Chapter 10: Huh?

44 1 0
                                    

Angela 

Tahimik kaming dalawa sa loob ng kotse. Nagmamaneho siya. Kakain daw muna kami bago kami pumunta kela Mom, sabi ko nga dun na lang kela Mom pero ayaw naman. Sino ba talaga ang masusunod dito?

Pagkarating namin sa mall ay pumunta agad kami sa isang fastfood chain. Gusto niya sana sa mamahaling restau, pero hindi ko pinansin. Mahaba habang pilitan pa ang pagkain namin sa fastfood. Eh sa gusto ko kumain ng fries ng Jollibee eh. Edi wala siyang nagawa. Habang nag-oorder siya may mga babaeng nakatingin lang sa kanya. May mga babae pang kinikilig. May nakita pa akong babae na kasama na nga niya ang boyfriend niya nakatingin pa rin kay Kirby. Kahit yung nasa counter nagpapacute din sa kanya habang nag-oorder siya. At siya naman nakangiti lang habang nag-oorder. Hay nako. He really likes the attention.

Coke float lang at large fries ang pinabili ko sa kanya. I told him na magsisisi kami sa pagkain dito kasi papakainin talaga kami ni Mom and Dad at lalo pa't may dala akong bwesita (bisita pero dahil nabibwesit ako sa kanya kaya bwesita na lang). Kaya wala naman siyang magawa. Siya nag-order lang ng champ at iced tea may kasama din itong fries. Umupo na siya sa harap ko at nilapag ang in-order namin.

"Akala ko ba magr-rice ka?" Tanong ko sa kanya.

"Eh ikaw eh, hindi ka kakain ng rice kaya hindi rin ako." Saad niyang nakanguso pa.

"Bakit? Hawak ko ba yang tiyan mo para ako sisihin mong di ako kumain ng rice?" Saad ko at umirap sa kawalan.

"Love naman. Bati na tayo please..." Sabi niya at napatingin ako sa mga nakatingin. All this time andami palang nakatingin samin. At siraulo tong isang to, maka-love huh?

"Ewan ko sayo. Kumain ka na." Pag-iwas ko. Ang sasama ng tingin sakin ng mga babae. Langya. Ano ba tong pagsama ko dito, puro attention ang nakukuha ko. Oo, sanay ako sa ganon pero dahil iyon sa mga booksignings at sa reports. Pero ito, ibang attention to. Tingnan ka ba naman ng masasama na parang isang tingin lang pwede ka ng bumulagta? Kasalanan ko bang sumusunod sunod tong isang to sakin? Kayo sumama dito tingnan niyo kung anong mangyayari sa araw niyo.

Tahimik lang akong kumakain ng fries ko na sinasawsaw ko sa sundae ay napapatingin sakin si Kirby.

"What?" pagsusungit ko sa kanya.

"Wala. You look cute while eating." He said and then took a bite with his food. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Ano ba naman yan. Umiwas agad ako ng tingin.

"Love..." Tawag niya sakin. Tumingin naman ako sa kanya. Teka nga! Hindi dapat ako tumugon ng tinawag niya ako. Langya. Eh pano kung di ako yun?

"Gusto naman pala na tinatawag siyang love. Ang cute talaga." Sambit niya pa at kinurot ang pisngi ko. Uminit lalo ang pisngi ko. Pwede na ba akong lamunin ng lupa? Ang harot nitong si Kirby! Kahapon ang sungit at halos kumokontra sa amin and then now, ito sya? Anong meron? May trip ba siyang hindi ko malaman?

Tahimik lang ako kumakain ulit. Di ko na lang pinapansin ang pagsasalita nitong kasama ko.

Nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na tao ng tumingin ako sa labas.

"Akala ko ba magkasama si Zed at Bea?" Tanong ko sa kawalan.

"Huh?" Tanong ni Kirby na walang kaalam-alam.

"Wait. Stay." I said and then rushed to a guy near the fastfood chain. Nasa tapat ng isang boutique at may kasamang babae.

Tinapik ko ang balikat ng lalaki. At tama ako sa nakita ko. Si Zed nga.

"Oh, Gela. Nice to see you here. May kasama ka?" Tanong niya na parang tuwang tuwa pa. Nakahawak kamay sila ng babaeng kasama niya. Parang nagpapabili ng kung ano. I saw how the girl look at me from head to toe. Excuse me, mas maganda ako sayo at mas maganda ang bestfriend ko kesa sayo. Inirapan ko at bumaling kay Zed.

My Destiny (on hold★)Where stories live. Discover now