Enchanted Academy; Welcome

32 5 1
                                    

•BYUN BAEKHYUN POV•

“Baekhyun bumaba kana nandito na tayo.”

Napatingin naman ako sa labas at nagulat sa nakita ko. Hindi totoo ang lahat ng ito. Huminto kami sa gitna ng gubat na kung saan may lawa at daan papuntang gitna nito pero masyado pang maaga at mahamog kaya hindi ko matanaw ang dulo. Maya-maya pa may malakas na hangin ang tumangay sa hamog at isang malaking gate ang sumalubong na pinalilibutan ng matatarik at makakapal na dingding.

“Baekhyun.”ulit ni papa

“H-hindi ayaw ko diyan! Nakikita mo ba pa? Masyado namang nakakatakot at liblib  ang lugar na ito para sa isang Eskwelahan!”pag protesta ko

“Baekhyun para sa kapakanan mo to?! Hindi mo ba naiintindihan? Ikaw lang ang nag iisa sa pamilya na walang kapangyarihan!”

“Pero pa! Meron naman akong kapangyarihan kahit konte! Kaya ko namang mag spell!”pagpupumilit ko sino ba naman ang mag aaral sa ganitong nakakatakot lugar?

“Baekhyun hindi kapangyarihan tawag diyan kundi kakayahan lang. Kaya bumaba kana! I insist!”

Wala na akong magawa sa utos ni Papa kaya bumaba nalang. Ayaw ko nadin namang magsigawan kami sa loob ng kotse. Pero bago pa si Papa makaalis nag paalam muna kami sa isa't–isa.

At ngayon ako na lang mag isa ang nandito nakatayo at hawak–hawak ang dalawa kung maleta. Wala ka ng ibang maririnig kundi ang pag ihip lang ng hangin at pag huni ng mga uwak. Kinilabotan naman ako.

Kaya nag simula na akong maglakad patungo sa malaking gate. Kakatok na sana ako ng bumukas ito ng kusa napa atras naman ako sa sobrang nerbyos. Masyado naman atang hytech.

Unti–unti akong nag lalakad papunta sa loob at ang bumungad sakin ay.













ISANG MALAKING BAYAN?

Teka?! Ang sabi ng Papa ko Eskwelahan lang daw ang nandito? Pero bakit merong super market ata? At ano itong mga tinitinda nila? Nag iilaw na prutas, iba't–ibang kulay at uri ng dahon–dahon, mga stick, gems, isdang nag liliparan at kung ano–ano pa.

Dumeretso nalang ako sa pag lalakad, pero parang pahina ng pahina ang bawat paghakbang kasi nasa akin lahat ng atensyon nila at napahinto sa kanya–kanyang ginagawa. Ganito ba talaga pag bago ka?

Yumuko at binalewala ko na lang ito at nilalakasan ang paglakad. Mabuti at nalampasan ko na ang palengkeng iyon. Ngayon naman ay napahinto ako sa isang.

Ospital?! Aba?! Hindi ko na kinakaya ang mga nakikita ko rito. Dumeretso ako ulit at napatingin sa paligid meron din silang Maliit na bilihan ng damit. Hindi na kinakaya utak ko.

Ilang minuto na akong nag lalakad at ngayon narito na naman ako sa isang gate na kaparehong–kapareho ng nauna. Pero ngayon may nakalagay na sa itaas nitong. Enchanted Academy. Ito na kaya ang Eskwelahang tinutukoy ni Papa? Baka nga dahil kanina pa ako nag lilibot at ito lang ang nakita kung Eskwelahan.

At sa pangalawang pagkakataon utomatiko itong bumukas. Nakakabigla. Pumasok na ako ng deretsahan at nag sara ba ang gate. Sa paglalakad ko may mga kumuha ng dalawa kung maleta mag mamatigas pa sana ako pero sa huli ibinigay ko narin sa kanila. Sinalubong ako ng isang babae nasa tingin ko ay mid 40s na.

“Ikaw ba si Byun Baekhyun?”tanong nito.

“Ako nga ho.”

“I am Stephanie Marshall Wife of Louise Marshall the Headmaster of Enchanted Academy. Please follow me.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enchanted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon