Hinatid ko muna sila sa Principal's office bago pumunta sa Dance studio.

"What took you so long?" Tanong sa kin ni Ethan.

"May hinatid lang ako sa Principal's office. Tara na?"

Nagpractice kami ng over all dance presentation. Since kahapon pa lang naayos na,  maghihiwa-hiwalay na kami mamaya. Napagkasunduan namin ni Ethan na dun na lang sa Hidden Place nila kami magpa-plano saka magpa-practice. Di man kasali sa school ground, malapit lang naman dun, parang bakod lang ng school kaya di halata. Sabi kahit san naman daw magpractice eh.

Lunch time na. Pagdating namin ni Ethan sa canteen, nandun na sila Mika, Vince, Yumi at Dane sa pwesto namin.

"Ela!" Napalingon ako sa likod ko. Napangiti ako nung makita kung sino yung tumawag sa kin.

"Kuya Axel!" Lumapit ako sa kanya. Papaunahin ko na sana si Ethan kaso nakita kong naglakad na siya kaya di ko na pinansin.

"Pwede sumabay? Wala pa kasi akong kakilala dito." Ngumiti ako at tumango.

"Tara. Si Kuya Zac? Umuwi na?" Tanong ko.

"No. He's in the faculty. Substitute teacher siya until Christmas break."

"Talaga? Anong grade? Makikita ko siya?"

"Yup. Kapalit yata siya ng English teacher niyo."

Ahh oo nga pala. Malaki na kasi yung tiyan nung teacher namin sa English kahit 7 months pa lang siya. Kambal kasi yata. Maselan din kaya siguro pinapalitan na.

Napalingon ako sa mga kasama kong nakatingin sa min. Ay oo nga pala.

"Kuya tara, papakilala kita sa mga kaibigan ko."

"Sure." Ako lang ba o ngumisi siya?

Ay bahala na nga.

Mika's POV

Umupo si Ethan sa tabi ni Vince.

"Oh? Nasan yung kasama mo?" Tanong ni Yumi.

Tumuro lang si Ethan sa may gilid ng pinto sa Canteen. Napakunot noo ako. Sino yung lalaki na yun?

"Sino yun?" Tanong ko. Di sumagot si Ethan.

"Bro, who's that?" Si Vince naman yung nagtanong.

"I don't know." Tinignan ko si Ethan, blanko lang yung ekspresyon ng mumha niya habang nakatingin sa gawi nila Ela. Problema nito?

"Kilala niyo yun?" Tanong ni Dane.

"Tatanungin ba ni Mika kay Ethan kung sino yun kunh kilala namin? Isip naman Dane." Sagot ni Yumi kaya tinitigan siya ng masama ni Dane.

"Sino yung kasama ni Ela? Di man lang napansin na pumasok kami." Sabi ni Aya na tumabi sa kin.

"Di din namin alam." Sagot ko.

Tinignan lang namin sila. Lumingon sa min sandali si Ela at may sinabi dun sa kausap niya bago sila sabay na naglakad papunta dito.

"San ka pupunta Bro?" Tanong ni Andrei kaya napatingin kami sa kanila. Si Ethan pala biglang tumayo. Dumiretsk siya sa counter. O-order na yata.

"Order na tayo." Aya ni Yumi at tumayo na.

"Guys wait lang." Singit ni Ela. Katabi na niya si Kuya pogi.

"Sino siya?" Tanong ni Aya.

"Ahh. Siya si Kuya Axel. Nakilala ko lang sila kanina. May kapatid din siya. Gusto niya sana sumabay kasi wala pa siyang kilala dito." Tumingin muna ko kay Vince.

My GuardianWo Geschichten leben. Entdecke jetzt