CHAPTER 24

11 1 0
                                    

Eunice's POV

Hindi pa ako nakarating sa classroom eh dinambahan na kaagad ako nila Daphne ng yakap. Halos matumba na nga kami eh!

"Hoy, ano ba! Ang bibigat nyo naman! Para kayong mga malalaking biik!" Singhal ko sa kanila na natatawa.

"Teka, may biik bang malalaki? Diba, maliliit pa yan?" Tangang tanong naman ni Claire.

Nagtawanan nalang kami sa sinabi nya. Binatukan naman sya ni Jellah. Pero totoo naman kasi talaga yung sinabi nya, yung mukha lang nya yung punagtawanan namin. Malaking Epic!

"Uy, Eunice. Sorry talaga kanina ah. Hindi ko naman sinasadya iyon" maluha-luhang sabi ni Daphne.

"Okay lang yun! Ano ba kayo, para namang hindi nyo ako kilala" nakangiti kong sabi at tsaka yinakap ulit sila. Namiss ko kaya silang mayakap.

Nagtawana lang kami ulit dahil nagbiruan na naman sina Jellah at Claire.

Ang bilis namin magkabati, diba? Ganyan talaga pag-totoong kaibigan ang turing sainyo sa isa't-isa.

"Basta tatandaan mo na andito lang kami palagi sa iyo" sabi ni Bea.

Tumango lang ako sa kanila kasi napagod din pala ako kanina sa clinic.

"Tara na, pasok na tayo" yaya ko sa kanila. Tumango naman sila at sabay sabay kaming pumunta sa mga upuan namin.

Nagusapusap lang kami dahil wala namang dumating na teacher.

"Ah, guys? Asan pala si Marco?"tanong bigla ni Bea at palinga-linga pa sa paligid na para bang hinahanap si Marco.

"Ayiiieee..." insar namin sya kaya ayun, napahiya tuloy. Hahahahaa......

"Ah, nandoon pa sa clinic. Sumakit daw kasi ang ulo nya pagdating namin duon kaya pinauna na nya ako dito kasi sya na lang daw ang bahala sa sarili nya. Tapos namumula pa sya. Weird right?" Tanong ko sa kanila.

Alam kong may iba pang nakikinig ng palihim sa amin. Ayoko lang aminin kasi baka nag-aassume na naman ako.

"Ahhh...so magkasama kayo kanina?" Tanon ni Jellah.

"Ah, oo. Pinuntahan nya ako doon sa rooftop." Sabi ko at tinignan sila ng mariin.

Napapansin ko kasing nagkatinginan silang lima.

Hmmmm...mukhang may pinaplano ang mga gagang ito.......

"Ahhh......." sabay sabay na tango nila tapos ngumisi.

Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa amin. At dahil sa katahimikan, agaw pansin kaagad ang nakakabinging tunog ng arm chair na inuupan ni......basta! Alam nyo na!

Tapos umalis sya ng room na nakayuko at parang ang lamya lamya. Sinundan naman sya ng mga barkada nya na nakayuko din na para bang kina-copycut ang gestures ni Gab.

Oooppssss.....spell AWKWARD!

"GUYS!" Sabay kaming napatalon ng biglang sumigaw si Claire.

Ayan tuloy, nakatanggap sya ng sapak kay Jellah at Daphne.

"Ano ba! Papatayin mo ba kami sa gulat?"sabi ni Jellah na nakahawak pa sa kanyang dibdib.

"Ay, hehehe...sorry" naka-peace sign nyang sabi.

"Busy ba kayo ngayong sabado?" Tanong ni Bea sa amin.

"Hindi naman"

"Hindi" sagot namin.

"Good. Kasi baka gusto nyong pumasyal tayo sa perya malapit sa amin? " excited nyang tanon kaya nahawa tuloy kami at naexcite na rin.

"Sige! Sige! " masigla naming sabi.

"Okay sige. Pero mga 3 or 4 pm na tayo pumasok doon kasi hindi na masyadong mainit sa oras na iyon." Sabi pa nya.

"Sige. Pero pwede bang magsama ako? Wag kayong mag-alala, ako naman ang babayad sa kanya" tanong ni Rod.

"Okay lang" sagot naman ni Bea.

"Ay! Ako rin, magsasama ako!" Sabi naman ni Jellah.

Sumunod na rin ang iba kaya siguro mga lampas 10 kaming pupunta ng perya.

Napagkasunduan rin namin na sa bahay nalang nila Bea ang meeting place namin.

----------------------

Uwian time na kaya heto ako ngayon at naglalakad papuntang bahay namin. Alangan naman sa bahay ng iba diba?

Habang naglalakad ako, may nakakasabay akong mga ka-batchmates ko na naguusap. At hindi naman sa pagiging chesmosa, malalakas lang talaga ang mga boses nila kaya rinig na rinig ko ang usapan nila.

Sina Jevame at Roxanne. Actually, classmates sila ni Christine.

"Hoy, girl! Excited ka na ba bukas?" Tanong ni Jevame.

"Of course, excited na excited! First time ko kayang pupunta sa perya. Wala kasi akong kasamang maglakwatsa kaya hindi ako pinapayagan" saagot naman ni Roxanne.

"Well, wag ka nang mag-alala dahil may kasama ka na, girl! Hindi lang ako, pati na sina Christine at ang mga kaibigan nya!" Nagpintig bigla ang tenga ko dahil sa sinabi nyang yun.

Excited na excited talaga sila, ah.

Mukhang may hindi magandang mangyayari bukas dahil merong mga epal ang sasalo sa amin.

Pero baka naman malaki ang perya na iyon at bakamhindi kami magkakita-kita. Pero hindi ko rin alam ang mangyayari bukas kaya baka nga magkitakita kami bukas.

Hayssss...ano na naman kayang mangyayari bukas? Sana naman hindi na tungkol sa akin......o sa kanya.



A Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now