CHAPTER 80 - The Trickster's Trick (part 1)

Start from the beginning
                                    

Again, I grinned wickedly. With the information the Takehashi have, for sure, sabik na sabik na ang mga iyon na sugudin ang Red Dragons para mangalap pa ng mas marami pang impormasyon sa kinalalagyan ko ngayon. Too bad, lifeless Red Dragons na ang maaabutan nila doon at malamang sila pa ang mapagbintangan sa madugong pangyayari.

Muling tumunog ang telepono sa mesa ko at agad ko naman iyong sinagot.

“Sir, the doctor is here already.”

“Let her in.” sagot ko sa kanya. Maya maya lang ay bumukas na ang pinto ng opisina at pumasok doon ang isang tauhan ko kasama na ang doctor. Maganda ang ngiti niya sa akin habang papalapit. Matipid ko naman din siyang ginantihan ng ngiti.

Lumapit siya sa kinalalagyan ko at sinimulan nang tignan ang kalagayan ko. She’s not wearing her lab gown today, instead isang mapang akit na damit ang suot niya. Tss. Desperadang doktora. Ramdam ko din sa bawat haplos niya sa akin ang konting pang lalandi. Seriously, she’s trying to seduce me and too bad it’s not working.

Tanging patungkol lang sa kalagayan ko ang sinasagot ko sa mga tanong niya. I didn’t even show any reaction sa mga panglalandi niya sa akin. Matapos niyang palitan ang benda sa katawan ko ay nakabusangot siyang lumabas ng opisina ko. Tss, the hell I care. She’s no one compare to Kiyomiko. Napangiti nalang ako matapos sumagi sa isip ko si Kiyomiko, isang mapait na ngiti. I have everything an average guy would want. Money, power, I have everything except for one, the person I love. And the saddest part is, she hated me to core.

 

 

RAVEN’s

 

Matapos naming mailigtas si Ryuu mula sa mga kumidnap sa kanya at makakuha ng mga mahahalagang impormasyon ay agad na din kaming bumalik sa main house. Mabilis naming natapos ang misyon na ito at hindi ako mapalagay. Pakiramdam ko ay may mali.

Tahimik lang akong nag iisip hanggang sa makabalik kami sa main house. Hindi na ako pinansin nila Martin dahil lagi naman akong tahimik pero si Kisune at Yujia ay kanina pa tingin ng tingin sa akin na para bang binabasa ang iniisip ko. Walang emosyon ko nalang na ibinabalik ang mga tingin sa kanila. Nakakailang na panay ang tingin nila sa akin. Kung hindi ko sila kilala malamang iisipin kong bakla tong mga to. Tsk.

“Raven, see me in my office after twenty.” Napalingon ako sa taong nagsalita sa gilid ko, si Kuya Kyohei pala. Panigurado may napansin na din siyang kakaiba sa mga pangyayari.

Muli kong inilibot ang paningin ko, at muling nahuling nakatingin si Yujia at Kisune na nakatingin sa akin.

KIYOMIKO’s

 

“After all that happened, I decided to pull you out of the mission in taking down the Yaban Jin Clan, specially, annihilating Hitomi Takishima. You are emotionally unqualified for the mission. And as your father, I don’t want you to suffer more.”

Hindi pa din maalis sa isip ko ang huling sinabi ni dad bago niya ako tuluyang hinayaang mapag isa sa kwarto ko. Desidido akong suwayin sya ngayon kahit na alam kong malaking kaparusahan ang katubas noon, handa ako.

Gamit ang telepono na nakapatong sa ibabaw ng mesa malapit sa hinihigaan ko, ay tinawagan ko si Kei. Kailangan ko ang telepono nya para makausap ko si Nanjiro ng hindi masyadong kahinahinala.

Ilang sandali pa, pasimpleng pumasok si Kei sa kwarto ko at iniabot ang telepono niya. Kinamusta niya lang ako saglit at maya maya’y lumabas na din. Paglabas niya ay dali dali kong tinawagan si Nanjiro.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now