C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 23

Start from the beginning
                                    

"Don't make me mad again." Napapaos niyang bulong.

Napapikit ako nang dampian niya ng mababaw na halik ang aking labi.

Hindi niya pa rin talaga maamin na nag-aalala siya, ano? 'Mad' pa ang term na ginamit. It should be 'don't make me worry again'.

"Let's take a shower?"

Nanlaki ang mga mata ko!!!

What the hell?

Nag-iinit ang pisngi ko habang kinakagat ko ang pangibabang labi ko. Nakakahiya!

He chuckled softly..

"Joke."

Pinamulahan ako ng pisngi!!!

"J-Jokes are meant to be funny..." Nauutal kong sinabi.

"Maybe it isn't funny because it wasn't a really a joke." He said sarcastically! Mocking me!

Iyon ang sinabi ko sa kanya noon. Ugh.

Nginusuan ko siya at inirapan.

"Rest now. I have to take care of some things." Malamig niyang sinabi.

"Mm..the vase? And Romualdo's money?" Natigil siya sa pag-angat.

Natuptop ako nang muli siyang bumalik sa kanyang pwestong kumukulong sa akin.

"You know why I killed him?"

Kumunot ang noo ko. Medyo napapaisip ako. Bakit nga ba niya pinapatay ang lahat? Talaga bang sasabihin na niya ang rason?!

Mabilis akong umiling.

Ngumisi siya.

"I killed him because I didn't like the way he touched you."

Nakagat ko ang labi ko nang talikuran niya ako. That's not really the answer, is it?

Bumangon ako nang tuluyang nakalabas si Ice ng kwarto. Dumiretcho ako sa banyo upang mag-babad sa kanyang tub at mag-isip.

I can still feel him down there..

We did it again..

Should I call it making love? Now that we did it for the second time?

Napabuntong hininga ako at mas lalong nilublob ang sarili sa tubig, iniiwan lang na nakalabas ang ilong. What am I doing?

I don't really know but what I know right now is I don't regret anything. I..I wanted to give myself to him... All of him.

Isang oras ang tinagal ko sa banyo. Nang masuot ang kanyang puting tshirt at boxer shorts ay bumalik ako sa banyo para patuyuin ang aking buhok gamit ang blower.

Natulala ako sa aking leeg sa harap ng salamin. Tinigil ko ang pag-bblower at nilabas ang kwintas na bigay ni Ice mula sa pag-kakatago nito sa ilalim ng aking shirt.

Hinaplos ko ang pendant nito bago nagpatuloy sa pag-bblower.

Would Danilo be happy for me? If I finally admit that I am falling for...my enemy? What would he say if he sees me happy after those long years of grievances? I know he would understand. . . I hope he understands. Even if I, myself, couldn't fathom why this happened.

Addicted to Love YouWhere stories live. Discover now