Chapter 02: Walang Arte

1.2K 36 3
                                    

* * *

Chapter 02: Walang Arte

Napatingin ako sa putikang daanan at sa kulay puting sapatos ko. Geez. I should have asked kung saan kami pupunta.

Mapapasabak pa yata ang sapatos ko! Mahirap pa naman tong labhan!

"Hindi mo ba kayang maglakad sa putikan, huh, Summer?" Nanunuyang sabi ni kuya Calix, nauuna na sakin ng ilang metro.

Hindi ko na lang sya sinagot at nagpatuloy sa maingat na paglalakad. Gwapo nga sobrang sama naman ng ugali!

You may have the body, the charms and the sex appeal. But you just can't have it all, kuya Calix. You just can't.

"Don't get me wrong, maarte ka talaga o nagaarte-artehan lang?"

Sinamaan ko sya nang tingin at bayolente kong hinubad ang puting sapatos.

"Hindi ako maarte, kuya. I'm just worried about this white shoes!" I saw the shock on his face after I said those words.

Mabilis akong naglakad sa putikan. Ininda ang bagong nail art na kuko at bagong foot spa na mga paa. Mommy just insisted me to do it every weekend with her kahit hindi ko naman hinihingi sakanya.

Natigilan ako nang nalampasan ko na pala sya. Nagulat ko nga siguro talaga sya sa pagsagot ko sakanya.

Well, he taught me to be like this. Natuto lang akong lumaban para sa sarili ko.

I smirked at the thoughts clouding my mind.

"MANONG BERTO!"

Isang sigaw lang ni kuya Calix ay may lumabas agad na matandang lalaki sa isang munting bahay.

"OH! IKAW PALA YAN SIR JACKLORD! TULOY KAYO!" Masiglang sigaw nya.

"Magandang araw po." Bati ko sakanila.

"Magandang araw din! Sir Jack, eto na ba ang girlfriend mo? Aba, napaka gandang bata!"

Halos maduwal ako sa sinabi ni Manong Berto. Of all the jokes?

"She's Summer. 'Yong ampon ni mommy." And you have to say that, really man?

"Ganun ba? Ang laki mo na ah! Ano palang nangyari sainyo? Dapat tinext mo ko Sir Jack para nasundo ko kayo ng tricycle!" Sabi nya habang tinitingnan ang mga paa ko.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Manong Berto. So may tricycle pala sya and kuya could text him anytime? If that's the case, bakit pinaglakad nya pa ko sa putikang daan?

What really an arse! Grabe! Nakakapikon talaga sya kahit kailan!

Tumawa lang si kuya ng mahina na pati iyon ay ikinairita ko. "Ayaw na kitang istorbohin that's why."

"Ikaw talagang bata ka! Buti na lang at walang arte itong kapatid mo. Halina ma'am, huhugasan ko na lang po 'yang mga paa nyo..."

Tiningnan ko muna nang masama si kuya Calix bago sinagot si Manong Berto.

"Summer na lang po! Atsaka ako na lang po ang maghuhugas ng mga paa ko. Kaya ko naman po..." and the devil was just staring at me coldly.

Tinuro nga sakin ni Manong Berto ang poso nila. Their living are just simple. And it amazes me.

"Pasensya ka na, Summer. Hindi pa kasi natutuloy ang proyekto para mapaganda ang daanan dito. Alam mo naman ang pulitika sa panahon ngayon."

"Okay lang ho." Tumawa ako. "Syanga po pala... pano po kayo nagkakilala ni kuya Calix?"

"Mahabang kwento, Summer.. Madalas yan dito samin noon lalo na pag may problema sya."

Tumango ako at tipid na ngumiti sakanya.

"Oh sya, maiwan na muna kita dito. Mukhang may paguusapan pa kami ng kapatid mo." then he left.

Kaya pala madalas wala si kuya Calix sa bahay noon. He probably found a second home in here. Nakakalungkot isipin na kailangan nya pang sumiksik sa ibang pamilya dahil sakin.

I suddenly felt guilty.

Parehas lang naman kami ng gusto eh. A home that will shelter and love us. And a home needs a complete family. And we both need a family.

Tuyo at kamatis na may kasamang bagoong ang ulam nang tanghalian. First time kong makakain nun kaya medyo marami ang nakain ko. Hahaha.

Pinagtatawanan nga ako ng mga anak ni Manong Berto. Akala daw kasi nila ay hindi ako kakain dahil sa ulam nila. Turns out na ako ang nakaubos nang lahat ng niluto nila.

After the lunch, bitin man ay nagpaalam na si kuya Calix sakanila. Hinatid nga kami ni Manong Berts ng tricycle nya kaya hindi na ko mamomroblema sa puting sapatos ko.

I want to stay longer here! Haist. Sana makabalik pa ko dito.

"I expect you to come on my birthday." Sabi ni kuya Calix kay Manong Berts.

Birthday? What the? Pano ko nakalimutan 'yon?

"Ano pa nga bang magagawa ko..."

Tinapik ni Manong Berto si kuya Calix sa balikat. "Magiingat kayo pauwi."

"You, too." kuya said in a lifeless manner. Ice prince talaga!

"Salamat po, Manong Berts!" Natawa na lamang sya sa tinawag ko sakanya.

"Bakit, Berts?"

"Para po bagets!" nagtawanan kaming dalawa maliban sa KJ na kasama namin.

"Nakakatuwa ka talaga. Isang anak-mayaman na walang arte. Sana maraming katulad mo." Ngumiti ako pero agad ding napawi iyon nang magsalita si kuya.

"She's just adopted. Wala syang karapatang mag-inarte."

At para iyong malamig na tubig na binuhos nya sakin. He really is so harsh against me.

"You have signal?" Nagulat ako ng tanungin nya ako habang patungo kami sa pinag-park-an nya ng kotse.

Alanganin ang pagtango ko sakanya at pag-abot ng cellphone sa kamay nya.

"Wait here. May tatawagan lang ako." aniya sa seryosong tono at nawala na sa paningin ko.

Nagpasya akong pumasok ng sasakyan nya dahil hindi naman nya ito ni-lock. Ngunit nang umabot na ng mahigit trenta minutos at hindi pa sya bumabalik ay kinabahan na ako.

Gosh! Iniwan na naman kaya ako ni kuya Calix! Grabe Summer, hindi ka na nadala!

Lumabas ako ng sasakyan at hinanap sya sa mga malalapit na lugar. And he is nowhere to be found.

Aish! Paano ako uuwi ngayon? Ni hindi ko nga alam kung anong lugar to!

Nagsimula na kong mawalan ng pag-asa. Naiiyak sa sobrang frustration!

"SUMMER!" Napalingon ako sa tumawag.

"K-Kuya?" Hindi agad nag-register sa utak ko na sya nga ang tumatakbo palapit sakin.

"I told you to stay there, Summer! What in my word you don't understand!?" Napaatras ako ng kaunti sa sigaw nya.

"A-Akala ko kasi iniwan mo na ko tulad ng dati." I stammered. Lalo siyang nagmumukhang dragon tuwing nagagalit siya. Lalo tuloy syang nakakatakot.

"Bullcrap, Summer! Kababalik ko lang ng Pilipinas! Gusto mo na naman bang ipatapon ako ulit sa France?!" his muscles were tensed dahil sa sobrang lakas ng sigaw nya.

"Hindi ganon 'yon!" ani ko.

"Then what is it? Sabihin mo!" Sigaw pa rin nya.

"Kasi alam kong anumang oras kaya mo kong iwan dito! Tulad ng mga bata pa tayo di ba? But I'm sorry! Kung desperado ka, desperado din ako! I will stay as an Elizalde! Sa ayaw at sa gusto mo, kuya!"

Hindi ko napigilang tumaas ang boses ko sakanya. I felt suddenly guilty when I realized it. Oh crap, Summer. Hindi na talaga kami magkakaayos nito.

"You should know your limits, Summer! Ampon ka lang! And you will never be part of my family!" At lumakad na sya palayo. Leaving me dumbfounded.

Maybe I'm Yours (Puerto Viste Series #1)Where stories live. Discover now