Chapter 34- New Year

358 10 0
                                    

New year agad! Hahaha.



Nung christmas, pumunta lang kami sa restaurant at kumain. Family. Ewan ko pero mukhang may awkward nung christmas day tsaka ang tahimik ng family namin. Si Ryan naman puro tango lang sa mga sinasabi ko kahit ngayon.



Hindi ko nga alam kung bakit? Ano kaya ang nangyari? Pag tinatanong ko naman ayaw nilang sabihin sakin. Hayst. Bahala na!


Tinext ko naman si Sky na mag-video call kami.


Kaya eto nag video call kami. Grabe si yam! Sobrang pogi.



Kenny: Hi yam!!
Skyler: Hi yam! Kamusta kana?
Kenny: Eto.. namimiss kana.
Skyler: Huwag na malungkot ha? Sa monday uwi naman uuwi na kami.

Bigla ko naman naalala si Ryan. Alam ko bestfriend ni Ryan si Sky baka naman nag-oopen si Ryan kay Sky.

Btw, nasa condo si Yam. Nagpapahinga daw sila dahil kakauwi lang nila galing myeong-dong.


Kenny: Yam? Nag-oopen ba sa'yo si Ryan?
Skyler: Hmm.. hindi bakit? May problema ba?
Kenny: Ah wala yam.


Pinabayaan ko na lang.


Skyler: Pero nag facetime kami nung christmas. Malungkot siya kenny. May sinabi nga siya sakin na sobrang saya daw niya dahil nalaman niya ang totoo.

Nagtaka naman ko. Anong totoo?


Kenny: Yam, ano daw totoo? Sinabi ba sa'yo?


Skyler: Hindi eh. Alam mo yam? Kaming mga lalake hindi kami laging nag-oopen ng problema dahil pag alam naman namin na kaya namin solusyonan yung problemang yon hindi namin sinasabi. Tsaka na namin sasabihin pag na-solusyonan na. Btw, hindi ko nilalahat ha? Yung iba lang. Parang si Ryan.


Ganon pala yon?



Kenny: Ah sige yam. Mimiya na lang ulit pag fire works na ha? Tulungan ko lang sila mommy mag-ayos ng table set up.


Skyler: Ah sige. Tulungnan ko din sila mom. Ingat ka dyan yam? Huwag kang lalabas ha? Delikado gawa ng paputok at yung iba nagpapaputok ng baril kaya huwag lalabas ha?


Napa-sign naman ako. Protective hahah.


Kenny: Opo yam. Ilove you. Ingat ka din.



Skyler: I love you most.


Tas nag-kiss kami sa camera. Hahaha.


End ng video call.



Tinago ko naman sa pocket ko ang cellphone ko.



Ryan: Kennygirl, tara? Tulungan natin si mommy na mag-ayos.



Tumango ako.



Wala nga pala yung katulong namin kahit si manong dahil christmas at new year vacation naman. Tsaka dapat kasama ang family pag ganon kaya pinag-bakasyon ni mommy.


Nag-ayos naman kami. Tiga-lagay ako ng chocolate sa maliit na basket sa gitna ng living room. Si ryan naman ay nilalagay niya sa tupperware yung mga ulam pero nakahanda sa hapag kainan.



Hindi kami nag-order ng mga fast food pag gantong okasyon dahil sabi ni mommy masama daw na laging fast food.



Si mommy at daddy? Nagbibihis na para mimiya. Btw, lagi kaming naka polk-a-dot pag new year haha.


My Knight In Shining Armor Donde viven las historias. Descúbrelo ahora