Chapter 2

1.5K 74 3
                                    

Liana's POV

"Kuya goodmorning" bati ko kay kuya na nakaupo at umiinom ng kape.

"Goodmorning babygirl" bati niya sa'kin.
"You want coffee?" Tanong niya, napaka sweet talaga ng kuya ko.

Kami lang dalawa ang nandito sa pinas habang ang mga magulang namin ay nasa ibang bansa parehas na busy sa negosyo habang si kuya at ako lang ang nandito. Mas pinili ko ang simpleng buhay ayokong makialam sa negosyo nila. Tsaka si kuya naman ang humahawak sa isang resto namin. Magaling magluto si kuya, nag-aral yan ng culinary para daw mahandle ng mabuti ang resto namin,

"Thanks kuya" bigay nya ng kape,
"By the way kumusta yung nililigawan mo?" Hindi ko na mention sa kanya na nakita ko yung babaeng yun.

"Okay lang naman babygirl, excited ka na bang mag ka ate?" Ngiti niyang sabi animo'y kinikilig.

"Sure kabang sasagutin ka nun?" Napasimangot naman siya.

"Eh hindi ko pa kasi nasasabi na gusto ko siya" malungkot niyang sabi.

"What????" Napalakas ata ang boses ko..
"Kuya naman, kailan kapa naging torpe" pagrereklamo ko.

"Ewan ko ba babygirl tinamaan talaga ako sa kanya" naku naman ito na nga ba ang sinasabi ko, ika nga walang matigas na tinapay sa mainit na kape so ang kape si ate girl yun.

"San ba kayo nag kakilala, tsaka ilang taon na yun, nagkakausap ba kayo? Anong pangalan niya" sunod sunod kong tanong. Napaka interesado ko naman ata sa kanya.

"Woow isa isa lang babygirl" sabi ni kuya,

"Sa resto kami ngkakilala, oo ngkausap na kami, una ko siyang nilapitan, nakita ko kasi siyang umiiyak, tsaka she's 30 years old same kami," kindat niya sa'kin.
"She's Kara Hart, nagkakatxt din kami paminsan minsan, at mamaya magdidinner kami" ahh! Wait 30 na siya? As in? Parang mas matanda ako dun, ahmm hart? So half sya ganun? Eh bakit siya umiiyak nung nasa resto siya?  Aba'y ewan ko sayo Liana! Bakit naging interesado ka ata sa babae,

"Hoyy" nagulat naman ako sa ginawa ni kuya,

"Kuya Ralph naman" pagpapa cute ko sa kanya.

"Sige na una na ko babygirl" paalam ni kuya at humalik sa pisngi ko.

Napabuntong hininga nalang ako, haaysst ano na naman ba ang gagawin ko ngayong araw? Wala akong trabaho isang buwan na din akong tambay at palamunin ni kuya, ayoko naman dun sa resto tsaka di naman din ako pinilit ni kuya na tulungan siya dun, NGA NGA lang ako ngayon? Napaka boring naman.

"Anong tinutunganga mo jan?" Rining kong tanong ni Marian.

Hindi ko siya pinansin, kunwaring wala akong narining,

"Hoy Liana, makikikain ha?" Aba'y nagpaalam pa eh sanay naman siyang kumain ng di nagpapaalam nakikita ko nalang ang sarap na ng kain niya, alam ko naman bakit ganyan yan kasi si kuya ang ngluto, baliw na baliw yan sa kapatid ko.

Nakita ko siyang naupo sa harapan ko at masarap na kumakain feel na feel ang pagkain kala mo nasa commercial.

"Aaahhhhh" sumigaw ako bigla, kitang kita ang gulat niyang mukha
"Ano ka ba naman" irita niyang sabi.

"HAHAHAHHAHAHAAHHAAH!" Tiningnan niya lang ako ng Masama.

"Ahhaha! Kala ko kasi multo"

"Wow hiyang hiya naman ako sa napakaayos mong buhok halatang nagsuklay ka nu? Sino kaya sa'tin ang mukhang multo?" Tinarayan ko lang siya.

"Bakit kaba tulala jan! Para kang tanga" kung maka tanga wagas

"May iniisip lang"

"OMG! Liana don't tell me nakuha na ni Julius?" Tanong niya,
"Ang ano?" Naguguluhan kong tanong din
"Yung alam mo na" di ko maintindihan tong babaeng to.
"Huh? Anong alam ko na?" Nakita ko siyang tumatawa.

Suddenly it's MAGIC (gxg)Where stories live. Discover now