CHAPTER 12

27 3 0
                                    

Eunice's POV

"Hoy....pansinin mo na daw si Gab, sabi ng mga boys sa kabilang van."


"Oo nga. Malapit na daw'ng umiyak eh" sabi nina Rod at Jellah.


"Hay naku....nagpapansin lang yan" sabi naman ni Daphne.


"Kaya nga! Ang bobo nito?" Binatukan naman sya ni Claire.


"Tumigil na nga kayo!" Sita ko sa kanila. Buti naman at masunurin sila ngayon.


"Eh may plano ka bang pansinin sya?"


"Oo naman no. Maghintay nga kayo. Hindi ko naman matitiis ang isang yun no!"


Pabebe ako eh.....hahaha...


"Mag-ready na kayo. Malapit na tayo" sigaw ni Bea sa unahan. Sya kasi ang mag-le-lead ng way sa van namin mga babae.


Kanina pa nakaabot doon ang mga boys. Syempre, sa pangunguna ni Gab.


Pagkarating namin doon, namangha talaga kami sa sobrang ganda. Feeling ko nga, eto na ang pinakamagandang tanawin ang nakita ko.


"Wow....ang ganda naman" yan ang halos komento naming mga girls.


"True."


"Teka, asan na pala ang boys?" Tanong ko.


"Bakit? Hinahanap mo na si Gab?" Nang-aasar na tanong ni Daphne.


"Ano ka ba. Tigilan nyo na nga ako."


"Ahh...eto na pala sila." Sabi ni Angelica.


"Hi, girls" malanding sabi ng mga boys.


"Hi, boys" kaya...malandi ring sabi ng mga girls. Hahahahaha....


"Meron na ba tayong hapunan, Gab?" Tanong ni Bea sa kanya.


"Ahh..oo, meron na. Ilagay nyo na lang muna yung mga bag nyo sa kwarto nyo. Maximum of 6 persons ang kada kwarto namin dito. Kayo na ang bahalang magdivide. Tapos pagkatapos nun ay dumiretso na kayo sa dining area. Mayroon nang reserved seats doon. Hintahin nyo nalang ako doon, pupuntahan ko pa si Papa sa office nya. So, bye" ang haba.........ng sinabi nya.


Tumingin muna sya sa akin. Ngumiti naman sya kaya ngumiti din ako sa kanya. Ewan ko, hindi ko lang talaga sya matiis eh. I like him so much kaya.


Yuckkkss.....nagiging konyo na ako.


"Okay" sagot namin sa kanya. Sinunod naman namin ang sinabi nya.


"Girls, alam na" makahulugang sabi ni Jellah. Nagsitanguan naman kami at nagracing kung sino ang unang makakapunta sa kwarto namin.


"Asan tayo?" Tanong ko.


"Sa pinakahulihan tayo para..............masaya" letse! Iba na ang meaning nun ah! Bwisit din tong si Rod eh!


Hindi na talaga kami mga inosente.


(Fast Forward)

"Ano ba! Bilisan nyo naman!" Sigaw na naman ni Rod.


"Oo na! Nandyan na!"


"Ano ba! Kanina pa yan ah!" Sabi naman ni Claire.


Lumabas na ako ng room kasi nag-uusok na ang mga ilong ng mga kaibigan ko.


"Ano bang ginawa mo sa room at ang tagal mo namang lumabas?" Tanong ni Bea.


"Secret" sabi ko tapos nagwink sa kanila.


"Hay naku! Tara na nga! Kanina pa tawag ng tawag si Ambrose sa akin. Nilalamok na daw sila doon" sabi ni Claire.


"Ayiiiieeee...." parang may namamagitan sa dalawang ito.


"Hoy, hoy, hoy. Tigilan nyo ako. Hindi ako si Eunice! Tsaka, ngayon lang sya nagtext sa akin no!" Pangangatwiran nya pa.


"Sus....tara na nga. Hinhintay na kasi tayo ni Ambrose." Iniba namin ang tono ng boses namin pagkasabi namin sa pangalan ni Ambrose.


"Aisss.....ang kulit nyo" naiinis na sabi nya pero nakita ko pang medyo namumula sya. Asar na asar na ito panigurado.


Pagkarating namin doon ay agad naghiyawan ang mga kaklase ko.


"Hay, salamat"


"Buti naman at naisipan nyo pang pumunta dito"


"Baka naman, nagswimming muna kayo bago pumunta dito"


Sari-saring panlalait ang iginawad nila sa amin. Walangya talaga tong mga to.


Tumawa nalang kami sa mga sinasabi nila. Siguradong wala pa tong mga kain, obvious naman eh. Gutom na gutom na talaga ito panigurado.


"Ano ba....halina kayo. Gutom na gutom na kami oh." Patay gutom talaga tong si Lawrence. Bakla yan.


"Oo na." Natatawa naming sagot sa kanya.


Habang kumakain kami ay nararamdaman ko ang dalawang pares ng mata na nakatingin sa akin. Alam kong si Gab yung isa, pero ang pinagtataka ko ay hindi ko alam kung kanino yung isang pang pares ng mata.


Tumataas ang balahibo ko dahil sa paninitig nya aj. Mukhang naramdaman ni Daphne ang pagiging medyo balisa ko. Sya kasi ang katabi ko.


"Eun, are you okay?" Nag-aalalang tanong nya.


"Yeah" bumuntong hininga nalang ako.


"So, ano palang gagawin natin mamaya?" Tanong ni Bea.


"Night Swimming" suhestiyon ni Christian. Bakla din sya. Actually maraming bakla sa section namin. Haha.


"Ay, wag. Yun iba na lang. Yung nakakarelax kasi kakagaling lang natin sa bahay tapos ligo agad. Bukas na muna yan" lodi Bea. Ang talino mo talaga.


Sumang-ayon naman kami sa kanya.


"Ano nalang kaya kung mag-bonfire tayo?" Suhestiyon ni Rod.


"Pwede na rin"


"Oo nga. Yun na lang" saad ng nakakarami. Mukhang may gagawin na kami mamaya.


Pero feeling ko, may hindi magandang mangyayari mamaya. Sana hindi......sana.


















A Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now