Chapter 9: No way

45 1 0
                                    

Angela

Siguro sa sobrang pagod ko kagabi hindi ko na namalayang nakatulog na ako. Ano na kayang oras ako nakatulog kagabi? Di ko rin namalayan na nasa kama na ako. May kasama sa bahay at naamoy ko ang masarap na pagkain sa kusina. Bumangon ako agad at nag-unat. Nakita ko si Kirby na bagong ligo, shet. San siya kumuha ng damit niya? Nakav-neck shirt lang siya at nakashorts. Yung muscles niya mukhang pinaghirapan niya ng ilang taon. Ang laki at bagay na bagay sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang humarap. Oh dang! Kung di ko lang siguro to investor aba't hinalay ko na to! Pero nang maalala ko kahapon, parang gusto ko nang bawiin lahat. Kahit ganyan ang itsura niya, ganoon naman siya ka-hangin. Nakakaasar pa at nakakainis ang pinanggagawa. So, yeah. No way, highway.

"Oh, gising ka na pala. Come. Let's eat." He said while smiling. Wow. Ang gwapo, teh. Parang di makakagawa ng masamang bagay sa smile niya ah. Di na ako nagugulat bakit may kahanginan tong lalaking to. May laban naman kahit konti.

"But before that, magmumog ka muna and wash your face. Masyadong maraming morning glory sa mata mo." Tukso niya. Hinampas ko nga at tiningnan mukha ko sa salamin. Pakshet. Wala naman eh. Ugh. Kita mo to, binabawi ko na sinabi ko. Letse. Di ba ako magkakaron ng peace of mind pag kasama tong isang to? Puro pang aasar at panunukso natatanggap ko ah? Kahapon pa to. Nakakaquota na siya!

Tiningnan ko siya ng masama tas nagmumog ako at naghilamos. Tss. Tiningnan ko ang niluto niya. Bacon, fried rice, hotdog, egg, pancakes at coffee para sa kanya tapos gatas naman yung sakin. Wait, how come he knew na hindi ako nagcocoffee?

"How come you knew that I don't drink coffee?" I'm asking him. Nakakapagtaka kasi. No one ever knew I dont drink coffee kung hindi naman nagtatanong. Tsaka hindi naman ako tambay sa opisina kaya walang nakakaalam not even my secretary.

"A-ah. That? A-ano, nakita ko lang kagabi na nag-gatas ka instead of drinking coffee." Sabi niya at nag-iwas ng tingin. Oh... Okay.

"May damit ka pala?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Umuwi ako kanina habang tulog ka. Naligo na lang din at nagbihis." Saad niya habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato ko. Teka nga!

"Andami naman neto." Reklamo ko sa kanya. Ikaw ba naman, lagyan ng tatlong hotdog at tatlong strips ng bacon, eggs tsaka lagyan ka pa ng dalawang pancakes. Aba, mahabag naman siya sakin! Masisira ang diet ko.

"Wag ng magreklamo. Kumain ka ng marami. Ang payat mo na eh." Saad niya habang nilalagyan pa ng butter at honey ang pancake tas nislice iyon.

"Hoy. Marunong ako kumain." Saad ko na nakapagpatigil sa kanya.

"A-ah. Ang payat mo na kasi." Utas niya ulit at umiwas ng tingin. Ang hilig umiwas ng tingin nitong lalaking to. Nakita ko ring namumula ang tenga niya. Anmeron?

"Sexy kaya ako." Sabi ko naman habang kumakain. Napatingin siya sakin. Walang reaction amputek. Nahiya naman ako kaya binawi ko agad.

"Sorry. Nagjoke lang ako. Marunong naman ako kumain kaya don't worry. Hindi uso ang ulcer sakin. Di ako nagpapagutom. Hahaha." Saad ko na lang.

"As if I'm worrying. Ang pangit lang kasi tingnan, matangkad ka nga pero parang wala namang laman. Kaya pinapakain kita." He said, grinning. Ugh. Aba't!

Tiningnan ko siya ng masama at hindi na lang kumibo. Gagong to. Wala palang laman? Eh andami ngang nagsasabi na bagay sa height ko ang katawan ko. Letse niya. Kainis. Ang hangin niya talaga. Bumaling na lang ako sa hotdog na nasa plato ko, sarap hati-hatiin ng mga hotdog na to. Letse.

Hinati ko naman yung hotdog na parang naiinis. Kaya napatingin siya sakin, nanlalaki ang mata. Pano ba naman, sa hotdog na nasa plato ko ang kinakawawa ko. Hinati hati ko na at talagang may tunog pa. Bwesit!

My Destiny (on hold★)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon