Chapter 14

1K 33 0
                                    

Aemie's POV

I groaned in pain ng magkamalay ako dahil sa sakit ng ulo ko at tila ba umiikot ang mundo ko. Pero teka...

Napabalikwas ako sa sofa na kinahihigaan ko ng marealize kong wala ako sa bahay ko.

"Gosh! Nasan ako?" I muttered tsaka ko nilibot ng tingin ang buong kwarto. Parang nasa isang abandoned building ako at tila ba ang dumi dumi dito at tanging sofa lang ang mero sa loob ng kwartong to.

Akmang bubuksan ko na ang pinto but~

"Shit!" Nasabi ko nalang ng hindi ko ito mabuksan. Nakalock ito. Ano ba nangyari at bakit ako nandito?

Iba't ibang emotion ang naramdaman ko habang nakatunganga ako sa harap ng pinto at parang inaantay ko nalang kusa itong magbukas.

Sa naaalala ko...

Naglalakad ako nun sa gilid ng kalsada near in NAIA and biglang may humintong van sa may likuran ko at yun... wala na.

Oh my gosh! Napatakip ako sa bibig ko ng dahil sa idea na pumasok sa isipan ko.

Don't tell me, I was being kidnapped O.O

Oh no! Kailangan kong makaalis dito! But how? I took a deep breath para pakalmahin ang sarili ko kahit pa sa totoo lang ay parang mahihimatay na ako takot dito.

Kinapa ko ang uniform ko and luckily andito pa ang phone ko.

Shit! 2% nalang ang battery nito.  I hurriedly dialed Clair's number.

Oh come on! Pick it up Clair!

"CLAIR! OH MY GOD! PLEASE PLEASE HELP ME!" bungad ko sa kanya ng sagutin niya ang tawag ko.

"WHAT'S WRONG?" nagpapanic na ding sagot nito.

"Please... call the police now and tell them to rescue me! Clair please, I'm so afraid here and I don't know what I'm going to do now. May dumukot sa akin Clair." I said in low tone at baka may makarinig pa sa akin mula sa labas.

"Wait, asan kaba? Sino dumukot sayo?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam kung sino and hindi ko rin alam kung nasaan ako. Wala akong makitang sign--"

*toot*

"Argh!" Muntik ko na maihagis yung phone ko sa inis dahil bigla itong namatay. Paano na? Binalik ko sa bulsa ko yung phone ko at baka sakaling may pagagamitan pa ako nito.

Bumalik ako sa pagkaupo sa sofa ng maramdaman kong may paparating and blag! Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking puno ng balbas at may bitbit pa itong baril na siyang yumanig naman sa buong katawan ko.

"Hoy ikaw!" Turo niya sakin. "Kumain kana at Isang milyong dolyar din ang halaga mo!" Singhal niya sa akin tsaka pinasok ng isa sa mga alalay niya ang pagkain at kaagad na ding umalis.

1 million dollars? O.O Saan naman kami kukuha ng ganung kalaki na pera ng agad agaran? Maliban nalang kung ibenta namin lahat ng property namin. Oh no. Napaluha nalang habang iniisip ko ang lahat ng pwedeng mangyari sa akin at tila nawawalan na din ako ng pag asa pang makatakas dito.

Fast forward...

Halos dalawang araw na akong nasa loob ng kwartong ito. Ni wala man lang akong maaninag na sikat ng araw mula sa labas.

Biglang bumukas ang pinto at lumapit sa akin ang lalaking mabalbas. Napaatras naman ako.

"A-anong gagawin niyo?" basag na boses na sabi ko dito.

"Basta sumunod ka nalang!" Singhal niya ulit sa akin tsaka nilagyan ng tali ang mga kamay ko at nilagyan ng piring ang mata ko.

"Saan niyo akong dadalhin?!" Pagpupumiglas ko naman habang kinakaladkad na ako.

Naramdam kong muli nila akong isinakay sa van nang bigla akong makarinig ng putok ng baril dahilan para mapahiyaw ako.

Dahil nga sa nakapiring ang mga mata ko kaya hindi ko alam kong ano ng nangyayari sa paligid basta naririnig ko nalang ang ingay ng palitan ng putok ng baril at may naririnig na din akong ingay na mula sa sasakyan ng pulis.

May pulis? Parang dagli akong nabununtan ng tinik sa dibdib at nabuhayan.

Bahagyang may biglang humawak sa braso ko at tinanggal nito ang piring sa mata ko tsaka ako kinaladkad palabas ng van at tinutukan ng baril sa ulo.

Napaluha nalang ako sa katakot takot na eksenang sinapit ko. Mula sa kinatatayuan namin ay nakita kong may mga pulis ng nakapaligid sa amin at nakita ko din ang pamilya ko, si Clair na takot na takot din at luhaan habang pinapanood nila ako sa ganitong kalagayan na tila ba gusto nila akong sagipin pero hindi nila alam kung paano.

At sa bandang kanan, nakita ko din si Vincean kasama ang ibang mga pulis at si--

Yohhan. Andito si Yohhan? Tama nga! Si Yohhan nga! Akala ko iniwan niya na ako. Siguro kung sa ordinaryong araw lang baka sobrang saya ko na nakita ko siya ulit.

Ilang segundo din kaming nagkatitigan at tila ba ito na ang huling araw na masisilayan ko ang mukha ng taong mahal ko. Bawat pagpikit ko ay may karugtong  na luha na siyang pumapatak sa pisngi ko.

*bang*

Isang malakas ng putok ng baril ang kumawala at tumama sa--

Sa lalaking may hawak sa akin. Agad naman akong tumakbo palayo dito papunta sa pwesto kung saan ang pamilya ko.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay isang putok nanaman ang kumawala. Natigilan ako sa pagtakbo ng bumagsak sa harapan ko ang lalaking mahal na mahal ko...

Si Yohhan. Sinalo niya ang balang dapat  ay sa akin. Napaluhod ko harapan nito at tuluyan ng umagos ng umagos ang mga luha ko.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Inangat ko ang ulo nito at pinatong sa lap ko.

Nakitang kong dinadakip na din ng pulis ang lalaking may hawak sa akin kanina at ang mga kasama nito.

"Ma-mahal ki-kita Ae--" hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya ngunit lumuluwag na ang kapit nito sa kamay ko at unti unting pumikit ang mga mata niya.

"Yohhan? Yohhaaaaaaaan!" Niyugyog  siya  ngmaraming beses ngunit hindi na siya dumidilat.

"Yohhaaaan gumising ka! Wag moki iiwan Yohhhaaaan! Please wake up Yohhan." Paulit ulit na sinasambit ko ang pangalan niya. Kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko ay bigla ding bumuhos ang malakas na ulan at tila ba nakikisabay ito sa nararamdaman ko.

Yohhan...

A/N: Leave some feedbacks guys. Wag niyo  lang akong sakalin lols. Peace sa mga nalungkot.

From My Love Rebounder To Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon