"Sunshine you need to take your meds. What if biglaan kang inatake at walang taong tutulong sayo? We cannot take the risk." Napayuko ako.

Masyado na ba akong nagiging pre occupied dahil nandito sila? Nakalimutan ko na kaya nga ako lumayo sa kanila ay dahil sa sakit ko.

"Sorry Doc. Promise iinom na ako ngayon. Don't worry I'm not scared to die. Kung oras ko na eh oras ko na talaga" tumayo ako at pinagpag ang palda ko.

"Thank you again Doc. Mauna na ko baka nag aantay yung ka lunch ko." Nag thumbs up lang ito kaya lumabas na ako ng kwarto.

Daddy's weird.. sa limang taon ko dito sa Cebu. Ngayon lang talaga niya ako ipinagkalulu sa lalaki. Habang nasa loob ng elevator ay inayos ko ang itsura ko i combed my hair using my fingers.

Dumiretso ako sa entrance ng resort para salubungin sila.

"Sunshine Iha!" Ngumiti ako at kumaway kay Mayor.

"Good Morning po" bati ko.

Tumama ang mata nito sa suot ko at napapalakpak.

"You look wonderful Iha. Oh by the way hinatid ko lang itong si Andrei. Come here son"

Lumabas ang anak ni Mayor sa sasakyan. Nahagip pa ng mga mata ko ang sabay sabay na pagkalaglag ng bunganga ng mga staff namin.

"Hi Sunshine" he smirked and I swear talagang regalo ni Lord ang lalaking toh.

He has a blue eyes. Matangkad at matipunong katawan at talaga nga namang nakakagwapo ang buhok niyang mahaba na tinali niya patalikod.

"Sunshine?" nag init ang mga pisngi ko. Talaga nga naman Sunshine! Maglaway ka ba naman sa harap nitong gwapo!

"Hi Andrei! Welcome to my resort"

Nagpaalam na si Mayor at naiwan kami ni Andrei. He's not bad madaling pakisamahan at pwede nang awardan ng most friendly dahil halos lahat ng makasalubong namin ay nginingitian niya.

Napatingin ako sa kamay niya na may maliit na music note tattoo ata iyon. Napatingin rin siya sa kamay niya at iniwas ito.

"That's cool" masaya kong sabi at hinawakan ang kamay niya.

"It is permanent? Gosh!"

"Yep" napakamot siya sa leeg.

"Dad doesn't know this tho. Pinilit lang kasi ako mga kabanda ko na magpalagay ng ganito." Nanlaki ang mata ko.

Sunshine bakit lapitin ka ng mga nagbabanda!

"I love tats! And your cool Andrei. " I chuckled because i see him blush.

"Thank you ha kung may time ka punta ka sa gig namin." Napapalakpak ako sa alok niya.

"Oh sure! Tara may music fest kasi na gagawin dito sa resort ko you might want to check out?" Tumango ito kaya nagpunta agad kami sa seaside kung saan na set up na ang stage. Malayo pa lang ay tanaw ko na sila Badj kasama nila ang mga organizer na chinechek ang mga instruments nila.

Napatingin sila saamin at nagtama agad mata namin ni Blaster napatingin siya sa gilid ko saka ko lang naalala na kasama ko pala si Andrei na nakahawak sa bewang ko.

Bumalik ang tingin ko kay Blaster. Nakakunot na ang noo at matalim na nakatingin sa kamay ni Andrei sa bewang ko.

Napapunas ako ng noo. Bat parang biglang uminit naman?

"Uhm.. ano.. Andrei tara itotour kita sa ibang part ng resort" pag aaya ko dito.

Aalis na sana kami ng may bigla kaming narinig. Napatingin agad ako sa stage tumakbo na papunta doon ang mga staff nakita ko sila Zild na binitawan ang mga hawak nila.

"Uhm Andrei pwede bang bumalik ka mamaya? Or tomorrow? I'll just need to fix this baka kasi may naakasidente. Sorry din" medyo taranta ko nang salita.

"It's okay Sunshine. Nag enjoy naman ako kanina. So see you tomorrow?" Tumango ako at ngumiti.

"Bye Sunshine" He kissed my cheeks and I wave my hand ng nakalayo siya.

Dali dali akong naglakad papunta sa stage.

"What's happening?" Tanong ko sa nakasalubong kong staff.

"Ms. Sunshine sorry po nagsnapped po kasi yung gitara ng isa sa kanila. Nasugatan po yung daliri nung may hawak" tumango ako at agad na umakyat ng stage.

"Badj what happened?"

"Nag snapped lang yung string ng electric guitar niya di naman malaki yung sugat sa daliri." Aniya

"Wag mo kasing ginagalit ayan tuloy nang gigil" may binulong pa siya pero hindi ko na maintindihan.

Tumayo ako sa likod ng mga staff I watched them clean Ter's finger. Napatingin ako sa kaniya nakasandal ang ulo sa speaker at Nakapikit ito. I saw the guitar kita ang dugo doon. Lumapit ako sa kaniya ng tapos nang gamutin ang kamay niya.

"Ter are you okay?" Nag aalala kong tanong.

Nakapikit pa rin siya at nakasandal ang ulo niya sa speaker. Tinakpan niya ng braso ang mukha niya at umiling.

"What? Should we call the hospital? Baka malalim ang sugat mo. Are you feeling dizzy? Saan masakit? May iba pa bang natamaan yung string?" I manage to breath when I ended my oh so many questions.

Napaigtad ako ng kuhanin niya ang kamay ko at itinapat sa dibdib niya.

"It hurts a lot here Sunshine." Inalis niya na ang braso niya sa mukha niya at tumitig saakin. His eyes look like he was madly hurt.

"I can't be possessive right? Hindi kita pwedeng angkinin dahil una pa lang ay hindi ka kailaman magiging akin. You choose to run away at bitbit mo ata ang puso kaya ako nagkakaganito. " garalgal niyang sabi. Tumayo siya at naiwan akong nakaupo sa stage.

Napayuko ako. Wala akong gagawin. Hindi ko siya hahabulin dahil lalong hindi ko mapanghahawakan ang pangako 5 years ago.

"Okay ka lang?" Napatingin ako kay Unique.

"Oo n-naman" hindi ko na napigilan ang pag agos ng mga luha ko.

"O-o okay l-lang ako" pilit kong salita kahit patuloy pa rin ako sa pag iyak.

Yinakap ako ng mahigpit ni Unique.

Tahimik akong umiyak at humiling na sana time will come para maging masaya din kaming pareho, di man sa piling ng isa't isa basta ang mahalaga parehas kaming  magiging masaya.









A/N: Miss na miss na kita Unique. IVOFSPADES is not IVOFSPADES without you. Get well soon.

Hope to see you smile in stage again. ❤

DON'T FORGET TO COMMENT AND VOTE 😘
Xoxo

King Of Hearts (Blaster Silonga)Where stories live. Discover now