Chapter 3 BIYAK ANG PUSO

4K 118 2
                                    

Rin Pov

Hawak hawak ko ngayon si dora at sa kabila naman may dala akong mga candy para pag titingin ako mamaya sa new episode movie ni dora hindi ako mag sawa kasi may kakainin ako. At sa hindi dapat makita nang mga mata ko na habang lumalakad ako papauwi nang bahay namin bigla ko na lang nakita si Zach na may kahalikan na babae kaya tumango ako sa isa sa mga puno dito at sinilip ko silang dalawa habang nag hahalikan. Ang sakit naman na makita mo yung crush mong may kahalikan na iba at si Barbie  Aurora pa talaga yun agoy biyak na naman yung puso ko talaga yung puso ko

Bumuntung hininga muna ako at lumabas  na ako sa pinagtatanguan ko. Tapos nag patuloy sa pag lalakad pa uwi nang bahay namin wala na talaga akong pag asa kay zach saklap.

"Ma nandito na po ako!" Sigaw ko habang nasa pintuan pa ako ng bahay namin pero walang sumangot sakin. Asan ba pumunta si mama?

Sinarado ko na yung pintuan ng bahay namin at pumasok na agad ako sa kwarto ko, Tapos nag bihis na ng pang bahay ko, Pagkatapos kong mag bihis kinuha ko na yung pocket book ko.

Nong last week ko pato binili, binuksan ko yung libro ko at sinimulan mag basa.

"Kapagod!" bulong ko natapos ko nang basahin yuung ilang mga chapters at nakaramdam agad ako ng pagod at gutom.

Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa sala namin. Andon pala si mama tumitingin ng balita sa TV,  kanina lang wala siya tapos ngayon andito na hala!

"Oh Rin may niluto akong pag kain don sa kusina kainin mo na lang yun anak!" Sabay turo ni mama sa kusina namin. Pumasok ako roon tapos sinulunong agad ako ng niluto ni mama na nasa ibabaw nang lamesa namin.

Lumapit ako doon at kumuha nang upuan at sinimulang kumain. Amm huhuhu ang sarap talaga mag luto ni mama! sabi ko sa isip ko. Nong maliit na lang yung natira sa kinakain ko binagalan ko ito para hindi madali ma ubos hehehe talino ko talaga!

Nang malapit na itong maubos bigla ko na lang na alala yung ginawa ni Zack at Barbie kanina sa park, kaya inis kong inubos yung kinakain ko huhuhu ang saklap na mannon sana hindi ko na lang yun nakita, at sana hindi na lang si Zach yung naging crush ko

Naubos na yung kinakain ko dahil yun naman yung kalalabasan eh

Iniligpit ko na yung pinagkainan ko at bumalik na naman ako sa kwarto ko para manood ng dora the explorer, Habang kumakanta si dora sinasabayan ko ito dahil kabisado ko naman yung lyrics

Pero minsan na iinis ako kasi lagi niyang tinatanong yung mga kasama niya tapos paulit ulit pa talaga tch! Pero okay lang yun sakin kasi love ko si dora eh heheheh kahit ayaw ni mama kay dora mahal ko parin si dora

"Kung mag maglagay kaya ako nang bangs?" Bulong ko at lumapit ako sa malaki kung salamin na nasa kwarto ko.

Gugupitin ko sana ito pero bigla na lang dumating si mama

"Woi woi anong ginagawa mo sa buhok mo?"

"Ma balak ko sanang gupitin at gumawa nang bags para same na kami ni dora eh hehehe!"at pwenisto ko na yung gunting sa buhok ko pero kinuha ito ni mama

"Sinabi ko bang okay lang diba hindi at isa pa kabago bago mo pa nang pa gupit tapos gupit na naman tch hindi bagay sayo pag may bags ka"hala si mama eh matagal na kaya yung nag pa gupit ako

"Hala ma hindi po ito bagong gupit ma nong last month pa po"pero tinignan lang ako ni mama na walang emosyon hala pano niya yun na gawa paturo nga ako minsan

"Tch kahit na basta walang mag babangs period"at umalis na ito pero tinawag ko pa muna hehehe

"Mama pano niyo po nagawa yung tumingin ka sakin na walang emosyon"pero kumonot lang yung noo niya hindi niya ba ako na iintindihan kasi naman eh lage na lang siya sa salon at hindi siya tumitingin nang Dora

Yayain ko kaya si mama minsa na manood nang dora hahaha para date namin ni mama yun at isasama ko rin sila tita hehehe at si dora at sana si Zach wag lang si Barbie

Childishly Inlove (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ