CHAPTER 18

22 2 0
                                    

Eunice's POV

"Okay lang yan"

"Kayanin mo Eunice"

"Mas better kapa kesa sa kanya"

"Boto kami sa iyo, Eunice"

"Mas malaki pa ang pwet kesa sa kanya, kaya boto ako sayo Eunice" seryosong sabi ni Jaypee. Natawa naman ang nakarinig nun. Walangya talaga to!

"Jellah, sapakin mo nga tong asawa mo! Inaaway ako eh...." Sabi ko kay Jellah. Mukha namang nagustuhan nya ang sinabi ko kaya sinunod nya.

"Aray! Aray! Ano ba! My wife tumigil ka na nga!" Natatawang sabi ni Jaypee.

Natigilan naman ako ng naaalala ko kung sino ang tumatawag sa akin ng 'my wife'. Si Gab. Aisshhh........erase..dapat hindi ko na sya iniisip pa. May kasalanan sya sa akin.

"Alam mo, wag kang mag-alala kasi mas maganda ka kay Chrisitine, Eunice" nakangiting sabi ni Kara.

Ilang libong taon na rin itong hindi nagparamandam sa amin.

"Oy Kara, buhay ka pa pala?" Tanong ni Daphne.

"Ay, hindi hindi." Nambara pa!

"Tse!"

Nagtawanan lang kami hanggang sa biglang tumahimik. Bumukas ang pintuan at inuluwa nito si Gab na nakapamulsa at poker face na nakatingin sa amin.

"Ah-ah. Gab, andito ka na pala" awkward na sabi ni Rey.

Alam na talaga nila lahat ng nangyari. Nanghihinayang talaga ako sa pinagsamahan namin.

"Uhmm, pwede ba tayong mag-usap?" Sabi ko. Nagtinginan naman ang mga kaklase ko.

"Mamaya nalang. May klase pa tayo oh" cold nyang sabi. Agad namang nagbulungan ang mga tao dito.

Nanghihina ako sa tinuntungo nya sa akin. Hindi naman sya ganito noon. Hindi naman nya tinatanggihan ang mga alok ko. Hindi naman sya cold sa akin.

"H-ha? Please...kahit ngayon lang. Sandali lang naman eh" sabi ko pa.

Siguro kon meron mang nakakita sa akin na hindi alam ang nangyari, tinatawanan na siguro ako ngayon. Para na akong timang dito. Biruin mo, ang magandang dilag na katulad ko eh parang disperadang nagmamakaawa sa isang lalaking two-timer.

"Mamaya na nga." Cold nya paring sabi. Walang gumagalaw sa kanila. Nakatingin lang sila sa amin. Naghihintay kung ano ang susunod na gagawin.

"Per---"

"Ano ba! Ang kulit mo! Sinabi nang mamaya nalang! Ang desperada mo naman!" Galit na sigaw nya sa akin. Showering pa nga sya eh. Yung laway nya tumatalsik sa mukha ko pero hindi ko na inireklamo iyon.

Hindi ko namalayan pero may tumulo na palang butil ng luha sa mata ko. At dahil doon, agad akong inilayo ng mga kaibigan ko.

Hinagod ni Daphne ang likuran ko. Hinawakan naman nina Claire at Rod ang mukha. Nasa braso ko naman sina Jellah at Bea.

"Guyysss...tulungan nyo ako" naiiyak kong sambit sa kanila.

"Wag kang mag-alala, tutulungan ka namin." Nakangiting sabi ni Bea.

Tinitignan lang ako ng mga kaklase ako. Alam kong naawa rin sila sa akin pero wala silang magagawa.

"Saan nyo ko dadalhin?" Nanghihina kong tanong sa kanila.

"Sa lugar kung saan makakapaghinga ka ng maayos" sabi naman ni Rod.

"Okay..." nang palabas na kami sa pintuan, huminto muna ako ng kunti at tinignan si Gab sa huling pagkakataon.

Nagulat ako ng nakatingin rin pala sya sa akin. Naawa ba sya? Nagui-guilty ba sya? Hindi ko alam.

"Wag mo syang tignan, Eunice." Sabi ni Bea.

Nginitian ko lang sya. Hindi ko alam kong namamalikmata lang ba ako o totoo ba talaga yung nakita ko pero nasagip pa ng mga mata ko ang sinambit nya pero wala namang boses...

Para bang sinadya nya iyon para ako lang talaga ang makahahalata. Nakayuko lang ang mga kaklase ko na para ban hindi nila gust ang mangyayari.

Ang salitang nagpaiyak sa akin lalo.

'My Wife'

-------------********------

Third Person's POV

Habang papalabas ang magkakaibigan, nakatingin naman si Marco sa kanila. Nakatingin sya sa babaeng iyak ng iyak dahil sa nangyari.

Hindi nya namalayan pero nakuyom na pala nya ang kamao nya. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya pero nakaramdam sya ng sakit, galit at lungkot

Sakit, dahil sa nakikita nyang kahihitnan ni Eunice. Galit, dahil sa ginawa ni Gab sa kanya. At lungkot, dahil wala man lang syang magawa para pagaanin ang nararamdaman ni Eunice.

Nakatingin lang sya kay Eunice hanggang sa inamin na nya ang katotohanang may gusto na sya sa babaeng tinititigan nya ngayon.











A Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now