Chapter 7: Home

55 2 0
                                    

Angela 

Destiny?

Maybe for me that's making a way to be with the person you love. A bridge. It is a bridge to the person who'll be spending the rest of their life with you.

"Of course. Naniniwala ako sa destiny." I said and took my drink.

Napangiti siya.

"Ako rin. I believe in destiny." Sabi niya na parang may iniisip. Why so random?

Pinaglaruan niya ang inumin niya tapos ay napatingin sakin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. What is he thinking?

"Bakit?" Tanong ko habang tumitingin sa dance floor. Nakikita ko si Bea at si Zed na nagsisexy dance. Langya tong dalawang to. Parang sa crowd pa nagmemake out.

"Kasi siguro, naghahanap ako ng maraming paraan para balikan ang taong naiwanan ko dati. Kasi mahal ko siya, but because of some circumstances napaghiwalay kami ng tadhana. Maybe, we are not meant to be together that time. Baka ngayon pwede na. Kaya bumalik ako." Sagot niya at napatingin ulit ako sa kanya. There's something in him that makes me curious.

May isang tao rin kasing nang-iwan sakin dati... I like that person pero di ko naman iisiping siya yun. Malayong malayo na siya yun. Eh, chubby kaya yun tapos cute nung bata. Tinutukso ko pa nga yun minsan. Kaya imposible. Imposible. But he's very familiar. I just don't know kung san ko siya nakita. Baka nagkasalubong na kami dati pero I cant remember.

"Eh, pano pag yung taong babalikan mo, may tao nang minamahal? May asawa at anak na. Ano gagawin mo?" Tanong ko. Totoo naman kasi. Iniwanan mo siya dati, of course malulugmok yun sa sakit. Kahit kaibigan lang ang turing sayo nung tao, talagang masasaktan pag iniwanan sila. At kung may feelings din ang babae? Edi ano? Lugmok na lugmok. Kaloka yan. Hindi naman kasi imposibleng may taong hindi manliligaw sa isang babae.

"Wala pa naman. Swerte nga, eh. Kakarating ko pa lang sa bansa at nagsimula dito nakita ko agad siya. Ang laki ng pinagbago niya. At swerte rin, single siya. Masyado kasi siyang busy pero ayos lang. Makikilala niya rin ako. Mukhang nakalimutan niya na, eh." Sabi niya habang natatawa at naiiling. Ewan ko ba, nagagwapuhan ako sa nilalang na to. Yung mata kasi mapupungay, may perfect set of white teeth, matangos na ilong at bagay sa kanya ang suot niya. Oh talagang tama lang to nang iniinom ko?

Kahit simple lang ata ang isusuot nitong lalaking to lilitaw pa rin ang pagiging gwapo. Siya yung tipong malinis tingnan. Simple pero elegante. Hindi ko namalayang tumitingin na pala siya sakin. Oh damn, mukhang may tama na ako.

Ngayon ko lang siya nakilala, nainis na ako sa kanya tas ngayon parang gumaan na ewan ang nararamdaman ko. Baliw na ata ako. This is probably the effin drink!

"Ah! Err. Edi swerte nga." I said while looking away. Nakakapaso kasi yung tingin niya. Ano ba to, unang araw ng pagkikita namin pero parang antagal na naming magkakilala. Tapos kanina asar na asar pa ako sa kanya. What a mixed emotion.

Tumingin ulit ako sa dance floor at hindi ko na nakita ang dalawang yun.

"Hala! San na yun?" Tanong ko.

"Ang alin?" Sagot niya sakin na tumitingin tingin na rin sa paligid.

"Sina Bea at Zed! Hala!" Natatarantang sabi ko. Tumayo ako at hinanap hanap pa sila. Sayang ang heels pag di nagamit ano ba.

"Ah, sila ba? Umalis kanina, eh. Parang may gagawin din sila." Sabi niya na nakangiting aso. Aba, mukhang alam ko na yun ah.

"Gagang yun. Sabi pa naman sakin sa bahay siya matutulog. Langya yan." Reklamo ko at umupo na naman ulit.

Tumawa naman siya at naiiling.

"Kahit siguro gawin nila iyon, ayos naman na rin. Nasa wastong gulang naman na sila at alam na rin nila ang dapat at hindi dapat." Sabi naman niya nang nakadalumbaba.

Pero hindi talaga ako mapakali.

"Wag ka na mag-alala sa best friend mong 'yun. Nakikita ko namang mahal pa siya ni Zed, eh." Sabi niya naman sakin at hinawakan ang likod ko.

"Uwi na ko." Sabi ko sa kanya pero talagang hahanapin ko sana si Bea.

"Wala kang dalang sasakyan diba? I'll drive you home." Utas niya ng tumayo ako pero umupo ako agad at umorder ng drink.

"Mamaya na lang. Di ko rin alam gagawin ko sa bahay. Kala ko pa naman kasi sa bahay matutulog yung loka-lokang yun. Kawawa yun sakin bukas. Ugh!" Reklamo ko.

Nilagok ko na parang tubig lang ang inorder kong drink.

"Uy, hinay hinay." Sabi niya sakin habang inaalayan ako.

Hindi ko siya pinansin at tumayo ako agad.

"C.R lang ako." Sabi ko at nagpagewang gewang papuntang banyo pero yung totoo, okay pa naman ako, ewan ko lang ba't ako nahihilo. Akala ko pa naman mataas ang tolerance ko sa alcohol.

Nang makaabot ako sa banyo. Nagpunta agad ako sa isa sa mga cubicle at ginawa ang mga gagawin ko. After that ay humarap ako sa salamin. Nag ayos at lumabas na rin agad agad. Pagkalabas ko nakita ko yung mga babaeng pumulupot kay Kirby. Dala-dalawa pa ha. Ay teh, kasama ko yan! Parang ako ang naiiwanan ngayon, ah? Nakita ko rin na parang enjoy na enjoy siya kaya lumiko ako at pumunta sa isang tabi. Umupo ako dun at tinitingnan ang mga nagsasasayaw na mga tao sa gitna. Nang biglang may lumapit sakin na lalaki.

"Hi. Alone?" Tanong niya at tinabihan ako. Napatingin na lang ako at hindi sumagot pero may itsura naman tong lalaking to. Though he's not as hot as Kirby. Wait, wait! Why am I even comparing him to this stranger?

"Suplada." He mumbled. Tiningnan ko nga ng masama.

"May kasama ako. Kaso nga lang mukhang busy ang ungas sa dalawang malanding babae na kasama niya." Inis na sambit ko. Di ko nga alam bat inis ako. Langya. Siguro dahil ang lalandi nung mga babae? Nakakabanas. In my 27 years of existence here on earth, ngayon lang ako nakakita ng ganyan kalanding mga babae so I think this reaction is normal.

"Oh... Seems like youre having a hard time sa kasama mo?" He grinned at me. Sinamaan ko rin ng tingin. Tatayo na sana ako ng hinigit niya ako papuntang dance floor. This is why I hate talking to strangers! Hindi ako marunong sumayaw. Walangya!

"Sayang ang damit mo kung di ka man lang tatayo at mananahimik lang sa tabi." He said while dancing in front of me. In all fairness, magaling sumayaw ang gago. Not bad. Napapaindak din tuloy ako. Unti-unti akong gumiling giling, bahala na tong gagong to kung sino to. I'm enjoying!

Nagulat na lang ako ng biglang may humigit sa kamay ko.

"Aray! Masakit! Ano ba?!" Sigaw ko. Nakita ko ang galit na mukha ni Kirby na nasa harap ko na ngayon. Parang kanina, busyng busy siya sa mga babae niya ah?

"Akala ko magbabanyo ka lang? Bat ka nagsasasayaw sa gitna?" Nagtitimpi niyang tanong sakin habang mahigpit na hinahawakan ang wrist ko. Napaigsi naman ako sa sakit na naramdaman ko.

"Pare bitawan mo siya, kitang nasasaktan eh." Sabi nung lalaking kumaladkad sakin kanina. Nanatili akong tahimik. Ayoko gumawa ng eksena sa club ni Zed. Pagbayarin pa ako ng damages nun, sakit pa sa ulo. Binitawan niya agad ang kamay ko at tumingin sa lalaki.

"Kilala mo ba to ha, Angela?!" Sigaw ni Kirby, mukhang ayaw rin gumawa ng eksena.

"Let's go home." Yun na lang ang tangikong nasagot at nauna ng pumunta sa kotse niya.    

My Destiny (on hold★)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon