Allerza(TIR)16: Hide and Seek

156 14 2
                                    

Hide and Seek


Allerza's P.O.V

Napakainggay ng paligid--- pinupuno ng magkakaibang boses na may kasamang palakpakan. May pumapadyak at humahagalpak. Meron ding paparoon at paparito. Nasaan ba ako?

"Jaferson bilisan mo..." maingat at mahinang bulong ni Aquesha kasabay ng pag-init ng mukha ko.

Bakit mainit?

Parang may nagsindi ng kandila sa mismong mukha ko. Malamig ang palibot ng kinahihigaan pero ramdam ko ang init sa mukha.

"Happy happy maligayang bati,"

It's August 28 today then. Kaarawan namin. Akala ko ay pinagloloko na naman nila ako.

"Owem gee Allerza! Allyna, we're oldies na talaga!" maarteng puna ni Haera sa isipan ko.

"Being twenty is a welcoming stage of back pain," sabat na naiusal ni Luna.

"Tabi, ang O.A pakinggan." Boses ni Qiesha. "Get up. One, two, three, fou---" Bumalikwas agad ako mula sa pagkakahiga. This witch is harsh at ayoko nang mahila pa sa braso. The last time she woke me up was the horrible encounter my arm have had.

Bumungad ang nakangiting mukha niya sa'kin. On her hands is a cake with a 20th candle being lit. Nanlaki pa ang mga mata ko sa pagkabigla. Her smile is genuine which is odd for me.

"Bilis, huling kaarawan mo na kaya hipan mo." Mas lalo niyang inilapit sa mukha ko ang cake nang mahipan ko ng maayos.

Nagulat nalang ako bigla nang yakapin niya ako ng mahigpit matapos kong umihip. I even heard her sniffing before teleporting to nowhere. Jaferson went after her.

"Happy Birthday Allison. Tara, kain na tayo," malumanay na yaya ni Aquesha sabay ngiti. Tumango ako sa kaniya bago inalis ang kumot sa hita at tumayo. Nakakaramdam pa rin ako ng panghihina kaya inalalayan ko ang sarili gamit ang stand ng dextrose.


"Gising ka na pala. Happy 20th," pagbati ni Sqill na kararating lang. Nauna siyang naupo sa'min ni Aquesha sa upuan ng mahabang lamesa na nakapwesto sa pagitan ng sofa at higaan ko. Sa tabi niya ay tahimik na kumakain si Vkline.


"Sorry, nagutom ako." tipid na ani ni Vkline nang maupo kami ni Aquesha sa dulo.

"Hi Allison!" bati ni Jaferson at naupo sa tabi ni Vkline. "Oh huwag ka munang uupo sa tabi ko Qiesha. Kunin mo muna ang cake sa side table ng higaan ni Allison.l," utos niya na ginawa naman ni Qiesha. Nasorpresa ako nang sumunod si Qiesha. She did the command without ranting and quietly sat beside Jaferson.

"Share muna tayo, diet ako," wika ni Qiesha kay Jaferson at itinapat sa gitna nila ang plato.

"Kadiri ka, pati spoon and fork?"

"Tss, huwag ka ng maarte."

Bumukas ang pintuan kaya napalingon ako. Unang tumambad sa akin si Mr.Martinez na may kalakihan ang tiyan at may kaedaran na. Sumunod ang isang guro na nasa thirties ata. Pinakamatangkad at medyo magulo ang buhok ng lalaking sumunod kay Mr. Martinez; mukhang scientist at may nakalagay na Abremm Guzman sa name plate na nasa dibdib niya. Hindi nagtagal ay may sumunod na pumasok na kaedad ni Mr. Martinez--- singkit ang mga mata, may mahabang balbas, at masculado ng pangangatawan. Panghuli ay isang babaeng nasa dalawampu't lima ata; balingkinitan siya't maganda--- parang manika ang dating dahil sa nakabun na buhok.

Allison Haerza(The Immortal Royalty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon