Chapter 9

1.1K 62 12
                                    

Liana's POV

Ito naman diba ang gusto ko? Ang sagutin niya si Kuya? Masaya ako diba sa ginawa niya.. pero ba't ganito? Ba't nasasaktan ako? Dapat masaya ako dahil masaya si Kuya. Pero kahit anong gawin ko, nasasaktan pa din ako. Pero importante paba yun? Diba ang mas importante maging masaya ang kapatid ko kahit na kapalit nito ay ang taong gusto ko.

"Besshy?? Okay kana ba?" Nasa garden ako nagpapahangin habang iniinom ang kape ko. Sobrang sakit ng ulo ko dala siguro ng hang over. Narinig kong tanong ni Marian mula sa likuran ko. Binigyan ko lang siya ng isang malungkot na ngiti.

"Wag kang magsusuicide beshy ha, baka kasi multohin mo ako" loka loka talaga to kahit kailan haha!
"Gaga ka talaga, di ako ganun nu" kaya bff ko to eh, nakakapagaan ng loob.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya, umiling naman ako.

"Ipagluluto nalang kita" tatayo na sana siya pero bumalik din sa pag-upo

"Ay di pala ako marunong magluto haha!" Napatawa nalang ako sa kagagahan ng bff ko.

"Alam ko, tsaka di ako nagugutom. Masakit lang talaga ulo ko yan" napabuntong hininga siya.

"Bff, kaya mo ba talaga?" Binatukan ko nga, sobrang kulit kasi
"Oo nga! Move on move on din pag may time, tsaka anu kaba. Di naman ata to Love, infatuation lang to" sabi ko sa kanya.

"Haha! Tumeteenager tayo sa infatuation ha" tinarayan ko nalang siya.
"Sure ka ba?" Tumango nalang din ako.



Simula nung sinagot ni Kara si Kuya never na kaming nagkausap, minsan magkakasama kaming kumain pero di ako masyadong kumikibo. But how can i move on kung lagi ko syang nakikita, araw araw akong nasasaktan pero pag nakikita ko naman si Kuya kung gaano kasaya, napapawi din ito.

"Babygirl?" Tawag ni kuya nung nakauwi kami sa bahay.

"Yes kuya?"

"Okay lang ba kayo ni Kara, napapansin ko kasi di kayo masyadong nagkikibuan" nahalata din pala niya.

"Oo naman kuya. Alam mo naman pagod lang ako, ang hirap pala mag manage ng resto" ngiti ko sa kanya.

"Alam ko na kung gaano ka napapagod hehe! Kaya i'm here na para tulungan yung kuya kong gwapo" paglalambing ko naman sa kanya. Niyakap ko siya at kiniss sa cheeks.

"Hmmmm basta nanjan ka lang sa tabi ko masaya na ako" sabi niya.

"May Kara ka naman eh" paglabi ko.

"Ay ngseselos ba ung babygirl ko??" Kiniliti niya ako.

"Kuya naman, hahahhaa di ahh, kuya hahahhahaa tama na" niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"I love you babygirl, siyempre kw pa din baby ko" ang sweet talaga ng kuya ko. Kahit siguro di na ako mg boyfriend basta nandito lang si Kuya wala na akong mahihiling pa..

Di kana mag boboyfriend kasi mag gigirlfriend kana. Sabi ng isip ko. Haha!

—-

Nandito kami ngayon sa isang Resort, kasama si Yanyan si kuya at of course si Kara.

Napilitan nalang din sumama tong bff ko kasi wala na siyang magagawa haha! Alangan namang third wheel ako dito. Hayss

"Oh ano problema mo?" Tanong ni Yanyan napansin niya siguro ang pagbuntong hininga ko.

"Ah kaya pala" saka tiningnan niya ang magka holding hands na Kara at Kuya.

"Hay naku beshy, akala ko ba move on move on na tayo??" Nakapameywang pa ito sa harapan ko. Tinarayan ko lng siya.

Suddenly it's MAGIC (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon