Chapter 7 GIFTS

3.6K 114 2
                                    

Rin Pov

Sunday ngayon sa gabi at nandito yung dalawa kong tita habang nasa kwarto ako tumitingi nang dora movie, bigla na lang na off yung TV brow out ba? Tinignan ko yung phone ko bakit nag chacharge yung phone ko hala baka na sira na yung TV namin.

"Mama bakit nag off yung Tv?" Sigaw ko dahil nasa kusina si mama

"Pinatay ko yun hehehe hali ka na dito"yay si mama hala pano niya pinatay yun? Hindi ko na lang yun pinansin at pumunta na lang ako sa sala namin tapos nakipag beso beso kay tita, yan kasi yung gusto nila at nasanay na rin ako roon.

"Oh Rin may dala kaming regalo dito halika" Bakit sila may dalang regalo? Hindi ko pa naman birthday sabi ko na lang sa isip ko.

"Hindi pa po ngayon yung birthday ko tita!" Nakangiti kung sabi pero tinignan niya lang ako.

"Pag birthday lang ba pwede mag bigay nang regalo?" Sigaw niya sakin kaya takot kung kinuha yung regalo niya, hala so pwede mag bigay nang regalo sa patay sana binigyan ko nang regalo yung kapitbahay namin nong na matay siya.

Binuksan ko yung regalo niya isa itong bag sa parang pang korean bag at color violet ito maliit ito pero marami ang pwedeng mailagay dito, binuksan ko din yung sa loob niya may mga lipstick doon at may cream din tapos pulbos at eyebrow. Anong gagawin ko dito?

"Para sakin po bato eh bakit wala si dora?" Malungkot kung sabi nakalimotan ba nila si dora?

"Nandiyan si dora tignan mo yung keychain oh diba mukha yan nong malaking ulo na si dora, buhay pa pala yun!" Sinabihan niyang malaki ang ulo ni dora? malaki din naman ulo ni tita Great eh langya talaga si tita taste pero masaya ako dahil buhay parin si dora.

"Oh ito naman sakin Rin" Sabay abot sakin ni tita Great sa regalo niya, isa itong dalawang sapatos yung simple lang ito may naka sulat na adidas at converse ang ganda naman nito, hahaha black and white yung sa adidas tapos violet yung isa, Kahit simple lang napaka ganda nito.

"Kahit gumanda ka na Rin sana hindi mag bago yung ugali mong ganyan samin, kahit na mag bago yung ugali mo sa ibang tao like yung kaaway mo basta samin hindi pwede yun ha!" Sabi ni tita taste nakakaiyak naman ang tono nang pananalita ni tita. Dahil para naman mawawala sila ng limang taon.

"Oo naman po para sa inyu" Kaya nag si tawanan kami apat.

"Tumayo ka diyan at turoan kitang mag lakad nang maayos" Hala pano bako maglakad sakang ba ako? Tumayo ako at sinimulan na akong turuan ni tita kung pano daw lumakad, Paulit ulit lang yung ginagawa namin kaya na pagod ako.

"Tara turuan kita kung pano gamitin yung mga binigay kong make up" Sabi ni tita taste kaya pumasok kami sa kwarto ko at pinaupo nila ako sa upoan ng kwarto ko habang nasa harap ako ng malaking salamin.

Marami kaming na gamit na tissues at kumuha din sila nang tubig kasi lagi na lang mali yung ginagawa ko kaya matagal kami natapos sa kilay pero kahit ganon nakuha ko din yung mga tinuturo nila, tapos sa pag lagay naman nang cream hindi kami nahirapan doon dahil ang dali lang kaya non.

"Oh kain na muna tayo dito" Sabi ni mama huhuhu kanina pa tumotunong yung tiyan ko lumabas kaming tatlo sa kwarto at pumunta sa sala para kumain.

Habang kumakain kami bigla ko na lang na miss si papa wala na akong papa simula nong grade 4 ako. Pumanaw na kasi ito sa sakit sa puso ang bait pa naman ni papa siya nga yung nag bigay sakin nang dora doll kaya iniingatan ko talaga si dora para hindi masira dahil si papa ang nag regalo non sakin.

"Oh tara mag movie marathon tayo!"anyaya ni mama samin

"Hindi na mommy kasi may pupuntahan din kami nitong bakla to" Sabay turo ni tita Great kay tita taste pero pumunta sa kusina si tita taste at kumuha roon nang pagkain. Hala hindi pa ba siya busog?

Nong umalis na sila kami na lang ni mama ang nanood nang movie. Ang pinanood namin ay hindi ko trip kaya natulog na lang ako sa sofa namin.

Childishly Inlove (COMPLETED)Where stories live. Discover now