C34: Truthful lies

164K 3.7K 1.9K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---


Andy's POV


"Ibaba nyo na yan hanggang wala pang dumarating na teacher." Pabulong na sinabi ni Amanda. Sinunod naman ito agad ang ilang mga kaklase namin at tumuntong ang iba sa isang lamesa upang maabot ang tali habang ang ibang mga babae naman ay nagbantay sa pintuan.

Andy, hawakan mo nang mabuti." Sabi ng isa sa akin.

Hindi ko talaga alam kung bakit namin kailangang  itago ang mga bangkay. Para iwas gulo?

Hinigpitan ko lang ang pagkakahawak ko sa lamesa para tumigil na sila sa kakareklamo.

Kahit ilang beses kong titigan ang bangkay ni Vince, hindi ko pa rin mapigilan na manghinayang at medyo malungkot na rin. Kahit papano ay naging magkaibigan kami.

Dahan-dahan nilang binaba ang katawan ni Vince. Iniiwasan nilang makagawa ng kahit anong tunog. Nakahinga sila ng maluwag nang  naihiga nila ng maayos ang katawan ni Vince. Ngunit ang pangalawa nilang problema...

"San natin itatago ang bangkay?" Wika ng isa sa amin.

Napaisip sila Amanda. Saan mo nga ba maiitatago ang isang bangkay dito sa school na walang makakakita? Lalo na't nandito pa kami sa faculty.

"Hindi ba pwedeng sabihin na lang natin?" Wika ko ngunit tumingin ang lahat nang masama sa akin na tila ba'y may nasabi akong mali. "Mas madali kung ipapaalam natin sa kanila na may bangkay kaysa naman mamatay tayo dito kakaisip kung pano natin itatago yang lintek na bangkay na yan!" Hindi ko alam kung bakit napataas ang tono ng pananalita ko. Masyado kasi silang makikitid mag-isip.

"Sinong magsasabi?" 

Tinignan lang ako ni Amanda at tinaasan ako ng kilay. "Kung sino ang may gusto, siya ang magsabi." Pagkatapos niyang sabihin ang mga yon ay umusog siya sa kaliwa niya upang bigyan ako ng daan palabas. Ngumisi siya nang nagsimula na akong maglakad.

"Mr. Nice guy, huh?" Narinig kong binulong ni Amanda nang nasa tapat na ako ng pintuan. Nilingon ko siya ngunit nakangisi lang siya sa akin kaya dumiretso na ko sa first floor kung nasan ang Principal's office. Sigurado rin naman akong mahuhuli sila dahil siguradong may teacher na pupunta sa faculty room kaya kahit di ko ipaalam sa principal, malalaman rin nila.

Dederetso sana ako nang may nakita ko muli ang nag-iisang bakanteng room sa first floor. Sa pagkakaalala ko, music room ito ngunit dahil sa nalipat na ang music room sa kabilang building ay hindi na muling nagamit ang room na ito.

Naalala ko pa ang mga panahon na lagi kong nadadatnan si Freya sa loob ng kwartong ito. Masaya siya tuwing tumutugtog siya. Alam kong napapawi lahat ng lungkot at sakit na nadarama niya sa tuwing hawak niya si Akira, ang flute niya.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon