Chapter 15

1.1K 28 0
                                    

AEMIE'S POV

It was a complete chaos ng agad siyang isinakay sa ambulance habang nilalagyan siya ng oxygen. Hawak hawak ko lang ang kamay niya. Nararamdaman ko pa ang pulso niya. Ayoko ng bitawan pa siya. Ayoko ng mawala pa siya. Gusto ko nasa tabi niya lang ako. Patuloy na pumapatak ang luha ko habang tinititigan ko siya sa kalagayan niya.

Ako dapat ang nasa pwesto niya. Ako dapat at isusugod sa hospital. Bakit siya pa? Bakit niya ginawa yun?

Nasa police station na din sila Daddy at may inaayos na ilang bagay para dun sa mga kidnapper.

"Ae--mie..." he uttered na siyang ikinagulat ko.

"Sshh...wag kana magsalita pa Yohhan please. Kailangan mong makasurvive." I burst into tears habang hinihigpitan ko ang pagkahawak sa kanya.

"Mabuti...naman-- at lig--tas...ka" nahihirapang sabi pa nito.

"Oo ligtas ako Yohhan, kaya dapat maligtas ka din okay? Please do it for me." Hindi ko alam ang gagawin ko pagnawala si Yohhan.

"Ma--hal kita." Marahang sabi pa nito.

"Mahal din kita Yohhan. Mahal na mahal kita." humagulhol na ako ng iyak dahil takot na takot talaga ako sa susunod na mangyayari. Kita kong hirap na hirap na siya at hindi ko alam kung kakayanin pa niya dahil malapit sa puso ang tama ng bala sa kanya.

Pagkarating namin ng hospital ay agad namang kaming sinalubong ng mga nurse at walang sinayang na oras pa ay ipinasok na siya sa operating room.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang unti unti kong nabibitawan ang kamay niya dahil bawal akong pumasok sa OR. Wala na akong magawa kundi mag-antay sa labas kasama si Mj at Vincean.

Hindi ako mapakali sa bawat segundong pumapatak at lumilipas. Gusto ko na siyang makita at makasama. Kahit pa magyabang siya sa akin buong araw, okay lang basta mabuhay lang siya.

3 hours had passed ngunit wala paring lumalabas na doctor na galing sa loob hanggang sa dumating na din ang pamilya ni Yohhan. They are all so worried kaya nagyakapan nalang kami.

Maya-maya pa ay may lumabas ng doctor mula sa loob ng operating room.

"Doc, how is he?" Halos magkasabay na tanong namin.

"Hindi pa po siya stable and we need a type AB blood para makasurvive sa operation ang pasyente." sabi nito tsaka kami nagkatinginan. Hindi ako type AB and I think hindi din ang papa niya. Baka namana niya sa mama niya ang dugo niya pero wala na ang mama niya. Pano na? Mahirap hanapin ang dugo niya.

"Ako Doc, type AB ako." Presenta ni Vincean.

Agad naman itong pinapasok sa loob ng OR. Parang masyadong complicated ang operation ni Yohhan. I hope everything will be okay. Salamat narin kay Vincean.

"Magiging okay din siya Bok, okay?" Clair comforts me. Hinaplos haplos pa niya ang likod ko at tila pinapagaan niya ang bigat na nararamdaman ko. Bahagya akong sumandal sa balikat niya habang tumutulo parin ang mga luha ko.

Ilang sandali lang ay nanlabo na ang aking paningin at tuluyan ng pumikit ang aking nga mata.

"Aemie." Bahagya akong nagising ng maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. At ng imulat ko ang aking mga mata---

"Yohhan? Buhay ka?" Nasambit ko nalang ng makita ko ang maaliwalas niyang mukha.

"Tandaan mo palagi na nasa tabi mo lang ako at mahal na mahal kita." He said tsaka marahang ngumiti sa akin.

"Mahal na mahal din kita Yohhan. Salamat at hindi mo ako iniwan." Akmang yayakapin ko na siya ng bigla siyang naglaho sa panangin ko.

"Yohhan?" Nagpalinga linga ako sa paligid ngunit wala siya. Tumakbo na ako kung saan pero hindi ko na siya nakita pa. Muling umagos ang luha sa mga mata ko ng marealize ko na tanging kaluluwa niya nalang pala ang nakita ko kanina. Wala na siya...

Wala na si Yohhan...

Iniwan niya na ako.

From My Love Rebounder To Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon