Walang sabi-sabi na tumayo ako at lumabas. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa matanaw ko na si Blaise who's still wearing his uniform.

Mas gwapo pala siya sa malapitan, damn it! His mullet is feeding his glory.

"Hey.." he said at napahawak sa buhok niya. That's what it all took me before I throw my arms around his neck at halikan siya.

"Stop being so conscious of your hair. Ang gwapo mo kaya" I whispered cause it just puts me off that he looks unsure of himself when in reality he looks so perfect.

He smiled sheepishly at pinagdikit ang mga noo namin "Oh, I miss you so much" he whispered back. I pouted my lips.

"Magkasama lang tayo kagabi di ba? You're being weird" I said

He tsked "Can you blame me? Syempre magkalayo tayo, hindi ko alam ang mga nangyayari sa'yo. May pagka basagulera ka pa naman"

At that kinirot ko siya sa tagiliran. Natawa ako dahil ang cute ng reaction niya nang masaktan siya. Though bumawi rin naman ako through kissing him.

"Let's go. My friends are dying to know about us" sabi ko at niyaya na siya.

Pagpasok namin automatic na napatingin sa'min ang mga kaibigan ko. Napahinto si Gail sa pagkanta.

"Hey mga beshies.. It's Blaise. My boyfriend" I started. They both rolled their eyes.

"Alam na namin. You both have a deal right?" Trina asked disinterestedly.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Blaise na natatawa. I then curled my arms around his neck and gave him a quick kiss on the lips.

Like what I expected their eyes widened and their jaw dropped. Gusto ko sila asarin but I ended up just laughing at them.

"Wait.. wait nga.. What's the meaning of this? The deal is over and your relationship is real?" Gail asked still in shock.

Blaise put his hand around my waist "Obviously" he said

Nagkatinginan yung dalawa and when maybe they have processed what we have revealed, sabay silang tumili. Napatakbo pa ako sa kanila para ipatay ang mic dahil nakasigaw doon si Gail.

"Hoy tama na" sabi ko sa kanila. Nung hindi pa rin sila humihinto kumuha ako ng fried chicken at nilagay sa mga bibig nila. Nakonsensya pa ako dahil nabulunan si Gail dahil doon. Pinainom naman siya ni Blaise ng tubig then waited for them to calm down.

Kissed by Fire (Fire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon