Chapter 36

16.1K 596 53
                                    

'A Glimpse of Darkness'


RAVEN

Nasa koste na kaming dalawa ni June at pabalik na kami sa Tanaka Village. Pinagpahinga ko ang likod ko sa upuan at pumikit na pero nararamdaman ko paring panay nakaw ng tingin si June. Umangat lang ang gilid ng labi ko sa ginagawa niya.


"You know you don't have to do that anymore."
Nakapikit kong sabi sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang tawa at naramdaman kong lumiko ang kotse. Nagmulat nalang ako ng mga mata at tumingin sa kanya na nakatingin na sa daan.


"June?"
Mahina kong tawag dahilan para tumingin siya sa akin at ngumiti lang para itanong kung ano ang pakay ko. Tumikhim ako bago nagsalita.


"I was just curious.. why were you there? The moment Cash was shot."
Humina ang boses ko sa huling mga linya na lumabas sa bibig ko. Nakita kong humigpit ang hawak ni June sa stirring wheel pero maya-maya'y nagpalabas siya ng isang malalim na hininga.


"I grew up not knowing the traditions of the Tanaka Clan because my Mom never told me anything. I didn't know about the weak Tanaka being killed and stuff at lalo na si Cash. Until Nathan warned me about protecting Cash. Nalaman na niya pala na ang napiling Tanaka ay sina Cash at Amber. Nathan knew that Amber was the weakest kaya alam na niyang si Cash ang magiging target that's why he warned me. But he was too late about warning me. Dumating ako sa school niyo at nakita ko nalang na natumba na siya. I didn't know who the killer was. Kung nalaman ko lang ang tungkol sa tradition ng clan, siguro hindi na tayo naghirap sa paghahanap pa o baka nasabihan ko man lang si Cash tungkol dito."
Mahinahon niyang kwento sa akin. Napatango lang ako at naalala ko kaagad ang mga pinagdaanan namin sa paghahanap sa totoong pumatay. Until now, the killer is unknown.


"Dun mo lang nalaman.. nung kaharap mo na si Amber."
Pagpapatuloy ko sa kwento niya. Tumango naman siya habang nagmamaneho parin. Gusto ko nang tumahimik at matulog nalang but I guess I really am a cat of some sorts. Curiosity filled me at mabuti nalang dahil sinasagot naman ni June ang lahat ng mga tanong ko ng walang angal.


Naging maliwanag sa akin ang ibang bagay. Sinabi niyang hindi naman sila sumusuko sa paghahanap ng pumatay kay Cash dahil nalaman nilang hindi pala ito Tanaka. Sinabi niyang halos kalahati ng Tanaka guards na hawak nila ang naghahanap sa pumatay. And when he said half, he meant half a million Tanaka guards are looking for Cash's killer.

At dahil sa utos ni Master Tanaka at sa tradition ng clan nila, we stayed quiet and all we have to do it wait. It might be hard to do pero 'yun lang ang pwede naming gawin. It's not up to our level now. It's beyond that.


I was brought back to my consciousness nung nalaman kong nakapasok na pala kami sa Tanaka Village. Tiningnan ko si June na seryosong nagmamaneho pero napansin kong nakabukas pa pala ang first two buttons ng black polo shirt niya.


"W-Will you button up?" Tanong ko sa kanya. I mentally slapped myself for stuttering which just made June smirk at me at tumingin sa collarbones niyang naka-expose. "Hmm.. maybe later." Nakangisi niyang sabi sa akin. Sinapo ko nalang ang mukha ko at narinig ko ang tawa niya muli.


Dumaan pa ang kotse niya sa tapat ng Grand Mansion. Napansin kong may mga itim na kotseng nakaparada dun pero hindi ko na ito napagtuonan ng pansin nang biglang umilaw ang cellphone ni June. Tiningnan niya lang ang pop-up message mula dito at bigla nalang hininto ang kotse niya sa tapat ng Grand Mansion.


"Uhh.. pinapatawag ako ni Tita." Tumango lang ako sa sinabi niya at ngumiti. Nakita kong tinanggal na niya ang seatbelt niya pero napahinto siya ako tumingin sa akin na parang naguguluhan pa. "Ba't hindi mo po tinatanggal ang seatbelt mo?" Kumunot kaagad ang noo ko sa tanong niya.

Babysitting June TanakaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα