Epilogue

135 8 0
                                    

It was a rainy day. The air was humid and the earth was muddy. Almost four years had passed, it has been raining ceaselessly.

The odd was, the sky was not gloomy and rather bright.

Naliligo sa putik ang bawat tent ng mga residente. Basa ang lupa at madulas. Ang kanilang botas ay halos kainin na ng putik sa kay lambot na lupa.

"Wanted legendary students. It says top eight!" galak na pagbabasa ng batang lalaki sa kuya niya. Nagtatalon ang batang nasa pitong taong gulang kaya naalog ang tent nila.

Inalis ng lalaki ang braso sa mga mata para tapunan ng masamang tingin ang kapatid. "Hindi ako interesado. Patulugin mo ako Joaquin." Bumuntong hininga ang lalaki at matutulog na sana ulit nang makulit siyang hinila ng nakababatang kapatid.

"Hey, makinig ka muna!" Gamit ang maliit nitong katawan ay sinikap niyang patayuin ang nakatatandang kapatid ngunit hindi manlang ito nagalaw sa pagkakahiga. "I hate living this way," puyat na dagdag ng bata bago naupo sa gilid ng nakatatandang kapatid.

Agad na napaupo ng maayos ang nakatatandang kapatid para maharap ang nakababatang kapatid.

"Ano naman ang maitutulong ng papel na 'yan?" turo ng nakakatanda kaya lumiwanag ang mukha ng nakababata.

"Papayag ka? Sasali ka Hans?"

"Kuya, magkuya ka Joaquin."

"Sasali ka?" tanong ulit ng nakababata at hindi pinansin ang pagsaway ng nakatatanda.

Napasulyap ang nakakatanda sa hawak na papel ng nakababata.

Nakangiting ipinakita ng nakababata ang papel sa mismong mukha ng nakatatanda bago nagsalita. " Training for months. Kapag nakapasa ka, we can live in a proper village! Aim for Legendary eight, ayaw ko rito. One meal a day, maputik, inaalipin tayo, tapos.... walang maayos na mga pasilidad." Napadako ang mga mata ng nakababata sa kabilang tent. Mula sa uwang ng bintana ng tent nila ay natatanaw niya sa kabilang tent ang nakaratay na matanda. Payat, nanghihina, at walang humpay sa pag-ubo ang matandang lalaki.

Hinablot ng nakatatanda ang papel sa kamay ng nakababata para basahin.

"Hinuli nila si ate Rasha. Walang nang nag-aalaga kay lolo Isko," panimula ng bata at paunti-unting namuo ang galit sa mga mata niya. "Ayaw nila nang nagtutulungan tayo. They want us to compete here. Ilang taon ko nang nasasaksihan ang pangit na pamalalakad dito." Isinara ng nakababata ang bintana nila bago ipinukol ang paningin lagpas sa nakatatanda.

"Ayaw ko." Nalukot ang papel sa kamay ng nakatatanda bago itapon sa gilid. Napatingin ang nakababata sa kaniya. "Maiiwan ka rito kapag ginawa ko," dagdag niya bago tumalikod para matulog ulit.

Sa harap ng mataas na gate ay nagsidaratingan ang mga malalaking truck. Pinupuno ng mga kabataan sa loob na kumakatawan sa bawat bayan. Malalaki ang dala nilang bag at kakakitaan ang magkakaibang estado ng buhay sa mukha ng truck at ang mga nasa loob nito.

Tumunog ang nakakabinging kampana bago umilaw ang mga ilaw sa tuktok ng bubong. Matataas ang mga bubong kaya hindi makikita kung ano ang nasa loob maliban sa umaapaw na mga kahoy. Tanging ang ilaw ng mga sasakyan at sa tuktok ng bubong ang nagsisilbing liwanag sa paligid na puro mga puno ang pumapalibot. Lubak-lubak at maputik ang daanan.

Bumukas ang malaki at mataas na gate. Lumikha ng tunog ang pagbukas kaya nagsilabasan ang mga kabataan para pumila sa gilid ng sasakyan nila. Magkakaibang mga emosyon ang bumuo sa kanilang mukha.

Hindi nagtagal ay may babaeng nakasuot ng mahabang bestidang pula ang nakatayo sa gitna ng daanan papasok sa akademya. Nakasaklop ang mga palad nito at nakatayo ng puno ng awtoridad. Ang ngisi sa labi ng babae ay malaki at pinupuno ng galak.

"Welcome to Acrea Academy, my dear new students," mainit na pagtanggap ni Allison sa kanila bago pasadahan isa-isa ang mga kumakatawang kabataan.



Date Finished: 09/18/2020

Allison Haerza(The Immortal Royalty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon