C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 23

4.2K 123 40
                                    


Without Me

I was just silent the whole time habang pauwi na kami ni Ice. Wala lang talaga akong masabi...

Bakit ba sa tuwing nag-aaway kami ay laging nauuwi sa ganito?!

Hindi maalis sa isip ko ang mga mata niya. The way he looked at me...it was different. I felt something from it and it wasn't coldness anymore.

Sa kakaisip noon ay hindi ko na namalayang pinarada na pala niya ang Corvette sa tapat ng bahay.

"Don't move." Utos niya bago bumaba ng kotse.

Napakurap-kurap ako habang pinapanuod siyang bumaba at umikot palapit sa pwesto ko. Pinag-buksan niya ako ng pinto at napasinghap ako nang buhatin niya ako palabas ng kotse.

"I-Ice..w-what are you..-"

"I got your dress ripped. Stop talking."

Napanguso ako at isinukbit nalang ang mga kamay sa kanyang batok.

"M-Master, nasa basement na po ang vase." Sambit ng isa niyang tauhan.

"Good, I'll check it later."

Binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib dahil panay ang silip ng mga tauhan niya sakin.

"S-Sige po, Master."

Nag-patuloy sa pag-lalakad si Ice papasok sa bahay ngunit nang makarinig ako ng halakhak sa bulwagan ay agad akong napapikit nang mariin.

That was Cloud's laugh!

"Woah, look who we have here.. Ice! Sino yan?" Mas napakapit ako kay Ice nang marinig ang tanong ni Cloud.

Dikit na dikit na yata ang mukha ko sa kanya.

Mabuti nalang talaga at malakas ang pagiging suplado niya...hindi siya tumigil para kausapin si Cloud. (Na may kasama yatang babae dahil naririnig ko rin ang hagikhikan nila)

"Hey Ice!" Sigaw pa ni Cloud ngunit nakahakbang na si Ice sa hagdan paakyat.

"Ice! I-Is that...Luna?" Sigaw pa ni Cloud hanggang sa tuluyan na namin siyang hindi narinig.

Napabuntong hininga ako nang makalagpas sa kanyang pinsan.

Pinagbuksan muli si Ice ng kanyang tauhan para sa pag-pasok niya sa kanyang opisina. Gusto ko na nga sana magpababa kaso nga lang ayoko nang makipagtalo sa kanya.

Naalala ko noong nakipagtalo ako sa kanya tungkol dito...ako lagi ang talo.

Buhat niya pa rin ako hanggang sa makapasok kami sa kwarto at ilang sandali pa ay nilapag na niya ako sa kama.

Makakahinga na sana ako ngunit habang nakahiga ako ay tinuko niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid ko.

Agad akong kinabahan. Hinayaan ko naman siyang buhatin ako ah?!

"U-Um.." Nauutal kong sinabi kahit wala naman akong masabi.

Tinitigan niya ako. Napalunok ako dahil doon.

Addicted to Love YouKde žijí příběhy. Začni objevovat