Chapter 18: Will You Hate Me Again?

157 5 1
                                    

* * *

Chapter 18: Will you hate me again?

Bugbog-sarado ang katawan ko sa practice para sa cheerdance competition ng Star Troupe next week.

Time out muna namin ngayon kaya naupo muna ako sa bleachers at hinagilap ang bag ko na nakatambak doon. Sa pagkalkal ko ng mga bags, may tumambad na Gatorade mula sa ilalim at may nakadikit na note doon.



Don't touch. For my, Summer.


Wala sa sariling kinuha ko ang energy drink at nilagay sa tabi. I continued looking for my tumbler. Nang mahanap ko iyon ay agad binuksan.


Papainom na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang Gatorade na gusto kong itapon sa basurahan. I know, Calix is the one sending me those.


Siya naman ang rason kung bakit ako nagpapakapagod ng husto ngayon. Kung bakit gusto ko na lang magpakuha sa mga aliens o kaya'y mabagok ang ulo at magka amnesia.



Tinitigan ko ng maigi ang Gatorade. Why do you even have to exist? Why are you distracting my mind every damn day?



Napapitlag ako nang bigla na lang may bumuhos na tubig sa ulo ko.


"What the!" Napatayo ako at nakita ang nakangising bitch sa harap ko.



"Let's talk." At taas noo siyang nawala sa paningin ko.



Nagbulungan ang mga members ng Star Troupe. I clenched my fist. Pinigilan ko ang pagkulo ng dugo ko.



I got my sports towel while heading to her direction. Napadpad kami sa girl's locker room. Napaawang ang bibig ko nang isang tingin niya lang ay nagsialisan na ang mga babaeng athletes na nandito.



What kind of power does an Elizalde has?


"Nagaksaya ka ng tubig. You can text me if you wanted a talk." Matapang kong turan sakanya.



The bitch wickedly laugh. Shit. She's really an epitome of a bad girl. A good to no one.


"Well, kailangan na kailangan mo 'yan. At nang matanggal 'yang germs sa katawan mo! But I guess it's not enough. Kailangan mong ilublob sa malaking drum at hindi na kita papaahunin pa." Dire-diresto niyang sinabi.



"Why do you hate me so much, Tanya?"


She crossed her arms and looked at me intently. "Kasi peste ka sa pamilya ko. Sa buong angkan ng Elizalde. I want you to die. I want you to disappear."



"Paano kung ayoko? I'm an Elizalde and will die as it is." Mabilis na lumanding ang kamay niya sa pisngi ko. Nagitla ako at sinapo ang bahaging sinampal niya.


I threw a glare at her. The most I could give. Ganuon din siya, nagtagisan kami ng mga titig.


"Leave. My. Family! Leave. Calix. Alone!" Umawang ang bibig ko nang makitang basa na ng luha ang mga mata niya.


"B-Bakit-" I always see her tough side. Hindi ko akalaing iiyak siya ngayon sa harapan ko.


"Bakit? Bakit umiiyak ako? Si Tanya Marie Elizalde, iniiyakan ka ngayon?" Pagak siyang tumawa. Mukha na siyang baliw. Iiyak, tatawa.


"My family is bound to crash because of you." Nabasag ang boses niya.


"We loved you, fake. Pero simula nang makita namin ni Calix ang Adoption Papers mo, nagalit at nandiri kami sa'yo. We wanted to tell everyone the truth. That you're not one of us. Mismong mga magulang namin ang pumigil samin. Calix and I always wonder, what's so special about you? Bakit puro ikaw, eh ampon ka lang naman?"


Maybe I'm Yours (Puerto Viste Series #1)Where stories live. Discover now