"Bok ano kainin mo? treat ko." Sabi niya at kumuha ng wallet. Wala akong appetite kumain

"Kahit ano na lang." sabi ko. Nakakawalang ganang pumasok. Dito na lang muna ako habang wala pa akong next class.

"Ano ka ba. Wag mo nga ipahalata na affected ka. Malay mo akala mo siya na talaga pero di pala at yung para sayo ay nan diyan lang sa tabi tabi ay di mo magawang pansinin dahil sa lintek mo na ex na yan." Sabi ni clair na may pa tapik tapik pa sa balikat ko. Eto na naman ako sermon na naman..

"Oo na. Mag order ka na." Sabi ko sa kanya.

Tama si clair di dapat ako mag mukhang kawawa at affected sa paningin ng iba. Pero how? Ang hirap naman nito tuwing naaalala ko ang eksena na nakita ko.

"Bok. May klase pa pala ako. Mauuna na ako sayo ok lang ba?" Sabi niya sa akin habang dala dala ang pagkain namin.

"Ok lang." Sabi ko habang nakayuko sa mesa.

"Oh eto kainin mo yan." sabi niya at umupo sa harapan ko. Tinignan ko siya na para bang sinasabi na "Uwi na lang muna ako"

"Naku tigilan mo ko bok. Be strong makakamove on ka din. Kaya sanayin mo na ang sarili mo ok? Kung makikita mo man siya na may kasamang iba, then go lang. Wag ka affected di siya kawalan. Madami pang lalaki na mas deserving sayo ok?" Sabi niya kaya tumingala ako..

"Ang galing mo mag advice" Sabi ko ng sarkastiko.

"I know right" sabi niya at kumain.

Hay naku..

Sana matapos na lang ang araw na ito na di ko siya makikita.

"Bok mauuna na ako ah? Wag mong subukang umuwi. Kung aya---"

"Oo na. di ako uuwi." sabi ko na lang.

"Ok. Bye bok. Cheer up, maganda tayo dapat mga lalaki ang maghahabol sa atin" sabi niya.

Madami talagang alam to. Haha

"Alis na." sabi ko.

Umalis na nga siya hanggang ako na lang mag isa ang naiwan kasama ang mga estudyante sa canteen. Hay naku...

"Hi miss." Sabi ng lalaki

di ko pinansin kasi baka sa kabilang table yun

"Wow snobber." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya

Shocks!!!

eto yung guy kanina ah?Omo

"Pwede ba ako dito umupo?" sabi niya habang karga karga ang pagkain niya tumango na lamang ako."Salamat."

Ang gwapo niya pala sa malapitan, maputi, matangos ang ilong, at matangkad. Basketball player ba to? ewan ko.

"Uhm?" di ko alam kung ano i feel awkward

Ngumiti siya sa akin exposing his complete white set of teeth. Ba't di ko to nakita o napansin man lang noon. Siguro pag nakilala ko to ay di kami maging ni vencean.

Vencean na naman. Hay naku aemie itigil mo na nga ang pag iisip at pagkukumpara kay vencean. Mahal ko siya pero niloko niya ako

"Hey miss ok ka lang? Wag ka ngang malungkot diyan." sabi ng katabi ko na ngayon ay tumabi na sa akin

"Paano mo nasasabi na malungkot ako?" Sabi ko sa kanya ..

"Kita sa mata mo. Wag ka mag alala nandito lang ako." sabi niya.

Ano ba ang sinabi niya? Loading masyado ako ngayong araw.

"I'm Yohann Kyle Anderson" Sabi niya. So siya pala kanina. His name suit him very well.

"Aemie, Aemie Gr--"

"Gray" sabi niya habang kumakain. Kilala niya ako?

"Oo kilala kita." Nambabasa ba to ng isip?

Nag usap lang kami dalawa ni kyle ewan ko ba ang gaan ng loob ko sa kanya. Tawanan kami, infairness napatawa niya ako at nakalimutan ko ang problema ko dahil sa kanya. In my own observation kay kyle napaka energetic niya. Basketball nga talaga siya kaya pala ang tangkad, obviously. Matagal na pala siyang varsity player sa school. Usap kami ng usap and I share to him my problema. Pareho lang sila ni bok kulang na lang sermonan ako. Kesyo daw ganyan kesyo daw ganito mga ganyan na dapat wag daw sa lalaking iyon umikot ang mundo ko kasi meeon daw dyan sa tabi tabi lang.

Habang nag kwekwentuhan kami someone catches my attention.

Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Etong kasama ko naman tumigil sa pagsasalita naramdaman niya siguro ..

they are holding their hands like we usually do. Gusto kong umiyak. Ang saya nila, niya parang ok lang sa kanya na wala na kami.

Aemie ano ka ba. Kita mo na ngang masaya ang tao o diba ang dali niyang mag move on.

"H-hey Ae. Don't cry. Sige ka papangit ka." Sabi ni kyle

"Che. Shut up ka." sabi ko ng patawa

"Mas gwapo pa naman ako jan ok?" Sbi niya. Wow ang hangin naman ng isang to kaya sinapak ko feeling masyado.

"Aray ano ba?" sabi niya.

Naramdaman kong napatingin sila sa direction namin, di na ako tumingin sa kanila baka magdadrama na naman ako.

"Feeling ka masyado." sabi ko at inirapan siya. Ngayon lang kami nagkakilala pero ang comfortable ko na sa kanya.

"Ge aalis na ako may klase pa ako Ae." sabi niya tumango lang ako at

"Umalis ka na. Nakakapeste ka." sabi ko at umirap sa kanya nakita kong napailing na lamang siya at ngumiti..

"Sa sunod muli." sabi niya at umalis.

Tinignan ko ang likod niya habang papa alis siya.

Hay .. ngayon mag isa na nanaman ako. Gagawin ko na lang ang mga requirements ko para maagaw din ang attention ko.

From My Love Rebounder To Husband (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora